Kabanata 8; Unang pagsasama

35 12 2
                                    

Hailey's pov

Mula sa aking pagkakaidlip ay naalimpungatan ako ng makarinig ng tunog mula sa aking pintuan. Agad naman akong bumangon at nag ayos upang pag buksan ang kung sino mang gumagambala saaking pagpapahinga. Mula sa aking pagbukas ng pinto ay gulat lamang ang aking tanging naramdaman.
Napaka lapastangan naman ng prinsipeng ito upang ako'y gisingin mula saaking pagkakahimbing
"Magandang umaga Mahal na prinsipe"
Aking bati habang napaka lamig parin ng kaniyang presensya. Tila nakalimutan niya yatang siya'y may kasalanan saakin. Aking ipinagtaka ng kaniyang iabot ang kaniyang kaliwang kamay saakin.
"M-mahal na prinsipe? Bakit niyo iniaabot ang inyong palad?"
"Ipatong mo na lamang ang iyong kanang palad at wag ng umimik pa"
"P-paumanhin mahal na prinsipe"
Ipinatong ko ng marahan ang aking kanang palad at bumilis ang takbo ng aking puso ng idampi niya ang kaniyang labi sa aking kamay. Ang paghalik sa kamay ay simbolo ng Galang sa mga binibini. Ngunit tila napakaiba naman ng kaniyang paghalik na ikinaantig na lubusan ng aking damdamin.
"Sumama ka saakin"
Nakatitig lamang ako sakanya hanggang sa unti unting tumataas ang isang kilay niya.
"Pasaway"
Nabigla ako ng kaniyang hawakan ang aking kamay ng mahigpit at hilain ako papalayo.
"M-mahal na prinsipe saan mo ako dadalhin"
Patuloy lamang siya sa paghila. Umakyat kami ng hagdan ng aking hindi sinasadyang madulas sa kaniyang palad at ako'y kamuntikang mapaupo ngunit ikinatayo ng aking mga balahibo ng maramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking bewang bilang alalay at isa pa niyang kamay na nakakapit sa aking kanang kamay upang hilain ako papatayo. Sinalo ako ng mahal na prinsipe. Napaka bilis ng pangyayari at nanatiling ganun ang aming puwesto habang ang kaniyang mata ang na kaagaw ng pansin saakin.
"Napaka bagal mo kasi kaya marahil ay nainip ang aking palad"
Hinila niya muli ako at patuloy na umakyat sa hagdanan hanggang pumasok kami sa kaniyang silid. Ngunit ikinabahala ko ng magbukas pa siya ng isang lagusan sa loob nito.
"Maligayang pagdating saaking balkonahe"
Kaniyang bati habang ako heto. Lubos na namamangha sa napaka gandang tanawin mula sa kaitaasan ng balkonahe ni Prinsipe Asher. Tanaw na tanaw dito ang kagubatan,hardin, mga sundalong nagsikalat sa paligid at ang nakakabighaning lawa sa may gawing kaliwa ng kaharian.
"Nakamamangha ang ganda ng kahariang Enchantress"
"Siya nga."
"Prinsipe Asher hindi ko batid na may balkonahe sa iyong silid?"
"Itinatago ko talaga ito dahil ito ang aking personal na lugar. Dito ako'y tumatanaw ng mga bituin sa gabi ng mas malinaw upang makapag isip"
Napangiti ako ng payuko sa paliwanag ng prinsipe. Tama nga silang may itinatago rin siyang ibang katangian. Bukod sa pagiging malamig ay masikreto rin pala siya. Ngunit nananatili siyang misteryo saakin. Maliban nalang sa kaniyang taglay na kagwapuhan na kahit kailanman ay hindi magiging misteryo sapagkat lumalabas ang tunay na pisikal niyang anyo. Ang kaniyang makakapal na kilay,mga pilik matang mahaba na iyo lamang masisilayan tuwing siya'y nahihimbing sa pamamahinga, ang kaniyang mga matang maihahalintulad sa isang malinaw na karagatan at kalangitan. Ang kaniyang mga labing napakalambot at labis na tama ang kulay. At ang kaniyang tinig na malalim na siyang nam bibighani sa mga kababaihan. Ang mga titig niyang makamatay. Sino ang hindi mahuhulog sa prinsipeng katulad niya.
"K-kumusta ang iyong sugat?"
Natigilan ako at napalunok ng marinig ang kaniyang tanong na tila napipilitan pa yata. O sadyang ginising niya ako upang alaming ako'y nasa mabuting kalagayan? Hay Hailey nahihibang kananaman.
"Ayos na aking sugat mahal na prinsipe"
"Kung ganun mabuti."
Ngumiti na lamang ako kahit na siya'y hindi magawang tingnan lamang ako. Natanaw kong muli ang mga tao sa labas at naagaw ng aking atensyon si Apprentice Dona na kasama si Prinsesa Calliope?
"Paumanhin Ginoo. Ngunit akala ko ba'y hindi maaaring lumabas ang mga anak ni Haring Felix dahil sa batas Ng mga traditionists?"
"Pasaway ang aking kapatid kaya't wala siyang pinakikinggang batas"
"Kung ganon ay bakit ikaw? Hindi ka pasaway?"
"Nakakatawa ka. Wala akong panahon para sa mga kasiyahan"
Napakagat na lamang ako sa aking labi. Tama nga naman siya, Ang isang katulad niya ay imposibleng magkaroon ng kasiyahan. Tila pang aasar na lamang ang natitirang katuwaan niya.
"Kung ganon. Bakit hindi ka sumama ka saakin? At ng ating mabigyang panahon ang kasiyahan"
Unti unti siyang humarap saakin na nakakunot ang noo.
"Ano ang iyong sinasabi"
"Basta halika na!"
Binigla kong hinila ang kaniyang braso ngunit ng kami'y makalabas sa kaniyang silid ay nagpumiglas siya.
"Sandali aking binibini. Saan mo ba ako balak dalhin?"
Natigilan akong muli ng marinig ang salitang makapagtitibok ng ganon na lamang kalakas saaking puso. "Aking binibini" inaangkin niya ba ako? Hay teka marahil tradisyon din Nila iyon. Ngumiti na lamang ako sakanya ng nakakaloko at tinuloy ang paghila sakanya hanggang sa makababa kami sa hagdan palabas ay sinubukan niyang pumasok muli sa kaharian ngunit hinila ko siya at tila napalakas ang aking paghila kung kaya't napalapit ang aming mga katawan.
"Anong iyong ginagawa?"
Kaniyang tanong na aking ikinainit ng pisngi. Humakbang naman ako palayo ng hindi ko sinasadyang mabunggo si Prinsesa Calliope na pabalik na pala sa kaharian. Laking gulat ko ng aking makita ang reaksyon ni prinsesa Calliope na tila hindi makapaniwalang nakita si Prinsipe Asher sa labas ng kaharian.
"Anong nangyayari dito?"
Ani niya. Napangiti akong muli sa hindi ko malamang dahilan ng bigla akong hilain ni prinsipe Asher sa braso papalapit sakanya.
"Asher? Ano't naririto ka sa labas?"
"Uhm paumanhin Diwani. Ngunit ako ang nagpumilit sakanyang lumabas upang magkaroon sana ng panahon sa kasiyahan."
Napayuko ako pagkatapos sumagot dahil sa takot na baka siya'y magalit.
"Mainam. Kung ganon dalian niyo bago makabalik si Ama dito. Mag iingat kayo"
Ikinagulat ko ng naglakad na sila papalayo samin. Labis akong natuwa at napatingin kay prinsipe Asher ng nakangiti.
"Narinig mo yun? Pumapayag ang prinsesa. Tayo na mahal na prinsipe"
Galak na aking sabi ngunit biglang kumunot ang kaniyang noo at tinakpan ang kaniyang bibig.
"Ginoo? Ayos ka lamang?"
Tumango siya at umiling na lamang ako. Itinakbo ko siya patungo sa lawa. Nais kong maramdaman ang lamig neto saaking katawan. Nakasalubong namin ang iba't ibang mga sundalo na nakatingin sa aking kamay na nakahawak din sa kamay ng prinsipe. Napakalaking usyoso naman yata ng aking ginagawa para sakanila.
"Bakit mo ako dinala dito?"
Nakarating na kami sa lawa at napaka linaw ng tubig. Napaka tahimik rin dito na tila walang gagambala saamin.
"Halika mahal na Prinsipe."
Lumapit ako sa lawa at umupo lamang. Napakaganda ng mundo. Ngunit tila may kakaiba.
"Prinsipe Asher, berde ba ang natural na kulay ng lawang ito?"
Naglakad siya papalapit saakin at isinukbit ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang magkabilang bulsa.
"Asul. Asul ang dating kulay niyan. Sa katunayan ay naliligo kami diyan ni Kuya Noah nung kami'y bata pa. Ngunit nakakatawang isipin na tila nakisama siya sa pagbabago ng tradisyon kung kaya't maging ang lawang iyan ay nagbago ng kulay"
Napakalalim talaga ng pag iisip ng prinsipe. Lubos niyang ikinagulat ng aking hubarin ang aking kasuotan. Ngunit may damit naman ako panloob.
"Teka ano ang iyong ginagawa?"
Ikinamangha ko ang kaniyang sumunod na ginawa. Pinulot niyang muli ang aking kasuotan sa lupa at tinangkang ibalot ito saakin.
"Maliligo ako mahal na Prinsipe"
"Mocosa, paano kung may ibang makakita sa iyo?"
"Ano ho?"
"Lumusong kana sa tubig upang walang makakita ng iyong katawan"
Itinulak niya ako sa lawa na labis kong ikinabahala. Paano kung malalim ito hindi ako marunong lumangoy. Lapastangan, malalim nga. Ngunit naramdaman ko ang pagbuhat saakin ng isang malambot na kamay paahon sa ilalim ng tubig.
"Hindi ka pala marunong lumangoy,Binibini"
Kaniyang biro. Ngunit nanlaki ang aking mga mata ng mapansin kong wala ang kaniyang kasuotan pang itaas. Ganito pala ang kaniyang katawan tila pandesal na pinagsama sama. Parang gusto kong magwala. Napatitig muli ako sa kaniyang mga mata at unti unting umukit ang ngiti saaking labi habang nakahawak parin siya sa aking bewang at buhat buhat ako. Bigla nanamang kumunot ang kaniyang noo at tila takot na takot na ako'y kaniyang binitawan. Ngunit mainam na hindi na malalim sa parteng iyon kaya't nakaahon ako ng madali.
"Bakit mo ako binitawan Mahal na prinsipe"
"Dahil nais ko"
Mabilis rin siyang umahon at isinuot ng muli ang kaniyang kasuotan. Tumingin muli siya saakin ng tila nagtataka sa hindi ko malamang dahilan. May mali ba sa aking ginawa?
"Umahon kana riyan at bumalik na tayo sa palasyo"
Nalungkot ako sa kaniyang utos ngunit akin na lamang sinunod. Umahon akong agad at isinuot ang aking kasuotan ngunit nakaramdam ako ng lamig.
"Anong nangyayare sayo?"
Tanong niya na hindi ko na lamang binigyang pansin.
"Nilalamig kaba?"
Napatingin ako sakanya at umiling. Tila ako'y may naiisip. Lumapit ako sakanya ng dahan dahan at pa biglang pinalo ang kaniyang braso
"Para saan iyon?"
Tumawa lamang ako at ng aking makita ang pagbabago ng kaniyang reaksyon ay dali akong tumakbo palayo. Hindi nga ako nagkamali hinabol niya ako at tila kami mga basang sisiw na naghahabulan sa labas ng kaharian. Nabigla ako ng umangat na lamang ako dahil nahuli na pala ako ng mahal na prinsipe. Nakahawak siyang muli sa aking bewang habang ako'y tumatawa. Ngunit siya? Hindi man lang tumatawa. Makikita mo lamang sa kaniyang mga mata na nagagalak nga siya. Natigilan ako ng hindi ko sinasadyang makita si Miyaku sa bintana mula sa kaniyang silid. Napaka sama ng tingin niya saamin. Ng makita niya akong nakatingin sakanya ay agad din siyang umalis. Ngunit na lamang akong muli sa prinsipe at tuluyan ng pumasok sa kaharian.
"Bakit basang basa kayo?"
Pagbungad ni Prinsesa Calliope na naghintay pala saamin.
"Naligo kami sa lawa"
Malamig na sagot ni Prinsipe Asher.
"Natuwa kaba Asher?"
"Labis!"
Pa bigla niyang sagot na ikinagulat naming lahat.
"Ibig kong sabihin ay.. Katamtaman lamang"
Humalakhak ang Prinsesa at tiningnan ng nakakaloko ang prinsipe
"Tila may naamoy akong matamis, Asher"
Pagloloko niya na tila ikinapikon ng prinsipe Kaya naglakad na siya palayo.
"Maraming salamat Hailey, Wag kang mag alala dahil sigurado akong natuwa ang aking kapatid. Nahihiya lamang siya sapagkat ang inakala niyang kaaway ang kaniya palang makakasama sa pagiging pasaway"
Napatawa ako ng marahan at lumayo narin sa prinsesa. Dali akong pumasok sa aking silid upang magpalit dahil kanina pa ako nilalamig.
Napaupo ako kaagad sa aking kama at huminga ng malalim.
Natutuwa akong makasama ang prinsipe kahit na sa sandaling panahon. Ngunit, tila tuwing ako'y ngumingiti ay lumalayo siya saakin. Weirdo.
Ngunit may itinatago rin palang kakulitan. sa aking itinagal sa kahariang ito ay unang pagsasama pa lamang namin ni Prinsipe Asher sa araw na ito. At bukas, magaganap ang aking pinaka kinakatakutang tradisyon.. Ang gabi ng lagim..

Claiming the CrownWhere stories live. Discover now