Kabanata 13; Royalties

15 10 3
                                    

Hailey's pov

Natatanaw ko na ang Village kaya't umukit ang napaka tamis na ngiti sa aking labi sapagkat makikita kong muli ang aking dalawang nakababatang kapatid at si Jay.
"Hmm kay sarap ng simoy ng hangin dito"
Paglalasap ni Mabel sa napaka limig na simoy ng hangin sa amin.
Agad ko ng natanaw ang aming tahanan kaya't hinawakan ko ang palad ni Mabel at nagkangitihan kami. Simbolo ng paalam at pasasalamat sa mga araw na nagkasama kami at naging tunay na magkaibigan.
"Narito na kayo señorita"
Wari ng isang sundalong naghatid saamin. Dahan dahan akong bumaba ng kalesa at ibinaba na din ng sundalo ang mga gamit ko.
"Hanggang sa muli Hailey"
Pamamaalam ni Mabel. Inilagay ko ang aking kanang palad sa aking dibdib at yumuko. Upang iparamdam sakanya na ikinararangal kong isa siya sa mga napiling lumaban at nakasama ko siya. Lumayo na ang kalesa kasabay ng pagkaway ni Mabel saakin mula sa kaniyang likuran habang palayo siya ng palayo. Humarap ako sa aming tahanan. Lubog ng muli ang araw at tila wala man lamang nakasinding ilaw saamin. Tila napaka aga naman yata nilang natulog. Kumatok ako ng tatlong beses at hinintay ang pagbubukas nila Jay saakin.
"Kuya Jay!"
Bungad ni Gemina ng kaniyang buksan ang pinto,ngunit natigilan siya ng ako ang kaniyang makita. Imbis na ngiti ang aking Ibungad sakanya ay napakunot ako sa aking noo.
"Ate Hailey? Bumalik kana?"
"Ate?"
Sabay akong niyakap ni Chelsea at gem at agad kong ibinalik ito.napakasarap ng muli silang mayakap.
"Tayo na sa loob"
Pag aaya ko dahil napaka lamig na ng hangin sa labas. Ipinasok namin ang mga gamit at nagsiupo kami sa harap ng telebisyon
May hinahanap ang aking isipan. Kaya't nagpalinga linga ako sa loob ng tahanan ngunit wala siya. Nakapagtataka.
"Gem? Nasaan ang inyong kuya Jay?"
Tanong ko kay Gem na hinawakan lamang ang braso ni Chelsea at yumuko.
"Nasan siya? Maging tapat kayo saakin"
"Paumanhin ate. Ngunit nagtungo siya sa kaharian upang maging isang sundalo at masilayan kang muli"
Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sinabi ni Chelsea. Hindi na niya ako naabutan at hindi na niya ako nahintay. Anong aking gagawin kung ganon.
"Bakit nais niya akong masilayan kaagad? Hindi ba't sabi ko ay babalik ako?"
"Iniibig ka niya ate!"
Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig
"Chelsea! Hindi ba't binilin ka ni kuya na wag sabihin kay ate Hailey?"
Pagpipigil ni Gem. Nakita ko ang isang mangkok ng sabaw sa aming mesa.
"Para Saan ang sabaw na iyon?"
"Para po sana kay kuya Jay ngunit nagtungo na siya sa kaharian bago pa man lumubog ang araw"
Napahinga ako ng malalim at tumayo patungo sa aking silid. Isinaayos ko ang aking mga gamit at bumalik kila Gem para sabihan silang matulog na.
"Gem! Matulog na kayo ni Chelsea."
"Sige ate. Ansaya saya namin dahil nandito kang muli"
"Ganun din ako."
Niyakap ko silang muli at hinalikan sa noo.
"Magandang gabi ate"
Bati ni Chelsea bago nila tuluyang isara ang kanilang pinto. Agad akong nagtungo sa labas at nagsimula ng kumintab at kumutitap ang mga bituin. Si Jay iniibig ako? Bakit hindi niya lamang sinabi saakin? At ngayon nagtungo siya sa kaharian upang ako'y masilayan at magtapat. Wala na akong ibang maaasahan kundi ang Palarin upang maging Apprentice o di naman ay maging alipin upang mailigtas si Jay. dahil hindi niya alam ang tindi ng patakaran doon. Hindi niya batid kung paano siya mapapahamak ng wala ako. Tumulo ang luha sa aking kaliwang mata habang nakatingin ako sa bukid sa aming harapan. Si Jay ang aking unang minahal ngunit hindi ako naglakas loob na aminin ito sapagkat natatakot ako na baka hindi kami magkatulad ng nararamdaman at ako lamang ang umiibig. Ngunit ngayon. Tila may iba ng nakatira sa aking puso. May iba na akong iniibig. Ayokong isuko siya at lalong ayokong masaktan ang aking kaibigan. Ano nanaman ang aking gagawin? Umiyak? Takbuhan ang aking problema? Akala ko madali lamang mabuhay. Ngunit napakahirap pala sapagkat napaka dami mong kalaban. Pinunasan ko na ang aking mga luha at nagtungo ng muli sa aking silid. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Hinihintay niya kaya akong bumalik? Nalungkot kaya siya ng hindi ako ang napiling reyna? O baka naman hindi talaga sapagkat pinaglalaruan niya nga ako. Nakakatawa talaga ako dahil patuloy parin akong umaasa na magiging magkaibigan kami ni Asher at mapapansin niya ako.. Hay makapagpahinga na nga lang..

Claiming the CrownWhere stories live. Discover now