Kabanata 27; Lakas ng loob

20 10 1
                                    

Please play the music while reading;

Hailey's pov

Sikat na ang araw at napaka aga kong gumising. Magang maga pa ang mga mata ko dahil sa magdamagan kong pag iyak kagabi. Paano kaya ako mabubuhay ngayon ng hindi siya nilalapitan at hinahawakan? Kakayanin ko kaya?
"Inuutusan kana ng reyna"
Bungad ni Mabelle saakin.
"Sandali lamang at nagsusuklay ako"
Inayos ko na ang buhok ko at lumabas ng aking silid kasabay ni Mabelle. Medyo halata narin ang kaniyang tiyan kaya inaalagaan siyang mabuti ni Noah.
Laking gulat ko ng makasalubong ko si Asher na tila walang pakealam sa presensya ko habang lumalagpas siya saamin.
"Nag away kayo ni Prinsipe Asher?"
Pariwarang tanong ni Mabelle.
"Uhm..oo"
Sagot ko na lamang upang hindi kami mahalata. Ang sakit pala ng ganon no? Yung dadaanan mo nalang siya na parang walang nangyare. Ang dating pagyayakapan namin tuwing nagkakasalubong kami wala na. Kasi wala naman narin kami.
Dumiretso lang ako sa paglalakad hanggang makarating sa ballroom.
"Magandang Umaga, Kamahalan"
Bati ko kay Jane habang nakaupo sa kaniyang trono.
"Ipag luto mo kami ng makakain"
Utos niya saakin. Tumango tango na lamang ako at nagtungo sa kusina. Sana naman hindi ko na makasalubong si Asher. Nanghihina ako e..

"Magandang umaga binibining Hailey"
Bungad na bati saakin ni Daisy. Nginitihan ko lamang siya sapagkat wala ako sa panahong maging masaya. Kinuha ko na lamang ang niluto ni Ms. V na sabaw at dinala sa ballroom. Mabilis ko lang itong ginawa at tumakbo patungo sa malawak na balkonahe.
"Gusto na kitang mayakap Asher"
Bulong ko sa aking sarili habang pinupunasan ang aking luha. May gaganaping sayawan mamaya ngunit nakatakip ang aming mga mukha gamit ang mga maskara. Sabi nila ay legal ulit ang pagpatay dito. Kung wala si Asher paano ako maliligtas?

Dahan dahan akong umalis doon at patungo na sana sa aking silid ng makita ko nanaman siya.
"Prinsipe Asher!"
Sigaw ko. Lumapit ako sakanya ngunit napakalamig ng presensya niya. Hindi katulad ng pagngiti niya saakin noon.
"Wala akong oras, Apprentice Hailey"
Malamig niyang tugon at nagpatuloy sa paglalakad. Napahawak ako sa dibdib ko habang pinagmamasdan siya papalayo saakin. Tingin ko, parehong mali ang desisyon ko. Tingin ko kailangan niya talaga ako ngunit hindi ko siya nagawang ipaglaban.

Bumalik na ako sa silid ko at inayos ang mga gamit ko para sa sayawan. Humarap ako sa salamin habang nakatanggal ang aking damit. Kitang kita ko ang hugis bituin na galos sa aking likuran. Bakit may hugis pa ito? At ang buhok ko naman ay nagsisimula ng maging kakaiba. Kalahati na dito ang kulay blonde.
Sinuot ko na ang kulay pula kong gown at nilagyan ng bandana ang aking buhok. Sinuot ko na ang itim kong maskara at mata na lamang ang nakikita dito.

Kahit anong gawin ko, marupok parin ako. At ang puso ko ay hawak padin ni Asher kahit na hindi na kami tulad ng dati.

Kakayanin ko to..
_

Dumiretso na ako sa ballroom ng nakaayos na upang matulungan ko sila sa paghahanda ng gaganaping sayawan mamaya.
Lumapit saakin si Prinsesa Calliope at inaabot saakin ang isang ipit ng buhok na may hugis bituin.
"Para saan po ito Diwani?"
Malambot kong tanong sakanya.
"Sa kapatid ko ang ipit na yan. Ngunit nais kong isuot mo iyan mamaya"
Malambing niyang tugon at iniabot saakin ang ipit. Maluwag ko itong tinanggap kahit na wala ako sa karapatan dahil pag aari ito ni Prinsesa Caily.
"Alagaan mo si Asher"
Nakangiting sambit ni Prinsesa Calliope na ikinagulat ko.
"P-paumanhin Diwani. Ano ho?"
"Wala..mag iingat ka"
Narinig ko naman ang sinabi niya ngunit hindi ako makasagot. Umalis na siya habang inaayos ko ang mga iinuming alak mamaya. May mga dala silang sandata dahil legal ang pagpatay. Ngunit wala akong dala sapagkat wala naman akong nais patayin. Maliban dun sa bruhang Emily na kasintahan ni Haring Felix.
"Caily!"
Napalingon akong muli sa aking likuran ng may sumigaw sa pangalan ng nawawalang prinsesa. Ngunit laking gulat ko ng si Jane lang pala iyon at nakatingin pa siya saakin.
"Paumanhin..Nasan ang sandata mo?"
Mukha bakong prinsesa?
"Hindi ko na po iyon kailangan"
Napatili ako pagkatapos ko iyon sambitin sapagkat biglang nawala ang ilaw. Nagsikalat na ang mga tao at ang mga kandila na lamang sa gilid ang bumubuhay sa ballroom. Nakasuot na ang lahat ng kani kanilang mga maskara at nagsilabasan na ng sandata.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya't humakbang lamang ako ng humakbang palayo. Isinuot ko ang ipit ni prinsesa Caily sa kanang gawi ng aking buhok. Hindi ko na makilala ang mga makakasalubong ko.
Madilim ang lahat ng parte ng sayawan at ang iba ay sumasayaw na. Hindi ko makita kung anong nangyayare ngunit maaaring may mga napaslang na. Kinakabahan ako at tagatak ang pawis saaking mga palad. Baka mamatay na ako dito.

Mas lalo akong natakot ng isang lalaki ang lumalapit sa gawi ko. Naka maskara siya ng asul at may hawak na punyal. Tinututok niya ito sa harapan ko. Napakabilis ng tibok ng puso ko at tanging punyal lamang ang nakikita ko sa palad niya.
Ng malapit niya siya ay sumigaw ako ngunit mas lalo akong natakot ng maramdaman ko ang isang palad na tumakip saaking bibig.
Inagaw niya ang punyal ng lalaki at pinaslang ito. Agad natumba ito at hinila naman ako papalayo ng lalaking naka maskara ng itim at nakabukas ang tatlong butones ng polo niya. Hindi ko batid kung sino siya ngunit mabuti nalang at dumating siya kaya't nailigtas ako sa lalaking nag tangka saakin.

Dinala niya ako sa gitna kung San maraming nagsasayawan at nagpapatayan. Hinawakan niya ang bewang ko at nagsimula akong I hakbang. Sumabay na lamang ako sa kilos niya at ipinulupot ang aking mga kamay siya balikat niya.
Matapos ang ilang sandali ay tumigil siya sa paghakbang. Binitawan niya ang bewang ko at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"A-Asher ikaw ba yan?"
Masaya kong tanong sakanya. Batid kong siya ang kaharap ko sapagkat nararamdaman ko parin ang kakaibang tibok ng puso ko.
"Isang araw palang ang nakakalipas na hindi kita nakakausap ngunit sabik na sabik na ako sayo"
Napayuko ako at kinagat ang baba ng labi ko.
"Patawarin mo ako. Sapagkat hindi kita pinaglaban"
"Nagmamakaawa ako Hailey..Bumalik kana sakin"
"Alam mong hindi pwede!"
Sigaw ko kasabay ng pagbitaw ko sa mga kamay namin.

Sinubukan kong umalis sa harapan niya at lumayo ngunit hinila niya ang braso ko at inalis ang maskara ko.

Kasunod ng isang mainit na halik sa aking labi.

Nakahawak ang dalawang palad niya sa aking pisngi habang hinahalikan niya ako. Gustong gusto kong bumitaw ngunit ayaw ng labi ko.

"T-tama na Asher"
Isinandal niya ang noo niya sa noo ko at nararamdaman ko ang paghinga niya.
"Kailangan kita.."
Malalim niyang sabi habang nakalapit ang aming mga mukha.

Napapikit ako ng humiyaw ng malakas ang mga tao. Hinigpitan ni Asher ang hawak sa aking kamay.
Sumindi na ang ilaw.

Napahawak ako sa braso ni Asher ng makita ang mga nakahandusay na mga tao sa sahig. Maraming mga nabubuhay padin na duguan at madaming sugatan. Siguro kung hindi dumating si Asher isa na rin ako diyan.

"Halika na"
Hinila ako ni Asher palayo sa ballroom. Isinandal niya ako sa pader at tinitigan lamang ako.
"Kailangan na nating maghiwalay. Ngunit wag kang matatakot. Dahil nandito lang ako Hailey.."
"P-pero.."
Magsasalita pa sana ako ngunit tinakpan niya ang bibig ko.
"Magtungo kana sa silid mo ngayon din..marami pang mangyayare kaya't mainam na magtago ka"
Hinalikan niya ako sa noo at naglakad narin ako ng mabilis patungo sa aking silid.
"Hailey.."
Napalingon ako sakanya dahil sa kaniyang pagtawag.
"Iloveyou"
Pahabol niya bago ako tuluyang makaalis. Nginitihan ko nalang siya at tumakbo patungo sa silid ko.

Napadalusdos ako sa sahig pagkatapos kong makapasok at umiyak. Natatakot na ako. Sa maraming bagay..at sa mga bagay na hindi ko pa natutuklasan sa kahariang ito.

Ngunit..May tiwala ako kay Asher.. Sana isa siya sa mga Tunay kong kaibigan. Sana nagkakamali ako sa pag iisip na siya ay isang kalaban sapagkat isa siyang vampira.

_______author's note
Please can u support me? Help me get this story reach 1k reads. Also If you want some follow for follow..

Comment in this line >>>>>>>>>>>>>>

Thankieee guysss I hope you can support me.

Claiming the CrownWhere stories live. Discover now