Kabanata 26; Pagtatapos

21 9 2
                                    

Play the music while reading;

Hailey's pov

Pumasok kami sa kaniyang silid at lumayo siya saakin ng konti.
"Asher..may nais din sana akong sabihin sayo e"
"O sige mauna kana"

Huminga ako ng sobrang lalim.. unti unting tumulo ang mga luha ko..hinawakan ko ang dalawang kamay niya at tinitigan siya ng seryoso.
"Patawarin mo ako..pero ayoko na."
"Anong ibig mong sabihin?"
Napayuko na ako. Hindi ko kayang tumitig sakanya sa ganitong sitwasyon.
"Tapusin na natin to..H-hindi ko na kayang magtagal pa sa buhay mo."
Unti unti kong inangat ang aking mukha. Nanlulumo ako dahil galit lamang at sakit ang reaksyon niya.
"Hindi tayo pwede..pakawalan mo na ako"
Binitawan ko ang mga kamay niya..
"A-ano ang sorpresa mo?"
Marahan kong tanong.
Mas lalo akong nasaktan ng maglabas siya ng isang singsing mula sa kaniyang bulsa.
"Nais ko sanang ibigay to sayo. Nais kong ikaw at ikaw lang ang alayan ko ng singsing"
"P-paumanhin..ngunit hindi ko maisusuot yan"
Tinalikuran ko siya habang bumubuhos ang sakit sa puso ko..
"Tangina naman. Ikaw nalang ang nakakapitan ko ngayon. Wag mo namang ipagkait ang sarili mo sakin"
Madiin niyang sambit. Humarap ako at tiningnan siya ng masakit.
"Hindi ka ba napapagod? Hindi ka ba napapagod na isipin kung anong ginagawa ko araw-araw? Hindi ka ba napapagod na-"
"Hailey ikaw ang pahinga ko!"
Napahinto ako sa kaniyang tinuran.. umiling lamang ako ng umiling. Gustong gusto ko siyang yakapin sa ngayon. Pero hindi pwede..kailangan kong maging matatag.
"Tapos na tayo Asher"
Hinawakan niya ako at tinignan ng matalim.
"H-hindi ko kaya Hailey..hindi ko kayang nakikita ka sa paligid ko ngunit isa ka na lamang memorya para saakin."
"Kayanin mo! Dahil wala akong balak bawiin ang mga sinabi ko"
"Kung ganon..."
Unti unti siyang tumalikod na ikinagunaw ng mundo ko.
"Paalam."
Sambit niya. Tumakbo na ako palabas. Hindi ko na kaya.
Nakita ko si Miyaku sa baba ng hagdan kaya niyakap ko na lamang siya.
"Nagawa mo!"
Mangiyak ngiyak niyang sabi. Ang sakit. Ang sakit sakit na gustong gusto ko padin siya pero kailangan kong bumitaw. Marami pa akong pangarap para saamin pero kailangan kong putulin lahat ng iyon..patawad...
"Tama na Hailey...."

Asher's pov

Ang babaeng yon. Winasak niya ako ng sobra.
Itinapon ko ang singsing sa kalayuan at binasag lahat ng aking mga kagamitan.
Napaupo na lamang ako sa aking kama at hindi napigilang umiyak. Sabi niya.. sabi niya mananatili siya! Pero bakit! Bakit siya umalis?
Kailan ba ako magkakaroon ng kasiyahan na magtatagal? Ganon ba ako kahirap mahalin?
Ganon ba ako kawalang kwentang ginoo.

Hailey's pov

Nandito ako ngayon sa aking silid. At nakatingin lamang sa labas. Maraming salamat Asher..salamat sa pagmamahal mo na kahit na sino man ay hindi makakatumbas. Salamat sa pagiging Tunay kong kaibigan sa mga araw na wala akong mapagkatiwalaan. Nawa'y makahanap ka ng isang binibining kayang ipaglaban ang halaga mo bilang isang nabubuhay na nilalang. Patawarin mo ako kung naging duwag ako sa mga sandaling dapat ay pinaglalaban kita. Batid kong kakayanin mo. Sapagkat kinaya mo... Magandang Gabi Asher...mananatiling ikaw ang paksa ng aking mga tula..Hanggang sa muli, mahal ko.

Claiming the CrownWhere stories live. Discover now