Kabanata 20; Paglalayag

18 11 0
                                    

Hailey's pov

Maaga na at ng ako'y gumising kanina wala na sa aking tabi si Asher. Maaga narin siguro siyang umalis upang hindi nila malaman na may namamagitan nga saamin. Narito ako ngayon sa ilog ng kamatayan. O ang ilog kung saan inilalagay sa balangkas ang mga bangkay ng pumanaw at sinusunog na lamang. Naglaglag ako ng dalawang rosas para sa dalawang kaibigan kong pumanaw.
"Dona, Faye? Kung nakikita niyo man ako. Sana ay nasa payapang lugar na nga kayo. Patawarin niyo ako ha? Rosas lang ang maiaalay ko Sainyo"
Mangiyak ngiyak kong mahinahon na sabi. Nakakaawa na basta na lamang sila namatay na hindi nakakauwi sa mga tahanan nila. Alam kaya ng pamilya nila na wala na sila?
"Malungkot kananaman"
Napatingala ako ng may mag Abot saakin ng panyo.
"Jay! Ikaw pala"
Tumayo ako at humarap sakanya. Unti unting umukit ang ngiti sa kaniyang labi ngunit bigla akong natakot.
Ang tela ng kamatayan. Hindi ba si Jay ang ikatlo roon na nabigyan ko? Ibig sabihin ba? H-hindi.
"Jay! Tumakas kana!"
Pabigla kong sambit sakanya. Natawa lamang siya at ikinagulat ko ng kunin niya ang laso sa aking buhok at itinakbo ito palayo.
"Jay bumalik ka dito! Makinig ka naman sakin oh!"
Nanginginig ako habang hinahabol siya. Wala akong pakealam sa laso ko. Ang sakin lang naman paano kung madulas nalang siya bigla at mabagok ang ulo? Hindi pwede.. nasa piligro ang buhay niya..

Asher's Pov

Napatingin ako sa orasan na nakalagay sa bulsa ko. Dalawang oras nalang at maglalayag na kami ni Jane. Nasaan Naba ang babaeng yon. Inutusan kami ni Ama na maglayag patungo sa London upang harapin ang matagal ng nawalang Apprentice ni Calliope. Buhay pa pala siya. Napaka walang kwentang Apprentice.
"Sige na. Magtungo na kayo sa inyong sasakyan. Maglayag kayo ng payapa"
Tumalikod na at naglakad papalayo si Jane.
"Asher? Bakit hindi mo pa sundan ang reyna?"
Tanong ni Emily. Si Emily ang babaeng nahanap raw ni Ama sa lungsod. Ano namang nagustuhan niya sa babaeng toh? Laki ng dede? Tambok ng pwet? Pula ng labi? Kulang nalang maging pornstar toh eh.
"Wala kang pakealam kahit anong gawin ko!"
"Asher!"
Pinigilan ako ni ama ngunit hindi ako nagpatinag.
"Kahit hindi ako sumama sakanya labas kana dun"
Pambabara ko sa mukhang bruhang babaeng pumupulupot sa papa ko.
"Anak? May hinihintay kaba?"
Tumalim ang tingin ko at nakaramdam ako ng galit. Nasan ba si Hailey. Ano bang ginagawa niya at sinong kasama niya ngayon.
"May susunduin lang ako. Hindi ako aalis hangga't hindi ko siya nakikita"
Hindi ko na hinayaang makapagsalita si papa. Umalis nako para hanapin si Hailey. Pasaway talaga ang babaeng yun. Sinabi ng isasama ko siya eh hindi parin nakinig. Lapastangan'
Nakababa na ako ng kaharian. Ng bigla kong matanaw si Jay na tumatakbo at may hawak na pulang laso.
Nag iinit akong nagtungo sa ilog ng kamatayan kung saan naghahabulan sila Hailey at Jay na parang bata. Ang kapal naman ng mukha ng Jay na yun para lapitan ang babaeng dapat sakin lang.
"Hailey!"
Galit na galit kong sigaw.

Hailey's pov

Napatigil ako ng makita ko si Asher na napaka talim nanaman ng tingin saakin. Naku may patutunguhan nga pala kami. Bakit hindi ko naman naalala. Agad akong tumakbo papalapit sakanya.
"Asher? Paumanhin n-"
Hindi pa ako tapos magsalita ngunit hinila na niya ako.
"T-teka lang! Yung laso ko kay Jay"
Patay Nato. Nag iigting nanaman siya ng panga. Mabilis niyang inagaw ang laso ko kay Jay. Tila may ibinulong pa yata siya dito.
"Mag iingat ka Hailey!"
Sigaw ni Jay bago kami makalayo na ikinatigil bigla ni Asher. Para siyang bubuga ng apoy. Dahan Dahan siyang humarap kay Jay.
"Hoy! Hala wag ganyan!"
Nataranta ako ng hawakan ni Asher ang itaas ng damit ni Jay at iangat ito sa hangin. Pinigilan ko sila hanggang sa matauhan din si Asher at ibaba ng muli si Jay. Galit na galit nga siya. Humarap siya saakin ng may matalim na mata na parang pwede niya akong mapatay anong oras ngayon. Tinapunan ko nalang ng tingin si Jay bago kami umalis. Hinabol ko si Asher sa sobrang bilis niyang paglalakad. Ang astig pala ng porma niya. Naka bukas ang tatlong butones ng polo niya at nakataas ang buhok niya. Ang angas! Umaapoy!
"Hoy! Pansinin mo na ako"
Hinila ko ang kamay niya hanggang sa maabot ko ang kwelyo niya at hinalikan siya sa labi. Kung ito lang ang paraan para hindi na siya magselos at malaman niyang siya lang ang gusto ko. Edi minuminuto ko nalang siyang hahalikan. Gusto ko lang naman masiguradong hindi mapapahamak si Jay eh.
"Bakit mo ako hinalikan?"
"E ikaw? Bakit mo nga ako gusto?"
Napatikom nalang ang bibig niya ng magsalita ako.
"Paumanhin Asher. Gusto mo paba ako niyan?"
Hinila niya ang kamay ko at napaka pungay ng mata niya.
"Walang nagbago Hailey. Gustong gusto padin kita. Labis lamang akong nag alala sayo"
"Eh bakit ba hindi nalang sana kayo nauna? Pwede naman akong sumunod"
"Hindi! Hindi ako lalayo ng hindi ka kasama"
Oy. Oo na kinilig ako dun ng konti. Konti lang. Nginitihan ko na lamang siya at hinila patungo sa kalesa kung saan kami sasakay patungo sa London.
"Asher! Kanina ka pa hinihintay ni Jane! Gaano ba ka importante ang babaeng yan sayo? Para pag hintayin mo ang reyna?"
Mukhang galit na galit si Haring Felix na sumalubong saamin.
"Sobra Papa. Kaya kong hindi samahan ang walang silbi niyong reyna kung hindi ko makakasama si Hailey"
Napatingin ako sa babaeng naka puting damit. Siya si Emily. Yung babaeng sinabi ni Mabelle. Nakataas ang kilay niya saakin.
"Eh ikaw? Nag papabebe ka ba sa prinsipe?"
Nagulat ako ng barahin niya ako. Inaano ko siya?
"Hoy ikaw! Mukhang ahas na bruha"
Hindi ko namamalayang sambit ko sakanya. Napahawak na lamang ako sa braso ni Asher ng manghina ako mismo narin sa aking sinabi. Kailangan ko itong ituloy. Sabi sakin ng tatay ko pag may umaapi sakin wag ko daw hayaan. Patayin ko daw.
Dinuro ko si Emily na parang simpleng kaaway lang ang binabangga ko.
"Wala akong pakealam sayo! Kaya wag mo rin akong pakialaman! Malinaw?"
Nanginginig ako pagkatapos kong isigaw iyon. Nakatingin lang sakin si Asher,Jane at haring Felix.
"Paumanhin Haring Felix. Ngunit tinuro saakin ng tatay ko na pag may sapaw, patayin ko. Kaso mahirap patayin yang babaeng kasama mo. Mahirap pumatay ng itim ang dugo"
Nginisihan ko ng pa insulto si Emily na kasin tanda ata ng nanay ko.
Hinila na ako ni Asher pasakay sa ikalawang kalesa. Sa unang kalesa kasi sasakay si Jane. Inalalayan ako ni Asher paakyat habang napaka sama ng tingin saakin ni Jane. Bakit? Nirerespeto niya ang bruhang yon?
Lumingon muli ako kay Emily ng mapaatras ako.
"Mahal ko. Ayos ka lang?"
Pag alalay saakin ni Asher.
Hindi ako pwedeng magkamali. Yung mata ni Emily, pula. Paano? Kolorete ba yon?
"Hailey! Ayos ka lang mahal?"
Napatingin ako kay Asher at ngumiti. Ayos ka lang mahal? Oo mahal? Mahal? Hay naku tama na nga.
Umayos na ako ng upo at nagulat ako ng iikot ni Asher ang kanang kamay niya sa bewang ko at ang kaliwang kamay niya naman ay ini hawak niya sa kaliwang kamay ko.
"B-bakit para kang Tuko makahawak?"
Natatawang tanong ko.
"Ano bang pakialam mo? Baka malaglag ka diyan wala pa tayong anak"
Kinunutan ko siya ng noo at pinalo ang braso.
"Anong anak? Ha?"
"Hailey. Pangarap kong magkaroon ng supling galing sayo"
Napayuko ako sa kahihiyan. Walang hiya. Ginusto ba ako neto para magkaanak?
"P-pero hindi naman ibig sabihin na ginusto lang kita dahil nais ko ng supling. Tandaan mo Hailey. Wala akong tamang rason kung bakit inibig kita. Basta, ang alam ko lang handa akong mamatay para sayo."
"E..ilan bang anak ang gusto mo?"
Letchugas. Napahawak nalang ako sa bibig ko. Iniisip ko lang yun kanina bakit nasabi ko na
"Sapat na sakin ang isang supling. Wag muna yan ang isipin mo. Ikakasal muna tayo bago ko ito ipapasok sayo"
Nanlaki ang mga mata ko. Ipapasok?
"Ipapasok mo sakin yang alaga mo?"
Tumawa siya na parang nanloloko.
"Mangyayare din yon! Painosente ka!"
Malalim niyang tugon saakin. Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa aking kamay at isinandal ang ulo niya sa ulo kong nakasandal din sa balikat niya.
"B-basta ipangako mo sakin na aabot tayo sa kasalan"
"Sabi ko ba mahal din kita?"
Huminga siya ng malalim.
"Batid kong hindi ka sigurado sa nararamdaman mo. Pero hindi mo na muna akong kailangan mahalin pabalik sa ngayon. Hindi naman kita hahayaang mawala e. Gagawin ko lahat kahit pagulungin mo pa ako. Maging sigurado ka lang na gusto mo nga ako"
"Hayaan mo na nga yan Asher! Kahit naman hindi ako sigurado sayo, nandito naman ako lagi e. Hindi ako mawawala"
Ipinaharap nya ako sakanya. Napakaamo ng mukha niya. Parang dragon na naging pusa.
Hinawakan niya ang pisngi ko.
"Dito kana lang? Sakin kana habang buhay. Pwede ba yon? H-hindi ko kasi makita ang kasalukuyan na hindi kita kasama."
Parang naiiyak na ata siya. Pusang naging sanggol?
"Kasama mo ako hanggang sa huling paghinga mo"
Bumagal ang galaw ng lahat ng ngumiti siyang muli sa ikalawang beses para saakin.
"M-mahal na mahal kita"
Hinalikan niya ang noo ko at napapikit na lamang ako.
Ansarap sa pakiramdam na may isang lalaking takot mawala ka. Isang lalaking handang mamatay para sayo. Isang lalaking may pangarap para sa inyong dalawa at nakikita ang kasalukuyan na kasama ka. Hindi ko lang alam kung bakit hindi ko nga sigurado kung gusto ko ba talaga si Asher o hindi. Ang alam ko lang napaka lamig niyang prinsipe pero napaka init niyang magmahal. Mala ace Craige at Jeydon Lopez ng Hell University at The Four bad Boys and me. At ako naman toh. Isang babaeng nangangarap ng Isang lalaking makakasama ko hanggang sa huling pagngiti ko. Nahanap ko na ba siya? Si Asher na kaya yun? Sana siya na nga. Ayoko na sumubok sa iba eh. Sa tingin ko, nahanap ko na ang Ace Craige ng buhay ko...

Claiming the CrownWhere stories live. Discover now