Kabanata 28; Pagkilala

16 6 4
                                    

Hailey's pov

Lubog na ang araw at tapos na ang sayawan ngunit nag iisa lamang ako ngayon sa malawak na balkonahe. Dahan dahang inilalabas ng mga sundalo ang mga nasawi. Nanunuod lang ako kung paano nila balutin ng puting tela ang bawat labi sa baba ng kaharian. Walang masyadong tao ngayon sa loob ng kaharian dahil halos lahat sila ay nasa ibaba, kasama ng mga royalties. Ngunit aking ipinagtataka na wala si Reyna Jane na dapat ay naroon sapagkat siya ang magbabasbas sa mga labi. Naalala ko tuloy si Dona,Faye at Jay. Maayos na kaya sila?
"Hindi ko pa alam kung sino siya mama..pero nangangako akong malalaman ko din kung sino siya"
Bigla akong nakarinig ng tinig kaya minabuti kong magtago. Madilim sa parte ng aking pinatunguhan at nabigla ako ng tumapat saaking harapan sina Emily at Jane ngunit mainam na hindi nila ako napapansin..
"Nauubusan na tayo ng oras..malapit na ang pagbabalik.."
Pagbabalik? Anong alam ni Emily? At anong klaseng pagbabalik ang tinutukoy niya.
"Kailangan ko ng bumalik sa tungkulin ko..Mauna na ako sayo mama"
Halata sa reaksyon ni Jane ang pagkadismaya. Mama niya si Emily? Kaya pala magkamukha sila. At kaya pala siya ang naging reyna.
Paalis na si Jane ngunit inabutan siya ng punyal ni Emily.
"Isunod mo na ang ikaapat na tela"
Napatakip ako sa aking bibig. Ikaapat na tela? Si Mabelle. Sila? Sila ang mga pumapatay? Sila ang mga pumatay sa mga kaibigan ko?

Nakaalis na silang dalawa at mabilis akong tumakbo patungo sa silid ng mga alipin.
Tulog na ang lahat maging si Miyaku..

Pinilit kong gisingin si Mabelle ng walang naiistorbong iba. Mabuti na lamang at nagising siya.
Agad namang bumukas ang pintong muli at tama nga ang hinala ko. Pumasok si Jane habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa kaniyang likuran..
unti unti siyang lumapit saamin at kaba lamang ang nararamdaman ko.
"Maaari bang iwan mo muna kami?"
Pag aaya niya saakin na umalis.
"Paumanhin mahal na reyna..may pinag uusapan kami ni Mabelle"
Ngumisi siya at inihipan ang palad niya. Agad akong nawalan ng malay at natumba sa kama ni Mabelle.
————-

"Hailey..gising kana"
Bungad saakin ni Miyaku. Hinawakan ko ang ulo ko at napatingin sa kama ni Mabelle. Nakapikit ang mga mata niya at diretso lamang siyang nakahiga. Agad akong bumaba sa kama ni Miyaku at niyakap si Mabelle.
"Mabelle! Patawarin mo ako! Gumising kana riyannnn"
Malakas kong sigaw na hindi naman ikinagising ng ibang mga alipin.
"Ano bang ginagawa mo?"
Tanong saakin ni Miyaku kasabay ng paghila niya saakin ng patayo.
"Namamahinga lamang si Mabelle.. bakit ba ganyan ang iyong asta?"
"Sila Jane at Emily ang mga pumapatay, Miyaku!"
Matapang kong sambit sakanila. Kumunot ang noo niya at hinila ako palabas ng silid ng mga alipin.
"T-teka San mo nanaman ako dadalhin?"
"Panahon na Hailey..panahon na upang malaman mo kung sino ka at kung ano ang mga katungkulan mo"
Patuloy niya akong hinila hanggang sa makarating kami sa malawak na balkonahe.
"Pumikit ka at humawak saakin"
Utos niya. Sinunod ko na lamang ito. Ramdam ko ang higpit ng paghawak niya sa palad ko at init ng paligid ko.

Iminulat ko ang mga mata ko at natigilan ako ng nasa isang hindi pangkaraniwang silid na kami..
"Saan mo ako dinala?"
Nangangambang tanong ko kay Miyaku.
"Ito ang silid ni Reyna Calista"
Napahawak ako sa dibdib ko at umatras.
"Paano ka nakapasok dito?"
"Ang mga lobo ay may kakayahang maglaho. Na magagawa mo sa pamamagitan ng pag ukit ng isang lugar sa iyong imahinasyon"
Inilibot ko ang aking mata sa loob ng silid. Isang malinis na kama at mga kahon sa ibaba nito ang aking unang nakita.
Sa gilid nito ay may nakatayong istatwa na may suot lamang na kumikinang na kwintas na may hugis bituin..
"Ang kwintas na iyon..."
"Oo Hailey.. iyan ang iyong kwintas"
"Ko? Ako? Sakin?"
Sunod sunod kong tanong..

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mga kakaibang larawan sa dingding ng silid.
"Bakit kakaiba ang mga larawan na narito kumpara sa larawan na nasa museo"
"Kakaiba nga sila..sapagkat kulang ang larawan sa museo"
Pinitik ni Miyaku ang kamay niya ng biglang lumitaw si Mrs. Petunia sa tabi ko na labis kong ikinasigaw.
"Shhh manahimik ka!"
Turan niya kasabay ng pagpalo niya saakin ng kaniyang baston..
"Kumikilos na sila..kaya't maupo ka riyan sa iyong kama at makinig ka"
Tinulak ako ni Miyaku sa kama at tumayo sila sa harapan ng mga larawan..
"Ang unang babaeng nakikita mo na nakasuot ng puting tela..."
Napatingin ako sa larawan na tinuturo ni Miyaku..
"Siya si Birheng Malawi...at nag umpisa sakanya ang kwento ng Enchantress"
Nagsimula akong umayos ng upo para makinig..

Claiming the CrownWhere stories live. Discover now