Kabanata 18; Pag iwas

18 10 0
                                    

Hailey's pov

Maraming nangyare kahapon. Hindi ko inaasahan na mapangiti ko si Asher ng dahil lang sa ngiti kong nakakabighani. At hindi ko rin inasahan na iiwanan ako ng isa kong kaibigan. At walang pagluluksa ang naganap. Imposible din na hindi sinasadya ang pagkamatay niya. Sino naman kaya ang gumawa neto sakanya?. Narito ako sa hardin ng kaharian at inaayos ang mga halaman. Utos kasi ito na Jane para sa pagdating ng Emily na yun bukas. Hinahalungkat ko lamang ang mga halaman ng..
"Hailey? Pwede ba kitang makausap?"
Isang nanginginig na boses ang gumulat saakin.
"Ah oo naman Faye. Ano ba iyon?"
"Nag aalala lang ako para saatin. Batid mo naman na siguro ang pagkawala ni Dona sa hindi inaasahang oras"
Tumango na lamang ako. Nararamdaman ko ang tunay na takot ni Faye. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang hawakan ang dalawang braso ko ng mahigpit.
"Ang telang ipinaabot ng reyna. Iyon ang tela ng kamatayan. Susunod na ako Hailey"
Kinutuban ako sa kaniyang tinuran at inalis ang kaniyang kamay sa aking braso.
"Ano bang sinasabi mo?"
Natigilan na lamang ako ng makita ko siyang umiyak.
"Wag kanang umiyak. Ano bang ibig mong sabihin?"
"Katulad karin niya! Hindi ka rin makakatulong!"
"S-sinong niya?"
Bakas kay Faye ang takot at galit. Kaya't hindi ko siya masisisi kung magagalit siya saakin dahil hindi ko magawang maniwala sakanya.
"Tulungan mo ako Hailey. Ayoko pang mamatay"
Nagiging totoo ang mga sinasabi niya kasabay ng ihip ng hangin.
"Paumanhin Faye. Papasok na ko sa kaharian"
Dala ng aking takot ay sinubukan kong umalis ngunit hinawakan niya ang aking palad at napaka talim ng kaniyang tingin.
"Wala ka rin palang kwenta"
Napasigaw na lamang ako ng sabunutan niya ako at simulang saktan.
"F-Faye nasasaktan ako"
Patuloy parin niya akong kinakaladkad ngunit isang kamay din ang pumigil sakanya.
"Mahal na reyna?"
Gulat niyang tigil. Hinila ako ni Jane sa kaniyang tabi at nagkatinginan sila ni Faye.
"Bumalik ka sa iyong tungkulin"
Tinapunan ako ng masamang tingin ni Faye. Umalis na Rin siya dahil sa takot kay Jane.
"Nasaktan ka ba?"
Kailan pa hindi naging masakit ang sabunot?
"Uhm hindi naman po kamahalan. Maraming salamat po"
"Walang anuman. Ibigay mo ito kay Noah"
Iniabot niya saakin ang isang sandatang kumikintab pa.
"Masusunod po"
Umalis na ako at bumalik sa kaharian. Nagsikalat muli ang mga alipin na parang walang pumanaw kahapon. Aaminin kong mabigat saakin ang biglaang pagkawala ni Dona. Ngunit tama si Asher. Walang oras para sa aking pagluluksa.
Naabutan ko si Noah sa malawak na balkonahe at nakatanaw lamang sa malayo. Nilapitan ko siya at tila napaka lalim ng kaniyang iniisip.
"Prinsipe Noah?"
"Ah Hailey. Ikaw pala"
Nakangiti parin siya tulad ng dati. Hindi nagbabago ang pakikitungo niya saakin.
"Ipinaabot po ni Jane"
Inabot ko sakanya ang sandata. Gulat na gulat ako ng putulin niya lamang ito. Sadyang napakalakas nga nila ngunit hindi naman ganoon kaganda ang mga katawan nila.
Nakatingin lamang siya saaking na animo'y may gustong sabihin.
"May..."
Napapikit na lamang ako ng yakapin niya ako. Anong nangyayare? Bakit niya ako niyayakap ng ganito kahigpit.
Iminulat ko ang aking mga mata. Naka kapit ang dalawang kamay niya sa aking likuran.
"Patawarin mo ako Hailey"
Kumunot ang aking noo sa kaniyang tinuran. Pinilit kong makaalis sa yakap niya at nagkaharap kami ng mabuti.
"Ano ang iyong hinihingi ng tawad?"
"Si Mabelle.."
Kinutuban ako sa kaniyang sinabi. Ng gabing isinayaw niya si Mabelle. Anong ganap.
"Bakit ho si Mabelle?"
Hinawakan niya ang aking mga kamay. At tinignan ako muli ng seryoso.
"Hindi ko sinasadya ngunit..."
"Ngunit?"
"Nagdadalang tao ang iyong kaibigan"
Napa bitaw ako mula sa aming pagkakahawak
"Iniibig mo si Mabelle?"
"O-oo"
"Ha? Akala ko ba si Jane?"
Gulong gulo na ang utak ko sa mga nangyayare.
"Paumanhin Hailey. Ngunit nangangako akong paninindigan ko si Mabelle. Maaari bang saatin na lamang muna ito?"
Unti unti akong napangiti. Niyakap ko rin siyang pabalik. Taos puso akong nagpapasalamat sapagkat makakahanap na si Mabelle ng Lalaking magmamahal sakanya ng tunay.
"Gracias Noah. Ikaw ng bahala sa aking kaibigan ha?"
"Masusunod binibini"
Napatawa na lamang ako ng hawiin niya ang aking kamay at halikan ito. Sadyang napaka bait niyang ginoo.
"Maiwan na kita Hailey"
Umalis na siya habang nakangiti. Siguro matagal na rin niyang tinatago ang nangyareng iyon. Nung gabi kaya. Ah basta iyon. Gumawa sila ng bata ng gabing isayaw niya si Mabelle. Paalis na ako ng makasalubong ko si Asher na napakasama ng tingin saakin. Nakita niya bang hinalikan ako ni Noah?
Mabilis siyang umiwas ngunit hinabol ko siya.
"Hoy! Yung halik na iyon.. para lang sa.."
"Wala akong pakealam. Hindi mahalaga saakin kung sino ang hahalikan mo"
Aray. Parang tumagos ata sa atay ko ang sinabi niya. Tinalikuran na niya ako at umalis. Niloloko ba ako non? Kahapon lang napaka bait niya sakin. Siya na talaga ata ang pinaka misteryosong lalaking nakilala ko sa buong buhay ko. Pero hindi pwede, hinabol ko siyang muli at nagulat na lamang ako ng isang baging ang sumabit sa aking paa at nabitin akong patiwari.
"Ahhh tulong!"
Sigaw ko habang unti unting humarap si Asher saakin. Mabuti nalang at may sapin ako sa loob ng aking damit. Inilabas niya ang kaniyang sandata at pinutol ang baging. Bumagsak ako sa lupa at nagdugo ang aking ulo sa tindi ng aking pagbabagsak.
"Hindi mo man lang ako sinalo"
Napatakip ako sa aking bibig pagkatapos non. Hindi ko sinadyang sabihin yon na dahilan upang manlaki ang mga mata ni Asher. Nakapagtataka ngunit iniwanan niya lang ako na parang hindi niya ako kaibigan. Sinubukan kong tumakbo kahit nagdurugo ang aking ulo. Nagiging madilim ang aking paningin habang ako'y gumagalaw. Napahawak ako sa aking sugat ng bumagsak ako sa lupa. Nahilo na lamang ako at nawalan ng malay.

Iminulat ko ang aking mga mata sa napaka dilim na silid. Hindi ko batid kung nasaan ako.
"M-may tao ba dito?"
Halos pabulong ko na lamang na tanong dahil sa aking panghihina. Napahawak ako sa aking sugat at tila nagamot na nga ito.
"Masakit paba ang iyong sugat?"
Nang makita ko kung sino siya.. para akong nadurog dahil hindi siya ang inasahan kong makita..
"Maayos na ako, Noah. Wag kanang mag alala"
Biro ko kahit na nasaktan ako. Si Asher ang nasa harapan ko kanina ng ako'y mawalan ng malay. Ngunit si Noah ang tumulong sakin.
"N-nasaan si Asher?"
Nanginginig kong tanong kay Noah.
"Tutulungan ka sana niya kanina ngunit sumama siya kay Miyaku. Kaya naman ng makita kita ay ako na ang gumamot sa sugat mo."
Si Miyaku. Hinayaan niya ako kahit ako ang may kailangan sakanya. Iniwanan niya lamang ako kahit na ikakamatay ko ang mga sandaling iyon. Para kay Miyaku.
"B-bakit ako iniwanan ni Asher"
"Hayaan mo na Hailey. Hindi mo naman maaasahang unahin ka niya kesa sa kaniyang kasintahan"
Natigilan ako sa kaniyang sinabi.
"Kasintahan?"
"Oo. Matagal na silang nagsasama ni Miyaku kaya hindi na ako magtataka kung sila na. Ngunit kailangan niyang itago dahil sa batas uno"
Ibig sabihin ba non. Wala palang saysay ang mga bagay na ginawa naming magkasama. Ako lang pala ang nag akala ng lahat.
"Paumanhin. Magpapahinga muna ako"
"Mas mainam kesa magdaldal ka pa"
Nginitian ko na lamang si Noah at pumikit. Iniiwasan ba ako ni Asher? Nadudurog na ako. Napaka torpe niya, kaya naman kahit na gustong gusto ko siya hindi ko masabi sapagkat natatakot akong baka hindi niya ako gustuhin pabalik...

Claiming the CrownWhere stories live. Discover now