Kabanata 24; Dugo

19 11 1
                                    

Hailey's pov

Ilang hakbang na ang nagawa ko ngunit hindi parin ito tumitigil. Pagkatapos ng pananghalian namin ay agad akong nagtungo sa labas ng kaharian upang hanapin si Mabelle. Hindi tumitigil sa pagdurugo ang aking palad na wari ay nasugatan ngunit hindi naman ako nasasaktan. Takbo lang ako ng takbo kahit na hindi ko batid kung saan ako dadalhin ng mga hakbang ko. Hindi mahagip ng aking pakiramdam ang presensya ni Mabelle o kahit si Asher man lamang. Sila lang ang pwede kong malapitan. Nawawala na ako sa aking sarili at hindi ko na alam kung bakit patuloy na lumalim ang mga misteryo sa kaharian na ito.
"Sandali"
Isang matinis na tinig ang nagpahinto saakin. Nilingon ko siya agad ngunit wala siya sa mga inasahan ko.
"M-Miyaku?"
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko ngunit alam kong panganib siya. Kaya't pinilit kong tumakbo kahit na pagod na pagod na ako.
Nagulat na lamang ako ng mabunggo ako sakanya.
"P-paano mo ako naunahan?"
Imposible. May kapangyarihan ba siyang pabilisin ang sarili niya?
"Malapit na ang takdang panahon."
Madiin niyang sambit. Hinila niya ako sa kung saan. Hindi ko maiwasang mangamba sapagkat kahit kailan hindi ko naging kaibigan si Miyaku.
"Saan mo ako dadalhin?"
Patuloy parin siya sa paghila saakin. Idinala niya ako sa isang madilim na silid.
"Pumikit ka"
Sinunod ko na lamang siya. Napasigaw na lamang ako sa sakit. Wala akong ideya kung anong nangyayare sapagkat kahit gusto kong imulat ang mga mata ko ay may pumipigil saakin.
"Gumising kana!"
Gumising? Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Isang kagubatan na hindi ko pa nakikita. Paano kami napunta dito. Paano niya iyon nagawa? Anong klaseng nilalang ba si Miyaku?
"Wag kang matakot. Nasa kagubatan tayo ng mga lobo"

Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi.
"Niloloko mo ba ako?"
Inalis niya ang tingin saakin. Sadyang napaka ganda ng kagubatang ito. Ngunit lobo? Sa panahon ngayon may mga ganong klaseng nilalang paba?
"May mga lobo at mga vampira na nagsikalat sa kaharian na ito. Maniwala ka man sa hindi. Ngunit isa ka sakanila"
"A-ano?"
Gulat kong tanong sakanya. Hinugot niya ang punyal sa kaniyang bulsa at iniaabot saakin.
"Bakit yan?"
"Ang mga lobo ay hindi nasasaktan o nasusugatan."
Kumunot ang noo ko habang inaabot ang punyal na hawak niya.
"Sugatan mo ako Hailey"
"Ano? Hindi ko gagawin yan"
Binagsak ko sa lupa ang punyal ngunit sinugatan niya ako sa aking likuran. Napaupo ako sa lupa dahil sa sakit ngunit ramdam ko na unti unti rin itong nawala. Tumayo ako kaagad dahil Sa kuryosidad at inagaw ang punyal ni Miyaku.
"Patawad"
Ani ko. Bago ko tuluyang saksakin ang kaniyang tiyan. Kitang kita ko ang mga bagang lumalabas mula sa sugat na aking ginawa.
"Bakit may baga ka sa katawan?"
"Normal lang to sa isang Vampira, Hailey"
Vampira? Ibig sabihin Vampira siya? Ibig din ba nun sabihin nasusugatan siya? Sinubukan kong maghanap ng dahon para sa sugat niya ngunit kitang kita ko ang unti unting paghilom nito.
"B-bakit naghilom ang sugat mo katulad ko? Akala ko Vampira ka?"
"Nagkakamali ka Hailey. Ako ay may lahing Vampira at Lobo. Hindi nasusugatan ang mga lobo ngunit ang mga Vampira ay labis na nasasaktan sa mga sandata."
"Hindi ko maintindihan"
Hinawakan niya ang palad ko at tumingin saakin ng seryoso.
"Isa kang purong lobo Hailey. At ako naman ay Kalahating Lobo at Kalahating Vampira. Isa sa katangian ng mga Vampira ang magalit sa mga kaaway nila. Kung mapapaibig ng isang lobo ang isang Vampira ay asahan mong lilinlangin ka lang non."
"Diba ang Vampira. Sakim at mapagmataas?"
"Bakit Hailey? Hindi mo nakikita ang katangian ng isang Vampira saakin? Mas nangingibabaw ang pagiging Vampira ko. Hindi ko masabi sayo ang lahat dahil hindi pa takdang panahon"
Ngunit...teka lang, naalala ko ang sugat na aking natamo nung mga araw na Mapaslang si Jay.
"Hindi ako lobo! Sapagkat nasugatan ako!"
Itinapat ni Miyaku ang kaniyang palad sa aking noo. Napapikit na lamang ako dahil sa tindi ng liwanag.
*

Kitang kita ng aking isipan kung paano kami dampihan ni Haring Felix ng sandatang hawak niya. At kung paano kami nawala ni Asher.
"Ako ang hangin na nagtangay sainyo ni Asher palayo kay Haring Felix. Ang sandatang hawak niya ang maalamat na sandata ng mga Vampira na kung tawagin ay "kabilan" nakuha ito ni Reyna Calista bago siya mamatay. Ngunit hindi batid ni Haring Felix kung ano ang tunay na gamit ng sandatang iyon"
"Si Asher ba..."
"Katulad ko si Asher. Kalahating lobo at kalahating Vampira"
"Ha? Paano nangyare yon?"
Huminga siya ng malalim at tumingin sa malayo.
"Magulo pa sa ngayon kamahalan. Ngunit Malalaman mo rin sa takdang panahon."
"Vampira si Asher... ibig mo bang sabihin.."
"Oo. Mapanganib si Asher. At wala pang lobo na umibig sa isang Vampira na nagkaroon ng isang magandang katapusan. Sinusubukan kitang iligtas. At isa lang ang paraan. Wag kang iibig ng Vampira. Hiwalayan mo si Asher"
"Hindi ko gagawin ang sinasabi mo"
Aalis na sana ako ngunit hinila niya ang aking braso at kitang kita ko ang mga mata niyang nagkaroon ng kombinasyong pula at Dilaw.
"Batid kong malambot ang puso ng mga lobo. Ngunit hindi ka maaaring tumulad sa iyong ina. Iligtas mo ang lahi ng mga lobo"
Halos malagutan ako ng hininga sa kaniyang sinabi kasabay ng pag higpit ng kaniyang hawak sa aking braso. Tumakbo na ako papalayo sa kagubatan. Batid kong Vampira siya kaya tulad ng ibang Vampira mapanganib din pala siya.
__

Nakarating ako sa malawak na balkonahe. Mali ang tinahak kong lugar. Akala ko ay mga batas lamang ang kalaban ko dito. Ngunit paano ako mabubuhay kung hindi ko alam kung sino ang mga Tunay kong kalaban? Hindi ko alam kung sino sa mga nilalang na naririto ang mga may dugong Vampira at dugong Lobo. Ano ang dugo ng mga royalties? Lobo ba o Vampira? Hindi ko batid kung sino ang mga kalaban ko. At tulad ni Miyaku, ang lalaking iniibig ko ay mapanganib narin dahil sa dugong nananalaytay sa kaniyang katawan.
Nagpasya akong magtungo sa kaniyang silid. Hindi ko iiwan si Asher. Ngunit, ako rin ba ang dahilan kung bakit namamatay ang mga kaibigan ko? Si Asher ba ang taksil? Siya ba ang kalaban ko? Gulong gulo na ako.
"Eto kamahalan, mas masarap to o"
"O sige akin nalang yan"
Natigilan ako ng marinig ko ang isang tinig ng babae at isang ginoo. Lumapit ako dito at doon ay nakita ko si Asher kasama ng isang magandang alipin. Sino siya? Vampira din ba siya?
"Naku naman mahal na prinsipe. Paumanhin"
Nag init ako sa aking nakita. Bakit niya hinahawakan at pinupunasan ang kasuotan ng mahal ko? Agad akong nagtungo sakanila at inilayo si Asher sa alipin. Kitang kita ko ang gulat na gulat ni Asher na reaksyon dahil sa aking biglaang pagsulpot.
"Bilang Apprentice ng reyna. Magbalik kana sa iyong tungkulin"
Napayuko na lamang ang alipin at dahan dahang umalis sa harapan ko.
"Sino siya?"
Hinarap ko si Asher. Nakangiti siya na tila iniinsulto pa ako.
"Bakit? Nagseselos ka?"
"Ako? Magseselos? Mamatay na muna ang alipin na yun bago ako magselos!"
Tumawa siya at hinawakan ako.
"Sabi ko naman sayo, ikaw lang ang gusto ko"
Eto nanaman siya. Pinapatibok nanaman niya ng kay bilis ang aking puso.
"Payakap nga!"
Nginitihan ko din siya at niyakap ko siya ng mahigpit. Patawarin mo ako Asher. Ngunit sa ngayon, pipiliin ko muna ang sarili ko....

Claiming the CrownOnde histórias criam vida. Descubra agora