Kabanata 19; Pagtingin

19 10 0
                                    

P.S; mainam na isabay ang musika sa itaas para sa iyong pagbabasa.

Hailey's pov

Lubog na ang araw at narito ako ngayon sa labas ng kaharian. Pinagmamasdan ang mga bituin at buwan. Nilalanghap ang sariwang hangin. Nakaupo lamang ako sa lupa at nakakuyom ang aking dalawang binti. Hinahawi ng hangin ang aking napaka habang buhok na ngayon ay may halong blonde na hibla. May mahika kaya ang suklay dito? Nag iiba kasi ang kulay ng buhok ko. Isa sa pinaka Malim na aking naiisip ay patungkol sa sinabi ni Noah. Matagal na raw nagsasama si Miyaku at Asher? Eh ano ako? Laruan? Libangan? Aray ko naman.
"Hailey?"
Kinilabutan ako ng may marinig akong tinig. Lumingon kaagad ako at nakita ko ang isang napaka seryosong reaksyon ng isang ginoo. May hawak siyang kahon at wala sa ayos ang kaniyang buhok.
"Anong kailangan mo?"
Malamig kong tanong sakanya. Unti unting kumunot ang noo niya. Lumapit siya saakin at iniabot ang kahon na hawak niya.
"Para San yan?"
"Tanggapin mo ang aking regalo."
Tinaasan ko siya ng isang kilay at akmang tatayo na sana ngunit tila napihit ang aking paa kaya napaupo ako ng tuluyan sa lupa.
"Halika nga. Hawakan mo ako"
Pag aaya ni Asher kasabay ng pag abot niya sakin ng kaniyang palad.
Tinanggihan ko ito at pinilit na tumayo ngunit hindi ko magawa.
"Pasaway ka talaga. Kaya ka napapahamak e"
Napakagat na lamang ako sa ibaba ng labi ko ng buhatin niya ako mula sa lupa. Napakalapit ng mga mukha namin. At kitang kita ang repleksyon ng mga bituin sa kaniyang asul na mata.
"Ibaba mo na ako"
Nagpumiglas ako at nakababa na. Agad kong pinulot ang kahon upang buksan. Huminga muna ako ng malalim sapagkat masakit parin ang aking pilay ngunit kailangan kong itago na lamang.
"Dalian mo, buksan mo na"
Inirapan ko siya dahil sa kaniyang sinabi. Uutusan pa ako. Dahan dahan kong binuksan ang kaniyang regalo.
"Lapastangan!"
Napatalon ako sa gulat ng tumalon ang palaka mula sa kahon. Dumikit ito sa aking damit kaya labis akong nag alala. Bata pa lamang ako ay takot na ako sa hayop na ito. Dinig ko ang insultong pagtawa ni Asher. Ng maiwaglit ko ang palaka mula sa aking damit. Hinatak ko ang damit ni Asher at pinagpapalo siya na parang bata.
"Wala ka talagang mabuting ginawa saakin"
Sinasaktan ko lang siya hanggang sa napatigil ako at tumangis. Marahil sa aking gulat sa lintik na palakang iyon. Napaatras ako mula kay Asher ngunit hinawakan niya ang mga balikat ko.
"Wag mo akong hawakan!"
Inalis ko ang mga kamay niya. Tinakpan ko ang aking mukha dahil hindi ko mapigilan ang paghikbi.
"Patawad kung natakot kita"
Agad kong tinanggal ang mga kamay sa aking mukha. Hinawakan ko ang leeg niya at sinamaan siya ng tingin.
"Wala ka bang alam na maganda?"
"M-meron"
"Ano? Anong alam mong maganda?"
"I-ikaw"
Kahit na sinasakal ko na siya ay nakuha niya pang magbiro. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa leeg niya ng maramdaman ko ang mga paru pro sa aking tiyan. Napangiti ako ng wala sa oras dahil sa kilig at piniling sabunutan na lamang siya.
"E bakit ka ba kasi nambwibwiset ha? Nakakapikon kana! Ano? Sumagot ka! Bakit lagi mo akong inaasar bakit lagi kang~"
"Kasi mahal kita"
Napahinto na lamang ako sa pananabunot sakanya. Napahawak ako sa dibdib ko at nagkatinginan kami habang inaayos niya ang buhok niya.
"Mahal kita Hailey! Mahal na mahal"
Mas lalong bumilis ang paghinga ko sa mga naririnig ko. Sinubukan kong maging normal ngunit luha ang pumatak. Pumatak sapagkat natutuwa ako.
"Akala ko ba kasintahan mo si Miyaku?"
Nakapagtataka kong tanong. Hindi ako pwedeng magpadala sa wari niya.
"A-ano? Sino naman nakapagsabi sayo niyan?"
"Si Noah"
Dahan dahan siyang ngumiti at lumalapit saakin. Nanatili akong tuliro at nakahawak sa aking dibdib.
"Ikaw lang ang gusto ko. Sayo lang ang puso ko"
Sobrang lapit na niya sakin. Natigilan ako ng hawakan niya ang palad kong nakatapat sa aking dibdib. Inilipat niya ito sa dibdib niya na animo'y pinapahawak saakin ang puso niya.
"Pakiramdaman mo Hailey, ikaw ang paksa ng bawat tula ng aking puso"
Unti unting umukit ang ngiti saaking labi ng maramdaman ko ang tibok ng kaniyang puso. Nagkatitigan kami. Hinawi niya ang buhok ko at hinawakan ang pisngi ko. Napakapungay ng mata niya at makikita mong umiigting ang panga niya.
"Hindi ko na kayang itago toh. Hindi ko na kayang nakikita kang malapit sa ibang lalaki. Nagseselos ako, mahal ko. Nagseselos ako sapagkat gusto ko saakin ka lang."
Tuloy tuloy sa pagpatak ang mga luha ko.
"B-bakit ako ang gusto mo?"
Napangisi siya at hinalikan ang noo ko.
"Halikan mo nalang ako. Pwede ba yon?"
Nagsalita siya habang nakakunot ang noo at nakangiti. Ipinikit ko ang mga mata ko at unti unting idinampi ang mga labi ko sakanya. Ganun ba yon? Ganito ba ang romansa? Ganito ba ang pakiramdam kapag umiibig?
Ng mahagkan ko sya ay kasabay ng pagputok ng mga Fireworks sa kalangitan. Nakangiti siyang humarap saakin at binuhat ako.
"Hoy ibaba mo nga ako!"
"Ayoko nga"
Nag tawanan lang kami habang nilalaro niya ako sa pagkabuhat niya. Unti unti niyang ibinaba ako at nagkaharap kami ng maayos.
"Hailey? Pwede bang akin ka na lang?"
Napangisi na lamang din ako at tumango. Wala na akong ibang gusto kundi mapasakanya nga.
"Oo. Señor Suplado! Sayong sayo ako"
Bakas sa kaniyang reaksyon ang tuwa. Niyakap niya ako ng sobrang higpit kasabay ng ihip ng hangin.
Binitawan niya ako kaagad sa hindi ko malamang dahilan.
"B-bakit?"
Natatakot kong tanong. May mali sa reaksyon niya.
"Si Faye"
Malamig niyang tugon. Hindi na ako nagdalawang isip. Hinila ako ni Asher papasok sa kaharian at nagtungo kami sa malawak na balkonahe.
"Tulungan niyo po kami"
Ani ng isang alipin. Halos matumba ako sa nadatnan ko. Inalalayan ako ni Asher at inilagay ang kamay niya sa aking bewang. Napahawak ako sa aking bibig. Habang gulat na gulat padin.
Ang telang ipinaabot saiyo ng reyna. Iyon ang tela ng kamatayan susunod na ako"
Pag uulit ng tinuran saakin ni Faye kanina lamang umaga.
Naabutan namin siyang nakahandusay sa sahig at may tinidor sa kaniyang leeg. Nagdurugo ito ng patuloy. Ikinakutob ko ang tinidor na kulay Pilak katulad ng telang iniabot sakanya. "Tela ng kamatayan?" Ngunit paano. Hindi ko maintindihan.
Napilitan akong tumakbo papalapit kay Faye. Niyakap ko siya at nalapatan ng dugo ang aking mga kamay.
"Patawarin mo ako Faye. Hindi ako naniwala sayo"
Umiiyak kong sambit. Itinayo ako kaagad ni Asher ng dumating na ang mga sundalo. Nanghina na lamang ako ng makita ang pilak na tela na ibinalot sa katawan ni Faye.
Inilayo na nila ito at nagsialisan ang mga alipin na parang walang nangyare.
Napatingin ako sa aking kamay. Wala na ang dugo. Anong nangyayare saakin. Imortal ba ako?
"Mahal ko? Tayo na at magpahinga kana"
Hinawakan ako ni Asher na parang inaalaayan ako. Pumasok kami sa dati kong silid. Wala na ang dalawang Apprentice. Dalawa na ang namatay. S-sino na ang susunod?
"Kasalanan ko to"
Paninisi ko sa aking sarili. Pinawi  ni Asher ang mga luha ko at pinaupo ako sa kama.
"Tama na ha? Ayokong umiiyak ang binibini ko. Yakapin mo nalang ako"
Niyakap ko siya ng sobrang higpit at doon ako umiyak. Sa kabila ng lahat ng sakit ng dibdib na meron ako. Narito si Asher na handa akong damayan. Nagiging mas magulo ang lahat. Nagiging mas malalim ang mga misteryo.
Naramdaman ko ang pagbagsak ng mahinahon ni Asher sa aking balikat. Agad akong umalis sa aming yakapan.
"Asher? Pambihira ka naman! Nauna ka pang natulog saakin"
Inalalayan ko na lamang siya at pinahiga sa kama ko. Nakatulog na siya. Maaaring napagod siya sa lahat ng nangyare. Huminga ako ng malalim at sinubukang wag isipin ang pagkawala ni Faye. Niyakap ko si Asher at ipinikit ang aking mga mata. Natatakot na ako. Natatakot sa lahat ng pwedeng mangyare saakin dito. Jusko, makakabalik pa kaya ako kila Gemina at Chelsea?...
"Wag kanang mag isip... Hindi kita hahayaan"
Napangiti na lamang ako. Gising pa pala ang suplado. Hinigpitan ko ang yakap sakanya at ramdam ko ang pagkumot niya saakin..
"Matulog ka ng mahimbing Mahal ko. I Love you"
Ang salitang iyon. Wikang ingles na hindi madalas gamitin sa panahon ngayon. Ngunit napaka tamis kung magmumula sa lalaking mahal ko.
"I Love you too Baby"
Madiin kong sambit kay Asher. Isa lamang iyon sa mga natutunan kong wika sa Ingles..
tiyak na napakaswerte ko sa supladong ito.. hindi ko na siya pakakawalan.

Claiming the CrownWhere stories live. Discover now