Kabanata 31; Sakripisyo

13 4 4
                                    

Play niyo po yung music para dama HAHAHA

—————
"Ako nalang Supremo! Parang awa mo na tigilan mo na si Caily"

Hailey's pov

Anong nangyayare bakit hindi ako makagalaw..Anong klaseng sandata ang meron kay Supremo? Bakit kaya niya akong saktan ng ganun ganun lang? Paano?
"Napakadali mo naman palang kausap! Masusunod aking tagapagmana"
Pinilit kong tumayo para pigilan sila ngunit isang nilalang pumigil saakin..
"Dito na ang katapusan ni Asher..wala kang magagawa Caily"
Bulong niya saakin.
"Jane? Walang hiya ka!"
Hindi ako makawala sakanya..
"Asher! Ano bang ginagawa mo?"
"Pumikit ka mahal ko..."
Itinaya niya ang lakas niya kay Supremo..Kitang kita ko ang paglabas ng mga baga sa katawan niya habang hinuhugot ni Supremo ang lakas niya..
Tumatangis lamang ako na parang walang kakayahang gumalaw..
"Pakawalan mo si Asher.."
Bulong ko sa sarili ko. Napapikit na lamang ako ng hawiin niya ang sandata sa dibdib ni Asher..

Ramdam kong bumagsak na siya sa lupa..Agad akong kumawala sa kamay ni Jane upang tumungo kay Asher..
"Asher! Lumaban ka! Kailangan mong mabuhay! Baguhin natin ang kwento natin!"
Unti unti naring natunaw si Supremo at Jane sa harapan ko dahil sa sobrang lakas..ayaw man nila ngunit ito na ang hangganan nila..

Hinawakan ko ang mga kamay ni Asher habang hinang hina na siya..
"L-ligtas kana"
Nanghihina niyang sambit.
"Tangina ka! Bakit mo ginawa yon?"
"K-kasi gusto ko.."
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sakit..
"Papakasalan mo ako diba? Paano na yon?"
Ngumiti siya at inabot sakin ang isang singsing..mas lalong lumakas ang paghikbi ko.
"Hindi ngayon! Ikakasal tayo sa simbahan!"
"H-hindi ko na kaya..Kahit man lamang sana..dito..maging..asawa kita."
Napatakip ako sa mukha habang patuloy na lumalabas ang mga baga sa katawan niya..

Dahan dahan kong sinuot ang singsing sa daliri ko..
"Paalam..Caily Brown Lacson"
Nakabitaw na siya kasabay ng pagdating ng mga royalties..
"Anong NAngyare?"
Nagtatakang tanong nila.

Lumingon ako sakanila at umiling iling. Niyakap ko si Asher habang suot ang singsing niya..
"Paano ko mababago ang kwento?"
Tanong ko kay Miyaku..
"Magtiwala ka..Puso..puso ang gamitin mo"
Mariin nyang sambit..

Hinalikan ko si Asher na nagbabakasakaling mabuhay ulit siya ng halik ko..
"Pero wala e! Bakit ganon? Hindi siya humihinga! Bakit kanina gumana naman!"
Patuloy ako sa pag iyak habang nakayakap sakanya..
"H-hindi pwede..baguhin niyo ang kwento.."

"Parang awa niyo na! Buhayin niyo siya!"..
Sama sama akong inangat ng mga royalties at niyakap na parang wala na talagang magagawa..
"Patawarin mo kami Caily..."

Sabi ko..babaguhin ko ang kwento..Pero paano?..

Claiming the CrownWhere stories live. Discover now