Kabanata 21: Apprentice Angela

15 10 0
                                    

Hailey's pov

Hapon na ng makarating kami dito sa London para kausapin at tanungin ng kung ano ano ang matagal ng nawawalang Apprentice na si Apprentice Angela. Ang dating Apprentice ni Prinsesa Calliope. Misteryoso daw siyang nakaligtas sa unang digmaan. Kawawa naman ako. Hindi nila ako binalitaan. Naki tsismis lang ako dito sa pilingero kong manliligaw. Naalala ko tuloy ang mga turo saakin ni Dona at Faye. Isa rin sila sa mga nagpayo saakin na kahit bawal ang pag iibigan sa Enchantress sundin ko lang ang puso ko. Hay mga kaibigan ko. Nasan man kayo sana nasa mapayapang lugar na kayo.
Biglang huminto ang kalesa at tumigil kami sa isang masukal na lugar at may maliit na bahay sa gitna neto. Tiyak na naligaw lang talaga dito si Angela kaya dito na siya sa mala gubat tumira. Pansin ko ang dalawang magagarang lalaki na sumalubong kay Jane pababa sa kalesa. Sila ang mga traditionists. Tama nga si Ms. V, nasa ibang lugar sila para mag imbestiga. Ng maalala ko si Asher ay nakasandal na pala siya saaking balikat at nahihimbing na sa tulog. Dahan dahan ko siyang ginising at mabuti naman ay naalimpungatan na siya
"Asan? Asan ang kalaban?"
Napatakip na lamang ako sa bibig ko at tumawa ng marahan. Ganito pala ang lalaking to pag nagugulat.
"Hoy!"
*tinapik ko ang balikat niya*
"Walang kalaban. Naririto na tayo"
Pinunasan niya ang kaniyang mukha at napakamot sa noo. Bumaba na siya ng kalesa at laking gulat ko ng matumba pa siya. Dali dali akong bumaba upang alalayan siya.
"Tayo na Asher!"
Umayos na siya ng tayo at humawak sa palad ko.
"Hindi ka pala sa alak nalalasing, sa kalesa pala"
Napalakas yata ang tawa ko kaya naman lumingon sila Jane saakin kasama ng dalawang traditionists. Nag tinginan kami ni Asher at natawa pa yata siya.
"Anong nakakatawa ha?"
"Ikaw. Ingay mo kasi, daig mo pa speaker sa bayan"
Pinalo ko siya habang tumatawa padin. Naglakad kami papasok sa bahay. Kumatok na ang mga traditionists.
Naka tatlong katok sila bago buksan ito ng isang babae. Napaka amo ng mukha niya ngunit napaka dungis niya. Wala sa ayos ang kaniyang buhok at kung hindi mo siya kilala ay mapagkakamalan mo nga siyang baliw.
Pinatuloy niya kami sa tahanan niya habang nakahawak padin ako sa palad ni Asher. Napakaraming sapot ng tahanan niya ngunit tila gawa ito sa kalikasan. Umupo kami sa sahig dahil May carpet naman dito. Mababa ang lamesa na may naka lagay na mga tubig at pitsel. Ang kasuotan niya ay parang mga kasuotan ng mga koreana. Lumabas na ang mga traditionists at apat na lamang kaming natira.
Huminga ng malalim si Jane at inilabas ang isang papel.
"Putragis naman, anong klaseng reyna ka? Nakalista pa talaga mga sasabihin mo ah"
Nagkakainitan nanaman sila. Hinawakan ko ng mahigpit si Asher upang maging simbolo na siya na lamang ang magpakumbaba. Hindi naman na sumagot si Jane at pinagpatuloy ang nais niyang gawin.
"Paumanhin kung ika'y aming nagambala. Ngunit sinabi mong batid mo kung ano talagang nangyari kay Prinsesa Caily"
Batid niya kung anong nangyari sa nawawalang prinsesa? Ito na nga kaya ang matagal na nababalot ng misteryong katanungan? Masasagutan na talaga?
"Oo mahal na reyna. At hindi na ako magsasayang ng oras..buhay ang prinsesa"
Nanlaki ang mga mata ko sa mga narinig ko.
"B-buhay si Caily?"
*pagtatakang tanong ni asher*
"Oo. Buhay ang prinsesa. Sapagkat iniligtas ko siya nung mga araw na yon"
"Ikwento mo saamin ang nangyare"
Naglagay siya ng tubig sa mga baso. Iniaabot niya ito saamin ni Asher ng hindi niya sinasadyang matabig ito. Napatayo na lamang ako ng maramdaman ko ang init ng tubig saaking katawan.
"Hailey..paumanhin mahal ko"
Pagpapakumbaba ni Asher
"Basa na ang iyong kasuotan binibini. Sumama ka sakin at ng mabihisan kita"
Tumayo rin si Angela at ipinasok ako sa isang maliit na silid. Kinuha niya ang isang karton habang pinupunasan ko ang damit ko.
"O eto. Magbihis kana muna"
Isang puting dress na hindi naman masyado magara. Simpleng damit ngunit pormal. Hinubad ko ang damit ko. Wala naman sigurong mali dahil parehas naman kaming babae. Ng maalis ko na ito hanggang sa kalahati ng aking katawan. Nagulat na lamang ako ng mapaupo si Angela sa kama niya at tila gulat na gulat..
"A-ang peklat sa likuran mo..."
"Ah..napaso ito sa apoy.. bakit? Takot kaba sa peklat?"
Nanatili siya sa kaniyang reaksyon habang isinusuot ko ang puting damit.
"B-bituin...ikaw ang"
"Ang alin?"
Huminga siya ng tila may humahabol sakanya na sampung kabayo. Inabot niya ang isang maliit na punyal at inalis ito sa lalagyan niya.
"Susugatan kita"
Lumapit siya sakin at kaba lamang ang naramdaman ko. Nagsisigaw ako hanggang sa pinasok nina Asher ang silid niya.
"Hailey.. Halika na dito. Dito kana sakin"
Hinila ako ni Asher palayo kay Angela habang pinipilit parin niya akong sugatan. Agad naman siyang hinawakan ng dalawang traditionists.
"Ano bang problema mo? Anong kailangan mo sa Apprentice ng reyna?"
"S-siya ang nawawalang.."
Bago pa man niya masabi ang kaniyang nais sambitin ay tinakpan ni Samuel ang kaniyang bibig at hinila palabas. May ibig sabihin ang lahat ng mga yon. Imposibleng wala.
"Nasaktan kaba Hailey?"
Mahinahong tanong ni Asher.
"Sandali! Kakausapin ko siya"
Tumakbo ako at nagpumilit na kausapin muli si Angela ngunit hinila lamang ako ni Asher.
"hindi pwede Hailey.. Si Jay.."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.. Si Jay.. siya na ang susunod.. Ang tela ng kamatayan. Pero pano niya alam. Pano alam ni Asher.
"Pano mo nalaman yan?"
"Wala akong alam sa ano mang sinasabi mo, nararamdaman ko Hailey. May mangyayaring masama. Ganito din ang naramdaman ko Ng mamatay si Faye"
Nauna na si Jane saamin. Tumakbo ako papalapit sa Kalesa.
"Jane tara na..hindi na tayo pwedeng magtagal"
Utos ni Asher kay Jane. Sumakay ako kaagad agad sa kalesa..Hindi ako mapakali.Kailangan maabutan ko si Jay na mabuti ang kalagayan.. Kailangan mailigtas ko siya sa kung ano man ang tinutukoy ni Faye na tela ng kamatayan...
"Asher kinakabahan ako"
Hindi ko na napigilang umiyak.. Oo, lubusan akong natatakot para sa kaibigan ko. Paano kung hindi ko na siya maabutan? Paano kung..Hindi, hindi pwedeng ganito ang iniisip ko.
"Wag kang matakot. Nandito ako, Lalaban tayong pareho. Kasama mo ako"
Ipinaloob niya ako sa mainit na yakap.
"Magpahinga ka muna. Tatlong oras pa ang paglalayag"
Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko.. Sana, paggising ko Maayos lang lahat..

Claiming the CrownWhere stories live. Discover now