Kabanata 4; Ikalawang paglilitis

40 14 0
                                    

Hailey's pov

"Buenos Dias Señorita"
Nabulabog ako sa isang boses na akala mo'y nasusunugan ang kaharian, Agad kong pinatungan ng unan ang aking mukha habang hinihila ni Dona ang aking paa
"Inaantok pa ako Dona"
"Pardon Señorita ngunit ano mang oras ay mag uumpisa ang pagkilala mo sa iyong kapareha"
Iginilid ko ang unan sa aking mukha at nag inat Inat muna habang inaayos ni Dona ang aking damit na susuotin.
"Halika na at isuot mo na ang iyong kasuotan"
"Hindi na ba ako maliligo?"
Tumawa siya ng mahinahon at iniabot saakin ang isang orasan. Pambihira ika pito pa lamang ng umaga. Siguro nga ay tanghali na para sakanila ang ganitong gising. Agad kong itinago ang aking katawan sa may kurtina at isinuot ang puting dress. Kaakit akit naman ito at inilugay ko na lamang ang aking buhok. Inabot saakin ni Dona ang mga alahas at dahan dahan ko itong isinuot. Kapansin pansin na mamahalin ang mga ito, unang tingin ko pa lamang sa salamin sa aking harapan.
"Makinig ka at may mga bagay ka pang dapat malaman"
Tumango nalamang ako at umupo naman sa kama si Dona.
"Ang iyong pangalawang paglilitis ay makilala ang iyong kapareha at makisama sa mga ibang kababaihang susubok sa mga paglilitis ni Haring Felix"
"Kapareha?"
Ipinatong niya ang kanang binti niya sa kanyang kaliwang binti.
"May kapareha ka sa paglilitis,Binibini. Dapat ay magtulungan kayo upang makapasa kayo sa mga ito"
Bumuntong ako muli ng hinga tsaka nanatiling nakikinig kay Dona.
"Ang iyong ikatlong paglilitis ay malaman ang tradisyon ng Enchantress. Makakatulong ito sayo upang magustuhan ka ng royalties. Si Ms. V ang iyong magiging guro dito. At gaganapin ito mamayang hapon pagkatapos ng inyong pagsasalo salo ng iba pang kababaihan"
"Ang ikaapat. Ay ituturo ni Apprentice Faye. Ang apprentice ni Ms. V. Kanyang ilalahad ang mga katangian ng mga royalties na mahalaga mong malaman upang batid mo kung paano paki tunguhan ang mga ito."
"Ang ika lima ay magiging diin Sainyo. Kailangan niyong pag aralan ang tradisyong sayaw ng Royalties. Ang Waltz. At hindi lamang yan. Si prinsesa Calliope ang magtuturo Sainyo. Ngunit wag kang mag-alala. Naroroon ako at pinagmamasdan ka"
"Ikaanim. Isang mahirap na pakikitungo. Ang pakikidigma sa malamig na prinsipe. Kailangan niyong lagpasan ng iyong kapareha ang kaniyang pagsubok"
"At ang huli. Ang pinaka mabigat sa lahat. Ang makumbinsi si Mrs. Petunia na magkwento patungkol sa Enchantress. Dahil walang ibang gagawa niyan kundi siya. Wala kayong maaasahang iba"
"Siya nga pala, ang bawat kababaihan na susubok sa paglilitis ng Hari. Ay may kanya kanyang taga gabay. Ikinararangal ko na ikaw ang aking gagabayan. Binibining Hailey"
Nabigyan ng sigla ang aking damdamin at umukit ang ngiti saaking labi ng marinig ko ang kanyang tinuran. Datapwat sa mga paglilitis ay may ganito rin palang magandang balita.
"Ikinatutuwa ko rin na ikaw ang aking maging taga gabay, Dona"
Ngumiti siya at tumayo papalapit saakin. Hinawakan niya ang aking kamay.
"Alam kong kakayanin mo Binibini. Maging totoo ka upang tanggapin ka nila sa kung ano ka"
Inalayan ko rin siya ng isang matamis na ngiti bago kami lumabas sa aking silid upang kilalanin ang aking kapareha. Kinakabahan man ako'y alam ko namang gagabayan ako ni Dona. Naglakad kami sa isang maliwanag na corridor dahil sa araw.
"Magandang umaga,Señorita"
Pagbati ng isang alipin na akin na lamang nginitihan. Mababait naman sila dito ngunit tila nababalot sila ng takot sa mga batas na ipinatupad ni Haring Felix.
"Handa kana ba?"
Paninigurado saakin ni Dona ng tumapat kami sa isang silid na hindi naman kalayuan saaking silid
"Hindi pa pero, wala na akong magagawa. Tama ba ako?"
Tumawa siya ng mahinhin at binuksan ang pintuan. Nakita ko si Faye na nakangiti sa may pintuan. Humakbang ako ng dalawang beses hanggang sa malagpasan ko ang bungad
"Buenos Dias Binibini"
Pagbati ni Faye na niyukuan ko lamang. Nakita ko ang isang babaeng nag aayos ng kanyang alahas. Ngunit nakatalikod siya. Bagay na bagay sakanya ang kanyang damit at katamtaman lamang ang haba ng kanyang buhok
"Señorita, nandito na ang iyong kapareha"
"Uhm paumanhin Faye"
Dahan dahan siyang humarap kasabay ng kanyang paghawi sa kanyang buhok
"Hailey?"
"Mabel?"
Nagkatitigan kami na gulat na gulat. Si mabel ay isa sa aking kaibigan sa Village. Nasa Village 4 ako samantalang Village 7 siya. Ang numero ng kanilang Village ang may pinakamababang antas ng pamumuhay.
"Ikaw ang kapareha ko?"
Sabay naming sambit na hanggang ngayon ay hindi padin magkakilala.
"Con permiso Señorita's. Ngunit magkakilala kayo?"
Tanong ni Dona na tila maging siya ay nabigla rin sa aming reaksyon.
"Kaibigan ko si Hailey."
"At kaibigan ko rin si Mabel"
Napatakip ng bunganga si Faye na hindi ko malaman kung bakit.
"Mainam, madali kayong magtutulungan sa mga paglilitis"
Nag tinginan kami ni Mabel tsaka kami nagyakapan. Akala ko ako lang ang babaeng nabunot na galing sa Village.
"Ikinagagalak kong maging kapareha ka,Mabel."
"Ganun din ako"
Naghiwalay na kami ng aming maririnig ang isang tunog ng kampana.
"Oras na para makilala ang iba pang kababaihan"
Nagkangitian kaming muli ni Mabel at sabay na lumabas sa silid niya. Pinangunahan kami ng dalawang apprentice para sa aming pagsasalo salo ng mga napiling iba.
"Mahirap ba ang unang paglilitis?"
Tumawa ako ng marahan sa tanong ni Mabel
"Hindi naman, marahil ay hindi kana rin nahirapan dahil tila mabuti ang iyong taga gabay"
"Nakuha mo nga"
Tumawa kaming sabay ng napahinto kami dahil sa mga katahimikan..
huminto kami sa isang napaka lawak na parte ng kaharian kung saan may mahabang mesa na punong puno ng pagkain at naririto nga ang mga kababaihan. Ang gaganda nila.
"Maupo na kayo señorita"
Pag aaya ni Dona na pinaghilaan pa kami ng upuan. Nakakagulat na makaharap ang mga kababaihang ito. Ngunit hindi ko malaman kung sino ang prinsipeng aming kaharap. Hmm kung hindi siya ang lalaking aking nakabunggo kahapon. Marahil siya si Prinsipe Noah.
"Binabati ko kayo mga binibini, sa inyong pagkakalagpas sa unang paglilitis"
Nagpalakpakan ang dalawang apprentice at mga kababaihan kaya't sumabay nalang ako.
"Sa kakayahan kong ito ay normal lang saakin na magtagumpay sa mga paglilitis"
Pang iinsulto ng isang kababaihan sa gawing kaliwa ni Prinsipe Noah.
"Kanina pa ako napipikon sayo"
Biglang padabog na tayo ng isang babae rin. Na agad namang pinigilan ni Prinsipe Noah at hinawakan ang braso nito. Hindi pa nag uumpisa ang lahat ngunit may nagkakainitan na.
"Simulan niyo na ang pagpapakilala"
Huminga ng malalim ang lahat maliban sa dalawang babae na nagkakainitan parin.
"Ako na ang mauuna"
Sambit ng babaeng nagdabog kanina. Sa kanyang pagtayo ay nakita ko siya ng mas malinaw. Napakaganda niya, napaka puti ng kanyang balat at namumula ang pisngi niya. Nakatali ng simple ang kanyang buhok at wala siyang kolorete sa mukha. Napaka pungay ng kanyang mga mata at matangos ang ilong.
"Ako si Jane. Isang exchange student. Actually hindi ko inasahan na mapasali dito, lalo na kung kailangan kong harapin ang isang katulad niya sa araw-araw"
Itinuro niya ang babaeng nang insulto kanina, agad namang tumayo ito at umupo narin si Jane.
"Sa tingin mo ba ay ikinagagalak kong makita ka?"
"Binibini, Magpakilala kana"
Pagpuputol ni Prinsipe Noah sa alitan ng dalawa. Parang rebonded ang buhok ng babae at napaka kapal ng kilay niya. Ganun rin ang labi niya at maputi rin siya. Ngunit hindi ko nagugustuhan ang mata niyang napaka talim. At ang kilos niya na animo'y wala ng mas gaganda pa sakanya.
"Ako si Miyaku. Ang pinaka mayaman sa pangkat ng lungsod. Narito ako upang pamunuhan ang Enchantress at ipamukha sa mga mahihirap kung saan sila nababagay"
Padabog din siyang umupo kasabay ng pag irap niya. Hindi ko siya nagugustuhan.
Sumunod na tumayo ang isang mahinhin na babae. Mababa ang buhok niya at may ribbon siya sa ulo. Napaka tamis din ng ngiti niya.
"Ako si Ella, galing ako sa City,Street 7. At narito ako upang matulungan ko ang mga magulang ko"
Ngumiti siyang muli bago umupo. Napaka buti naman ng asta niya. Sumunod namang tumayo ang katabi niya na pula ang buhok at tila maangas yata.
"Ako naman si Fiona. Galing sa City street 2. Nandito lang ako dahil gusto ko."
Umupo narin siya kaagad at ibinaling ang tingin sa isang papel na hawak niya. Bakit ganito ang mga kababaihan. Tila hindi kami magkakasundo lahat.
Ako na ang sumunod na tumayo. Ngunit bumilis ang takbo ng aking puso ng makita ko silang lahat na nakatingin saakin. Lumingon ako kay Dona at ngumiti lang siya. "Ipakita mo ang totoong ikaw upang tanggapin ka nila sa kung ano ka"
Pag uulit ko sa sinabi ni Dona saaking isipan.
"Magandang araw sa inyong lahat. Uhm Ginoong Noah. Ikinagagalak kong makita ka"
Biglang hinawakan ni Dona ang aking braso.
"Mahal na prinsipe ang tawag sakanya at hindi basta bastang ginoo"
Napatakip ako sa aking bibig.
"Paumanhin mahal na prinsipe. Hindi ko sinasadya"
Yumuko ako sa harapan niya ngunit ngumiti lamang siya. Anong kahihiyan nanaman ang aking ginawa.
"Ikinagagalak kong makilala kayong lahat"
Pagbati ko sa mga kababaihan.
"Ganun din kami"
Sabay sabay nilang sambit maliban kay Miyaku.
"Hindi ako nagagalak na makilala ka"
Pambabara niya saakin. Nakita ko rin ang pag irap ni Jane.
"Kung gayon wala akong magagawa"
Pangloloko kung sabi. Bumuntong ulit ako ng hinga bago magpakilala.
"Ako si Hailey Addison, Galing sa Village 04. Hindi ko rin ginustong maparito, dahil sa mga nakababata kong kapatid. Ngunit Nangyare na ang dapat mangyare kaya nangangako akong gagampanan ko kung ano ang maiaalay niyo sa isang katulad ko"
Paupo na sana ako ngunit biglang tinabig ni Miyaku ang baso na ikinagulat ko.
"Napaka baho mo palang babae"
"Señorita Miyaku, Ang iyong pananalita ay hindi na tama"
Pagpipigil ni Dona. Tiningnan ko lang siya ng masama tsaka ako umupo.
"Ikinararangal ko na ako'y mahirap ngunit marunong rumespeto. Kesa sa isang gintong katulad mo ngunit walang katauhan"
Nginitihan ko siya ng nakakainsulto at agad namang tumayo si Mabel upang maputol ang aming pagsasagutan.
"Ako si Mabel. Galing sa Village 07. At narito ako upang Ma ipagamot ko na ang aking ama"
"Kung mabaho si Hailey ay mas mabaho ka pa pala"
"La parada (stop) Miyaku"
Pagpipigil ni Prinsipe Noah na tila kanina pa nagtitmpi ng galit.
"Simulan ang pagkain"
Pag uutos nito na agad namang Nangyare. Naging matahimik ang aming pagsasalo salo. Hindi ko naman inakala na magiging masama ang imahe ko sa isang kababaihan. Natapos na kaming kumain at nakita ko si Daisy na inaayos ang kaming kinainan.
"Tulungan na kita"
Pag aaya ko sakanya
"Naku wag na po Señorita"
"Sige na. Tulungan na kita"
Inabot ko na ang ibang kobyertos at tinulungan siya sa mga hawak niya.
"Binibining Hailey, diba't ang pagiging reyna ay para utusan ang mga mas nakakababa sayo? Para pangaralan sila at ilagay sila sa lugar kung saan sila nababagay. Hindi ko lubos maisip na ang isang reyna ay naghuhugas ng mga kobyertos"
Napatigil ako saglit at dahan dahang humarap kay Miyaku.
"Sa tingin ko nagkakamali ka Binibining Miyaku. Ang pagiging reyna ay ang pagiging isang mabuting modelo sa mga nasasakupan mo. At hindi ang pagiging sakim at nagmamataas. Pardon Señorita. Ngunit ang katangian ng isang reyna ay hindi mo makikita sa isang katulad mo"
Umalis na ako kaagad dahil baka mabato ko pa siya ng kutsilyo. Ikalulungkot ko kung siya ang magsusuot ng korona balang araw. Babagsak ang Enchantress dahil sakanya.
Dinala ko na ang mga ibang kobyertos sa silid hugasan at nagpasalamat naman si Daisy. Nagsimula na akong maghugas ng may biglang humawak sa aking braso
"Mahal na prinsipe"
Agad kong niyuko ang aking ulo ng makita si Prinsipe Asher. Nakakagulat naman siya
"Sumama ka sakin"
Bigla niya akong hinila kahit na hindi pa ako sumasagot o tumatango man lamang.
"Uhm Mahal na Prinsipe saan mo ako dadalhin?"
"Sa hari. Isusumbong kita sa aking ama"
Bumilis ang tibok ng puso ko habang inaakyat ako ni Prinsipe Asher Sa hagdan
"Sandali lamang Ginoo. Ano ang aking kasalanan?"
"Nakita ko ang pagsagot mo sa aking ginagabayan"
Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig.
"Ikaw ang taga gabay ni Binibining Miyaku?"
Tinaliman niya lamang ako ng tingin at dinala sa isang silid na napaka dilim. Tanging sinag lamang ng araw ang nagbibigay liwanag dito.
"Ama. Nakita ko ang babaeng ito na sumasagot sa isang napili"
Hindi ko nakikita ang hari ngunit batid kong nandito siya at napaka lakas ng tensyon.
"Ilabas mo na siya Asher. Wala akong panahon"
Bigla akong binitawan ni prinsipe Asher at agad naman akong tumakbo palabas. Ngunit nagulat ako ng muli niyang hawakan ang braso ko.
"Mahal na prinsipe, paumanhin."
Itinapat niya ang kanyang labi sa aking tenga.
"No me gustas"
Napatakip na lamang ako sa aking tenga ng bigla niya akong sigawan. Mangiyak ngiyak akong bumaba sa hagdan hanggang makasalubong ko si Dona.
"Señorita, anong Nangyare sa iyo?"
Niyakap ko siya sa sobrang takot at agad na kaming bumalik sa aking silid.
"Hinila ako ni Prinsipe Asher at Isinumbong sa hari. Natakot ako Dona"
Pag iiyak ko sa kama habang nagpapaliwanag kay Dona.
"Yun lamang ba kaya ka tumatangis mahal kong binibini?"
"Sinigawan niya ako sa tenga at tila nagagalit siya sa hindi ko malamang rason"
Nilapitan ako ni Dona at umupo sa aking tabi.
"Anong kanyang tinuran?"
Pumikit ako upang maalala ang lenguwaheng kanyang sinambit
"No me gustas ang kanyang tinuran. Ano ba ang ibig sabihin nito Dona?"
"Hindi ka niya nagugustuhan? Ngunit bakit?"
Hindi man sinagot ni Dona ang aking tanong ay batid kong hindi ako gusto ni Asher. Marahil dahil nabunggo ko siya? Ngunit hindi naman sapat yun na dahilan.
"Wag mo na munang isipin yun Binibini. Magpahinga ka muna at maya maya lamang ay magaganap na ang inyong ikatlong paglilitis. Maiwan muna kita at aking sisilipin ang aking prinsesa.magandang tanghali Señorita"
Ngumiti nalamang ako sakanya at lumabas narin siya ng aking silid. Humiga ako sa kama at ni ramdam ang lambot nito. Ipinikit ko din ang aking mga mata na nagbabakasakaling malimutan ko na sinabihan ako ni Prinsipe Asher na hindi niya ako nagugustuhan..

Claiming the CrownWhere stories live. Discover now