Kabanata 5; Ikatlong paglilitis

28 12 0
                                    

Hailey's pov

Hindi na ako nakatulog kaya naman nag ayos na lamang ako. Bakit kaya ako hindi nagugustuhan ni Prinsipe Asher ako ba ay may nagawang mali? O sadyang ayaw niya rin ng babaeng mababa lang ang antas ng buhay. Nakakalungkot ngunit hindi ako rumerespeto ng mga ginoong hindi rin rumirespeto ng patas. Ang isang tunay na ginoo ay tumatanggap ng isang babaeng tunay at may mabuting kalooban. Hindi ang isang mayaman at dahil lamang angat sila sa buhay. Inangat ko ang aking buhok upang pusudin ng may mapansin akong kakaiba.
"Magandang Hapon Señorita. Oras na para sa ikatlong paglilitis"
Hindi ko na napansin si Dona at nakataas padin ang aking buhok.
"Binibini ayos ka lamang ba?"
"Dona, tingnan mo ang kakaibang kulay ng aking buhok."
Napahawak siya sa kanyang dibdib ng makita ang kaunting bahagi ng aking buhok na kulay blonde.
"Ano kaya ang ibig sabihin nito?"
"Hayaan mo na muna yan Binibini, mabuti pa ay pusudin mo na ang iyong buhok"
Nahalata ko rin sakanya na maging siya ay nagulat sa kakaibang kulay ng buhok ko. Imposibleng materyal lamang ito o kemikal na naihalo sa aking buhok dahil hindi naman ako mayaman upang magpalagay pa ng kulay sa aking buhok.
"Halika na Dona"
Agad na kanyang binuksan ang pintuan at lumabas narin ako.
Pumasok kami sa isang maliit na silid na tila silid ata ng mga libro. Nakita ko si Mabel na nakaupo.
"Buenos Dias Mabel"
Agad siyang napangiti at niyakap ulit ako. Iniwan na rin kami ni Apprentice Dona na marahil ay babantayang muli si Prinsesa Calliope
"Tila malungkot ka yata?"
Pagtatangkang tanong ko kay Mabel
"Ayoko na kasi dito. Mas nanaisin ko na lamang na umuwi sa aming tahanan"
Bigla akong nalungkot sa kaniyang tinuran. Tama siya, maging ako ay uwing uwi na rin labis na akong nangungulila sa aking mga kapatid at sa kaibigan kong si Jay. Umayos kami ng upo ni Mabel ng marinig namin ang pagbukas ng pintuan mula sa labas ng silid.
"Buenos Dias Señorita's"
Pagbati ni Ms. V na napahawak din sa kanyang dibdib at yumuko
"Buenos Dias Ms. Vivian"
Aking pagbalik bati na ikinangiti niya
"Ako si Muse Vivian. Ang pinuno ng mga alipin. Ako ang inyong ikalawang guro para sa inyong ikatlong paglilitis. At kayo ang ikalawang pareha na aking naturuan. Batid niyo ba ang ating pag uusapan?"
"Tungkol sa iba't ibang batas at tradisyon sa Enchantress"
Pagsunod ni Mabel na tila inip na inip na at walang kaintere interesado sa pagiging reyna.
"Magaling. Tila nakapasa kayo sa inyong unang paglilitis. Makinig kayong mabuti at akin ng sisimulan"
Tumayo si Ms. V at kumuha ng isang manipis na libro sa gawing kaliwa niya.
"Nais kong malaman niyo ang tatlong batas ni Haring Felix"
Napahinga kami ng malalim ni Mabel
"Una. Hindi maaari ang pag iibigan ng kahit na sino sa kaharian na ito"
"Bakit naman po? Wala naman akong nakikitang mali dito"
Napatikom ako ng bibig pagkatapos kong maitanong iyon. Napaka daldal ko talaga.
"Tama ka Binibini. Ngunit Para kay Haring Felix, hadlang lamang ito sa pag iisip ng tama ng isang nilalang sa kaharian na ito. Magiging kahinaan mo ang pagmamahal mo sa isang tao, na magiging sagabal sa pag iisip mo ng tama"
Napakunot ako ng noo sa paliwanag ni Ms. V
"Paumanhin Muse Vivian, ngunit para saakin ang pag ibig ay kalakasan"
Paghahabol ni Mabel na agad kong sinang ayunan. Tama naman ang kanyang tinuran. Ganun din ang aking paniniwala
"Kalakasan o kahinaan ang pag ibig. Isa ito sa batas at hindi natin ito pwedeng labagin maliban na lamang kung nakoronahan na ang isa SAinyo at magpatupad ng bagong batas."
Napakamot nalang ako sa ulo sa kaniyang tinuran.
"Ikalawa. Walang pagdiriwang o kasiyahan ang pwedeng maganap dito"
Napalunok ako sa ikalawang batas na ipinatupad ni Haring Felix.
"Ha? Ngunit bakit siya magpapatupad ng isang weirdong batas?"
Tanong ulit ni Mabel na ikinataas ng isang kilay ni Ms. V.
"Kahit na anong pagtutol niyo sa mga batas ng Hari ay naipatupad na ito at susundin niyo na lamang"
Ako ay napayuko sa kahihiyan ng sambitin ito ni Muse Vivian. Nakalimutan kong kailangan nga pala naming sundin ang mga ito para narin saamin.
"Ang ikatlo. Ayaw ni Haring Felix na makitang ngumiti ang mga kapwa niya mandirigma"
"Ho? Bakit po!"
Biglang tumayo si Mabel at laking gulat naman ito ni Muse Vivian. Hinila ko na lamang siya pabalik sa pagkaupo.
"Paumanhin Muse Vivian. Nakaka bigla lamang ang mga batas na yan. Tila mga batas ng hindi pangkaraniwang Hari."
"Batid ko. Ngunit galangin niyo ang Hari dahil may dahilan lahat ng kaniyang batas"
Pinakalma ko na lamang si Mabel bago tumuloy si Ms.v sa kaniyang tinuro.
"Kilala niyo ba ang mga traditionists?"
Nagkatinginan lamang kami ni Mabel sa tanong ni Muse Vivian
"Hindi po namin sila kilala Muse Vivian. At wala pa akong naririnig tungkol sakanila"
Ngumiti siya at naging seryoso sa pagbabasa.
"Sila ang mga nagbibigay batas para sa Germany at royalties"
"Ibig ho bang sabihin nun ay mas nakaka angat sila sa Hari?"
"Hindi Binibini. Sila ang kambal na pamangkin ni Haring Felix na sumakabilang bansa para mangalap ng impormasyon."
Napaisip ako sa kaniyang sinabi
"Marahil kayang ang impormasyon na kinakalap nila ay ang pagkawala ni prinsesa Caily at paglaho ng Apprentice Ni Prinsesa Calliope?"
"Tama ka Hailey. Ito nga ang dahilan ng paglalayag nila Señor Samuel at Señor Silas. Ang kambal na pamangkin ni Haring Felix"
"Kung ganon ay sila ang nagpatupad ng bagong batas na tatlong oras sa trabaho?"
"Sila nga"
Napabuntong ako ng hinga. Akala ko ay Sila Haring Felix lamang ang gumagawa ng mga batas.
"Ipinatupad narin ng mga traditionists ang kawalang pagdiriwang sa Dalawang pangkat na nasasakupan ng Germany."
"Tama ho kayo. Sarado narin lahat ng establishimento sa Village At City, kaya hindi ko magawang ipagamot Ang aking itay"
Galit na sambit ni Mabel.
"Mapangahas ang mga batas na pinatutupad ng traditionists, ngunit hindi ito dahilan upang kamunghian niyo sila"
"Hindi ho ba? Tila makakabuti pa nga yata na ikamatay na ng kanilang mga nasasakupan ang pagsara nila sa lahat ng establishiemento kasama ng hospital"
Hinagod ko ang likuran ni Mabel upang siya'y kumalmang muli.
"Tila nag kakainitan na tayo dito, kung kaya't tatapusin ko na lamang."
"Ipinatupad ng traditionists para sa royalties ang kawalang kalayaan ng mga anak ni Haring Felix. Hindi sila maaaring lumagpas sa linya ng main door ng Enchantress."
Napayuko ako ng makita ang walang pakialam na itsura ni Mabel
"O siya, makinig na lamang kayo sa mga iba pang tradisyon."
"Tungkol sa pagiging Reyna o royalty. Sa paggising saiyo ay hindi ka maaaring lumabas ng iyong silid na walang sumusundo sayo. Bilang isang reyna kailangan mong hintayin ang iyong apprentice na gisingin ka at tawagin sa umagahang salo-salo. Hangga't walang sumusundo sayo hindi ka maaaring lumabas sa iyong silid"
"Ikalawa. Ang tradisyon sa kasuotan, Sa umaga kailangan magsuot ng mga kababaihan ng dilaw na dress maliban sa mga alipin na naging tradisyon ang puting kasuotan. Ang pagsuot ng dilaw sa umaga ay ang pagtanggap ng liwanag sa Enchantress. Sa tanghali. Ipinatupad na tradisyon ni Prinsesa Calliope ang pulang kasuotan. Wala siyang rason ngunit kailangan itong sundin. At sa gabi. Kailangan magsuot ng itim na kasuotan. Ito ang oras para ilabas ang tunay Mong anyo. Tradisyon dito na tuwing gabi ay maaari kang lumabas ng kaharian at lumanghap ng sariwang hangin. Maging ang mga anak ni Haring Felix ay pinapayagan lumabas ngunit sa gabi lamang."
"Tradisyon sa kainan. Hindi maaaring magsalita ng napakarami habang ika'y nakaharap sa royal Family. Maliban na lamang kung tungkol ito sa germania at Enchantress"
"Ang paggalang na tradisyon. Ang mga alipin at armies maging ang mga apprentice narin ay kailangang ilagay ang kanang kamay sa dibdib ay yumuko tuwing makakasalubong ang mga royal family. Ang mga prinsipe naman ay naging tradisyon na ang paghalik sa kamay ng kapwa nila royal na kababaihan. At bilang isang royal na babae. Tradisyon ding humalik sa pisngi ng mga kapwa mong lalaking Royalty."
"At ang pinaka nakakatakot na tradisyon. Ang gabi ng lagim. Nagaganap ito tuwing natatapat ang araw ng labing tatlo sa Biyernes. O friday D 13th. Sa araw na ito magsisimula sa alas sais ng gabi. Legal ang pagpatay at ang mga gawaing krimen"
Napalunok ako at sobrang bilis ng tibok ng aking puso sa kaniyang sinambit
"Hindi maaaring may ganitong klase ng tradisyon"
"Hindi maaari. Ngunit may ganitong tradisyon. Wag kang mag alala isang beses lamang ito sa isang taon. "
"Ang oras na magagamit sa pagpatay ng mga tao ay sapat na upang maubos tayong lahat"
"Paumanhin mga Binibini. Ngunit tila dito na nagtatapos ang tinuturo. Maraming salamat sa pagdalo. Palarin sana kayo at masunod ninyo ang mga batas at tradisyon upang maipasa ang ikatlong paglilitis. Tandaan niyo, dalawang araw nalang at magaganap na ang gabi ng lagim. Adios Señorita's maiwan ko na kayo"
Hindi parin ako makapaniwala sa aking narinig.
"Paumanhin Hailey. Ngunit mauna na ako saiyo"
Tumakbo na rin palabas si Mabel. Marahil ay natakot din siya sa nakakakilabot na tradisyon ng kaharian na ito. Gabing legal ang krimen? Saang lugar kang nakahanap ng ganito. sa hell University ko lang nabasa, ngunit hindi ko alam na maging sa aking kinatatayuan ay legal din ito.
Naglakad na ako palabas ng mabunggo ko ulit siya.
"Paumanhin Mahal Na prinsipe"
Yumuko akong muli ngunit nagulat ako ng kaniyang hawakan ang kamay ko.
"Uhm mahal na prinsipe? Ano ang iyong ginagawa?"
Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagtibok ng puso ko ng sobrang bilis ng makita ko ang pag angat ng kamay ko at pagdampi ng labi ni Prinsipe Asher dito.
"Mahal na prinsipe?"
"Paumanhin aking binibini. Sa aking inasal kanina."
Hawak niya parin ang aking kamay habang nakatitig lamang ako sakanya. Napaka ganda pala ng kaniyang mata at nasisinagan pa ito ng araw. Kulay asul ito na mala dagat at langit.
"Kung iyong hindi masamain, nais kong imbitahan ka na samahan akong kumain ng gabi bukas"
Napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang lakas ng tibok ng aking puso
"Ngunit mahal na prinsipe ayos na iyon at batid kong hindi talaga ako kagusto gusto"
Nagulat ako ng bigla akong maitulak papalapit sakanya at bumagsak kami sa sahig. Nakapatong ako at kitang kita ko ang mala dagat niyang mata.
"Paumanhin señorita, paumanhin mahal na prinsipe"
Agad kaming inalalayan ng alipin na nakabunggo saakin.
"Hindi ka ba marunong tumingin sa iyong dinadaanan?"
Napalitan ng takot ang aking nararamdaman ng makita ang nag iinit na mala dagat na mata ni prinsipe Asher dahil sa galit sa alipin
"Ayos lamang iyon. Magtungo kana sa iyong patutunguhan"
Pagputol ko bago pa man tuluyang magalit si Prinsipe Asher.
"Nasaktan kaba binibini?"
Napakaamo ng mga mata niya ngayon kumpara kanina.
"Ayos lang ako. Mauna na ako mahal na prinsipe"
Sinubukan kong alisin ngunit bigla niyang hinila ang braso ko at bumalik nanaman ang takot ng makita ko ang matalim niyang paningin. Bakit ba siya ganito napaka misteryoso niyang prinsipe kumpara kay Prinsipe Noah na palangiti.
"Sasalo ka saakin gusto mo man o hindi. Utos ko ito kaya mainam na sumunod ka na lamang"
Hinila niya ako palapit sakanya at laking gulat ng aking puso ng maramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking noo.
"Hanggang sa muli Aking Binibini"
Ako ba ay naloloko? Tila ako'y pinaglalaruan ng prinsipe Asher ngunit tama siya, susundin ko na lamang ang kaniyang bawat utos upang malayo ako sa kapahamakan.
Tumakbo na ako pabalik sa aking kwarto dahil palubog nadin ang araw at inaantok na ako. Marami na masyado ang bumabagabag saaking isipan, napaka gulo na neto kaya't mainam na ako'y magpahinga na muna...

Claiming the CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon