Kabanata 14; Pamumuno

14 10 0
                                    

Hailey's pov

Nagkaroon kami ng salo salo nila Prinsesa Calliope at Prinsipe Asher. Habang si Prinsipe Noah naman ay inalalayan sa pamumuno si Reyna Jane. Abot langit ang ngiti ni Prinsesa Calliope sa hindi mo malamang dahilan habang nakayuko lamang si Asher at tila napaka lalim ng iniisip.
"Masaya akong ikaw ang napiling Apprentice"
Ngumiti ako kapalit ng pagbati saakin ni Prinsesa Calliope. Nagsimula akong sumubo ng prutas ngunit napagtanto kong nakatitig sakin si Asher habang kumakain. Nakatingin lamang ako sakanya.
"Napaka gandang romansa naman ang aking napapanood"
Napayuko ako ng magsalita ang prinsesa at isinubo na muli ang prutas. Naiilang ako sa mga kilos ng prinsipe .
"Narito pala si Miyaku at namasukan siyang alipin"
Naibuga ko ng hindi sinasadya ang aking iniinom ng matapos banggitin iyon ni Prinsesa Calliope. Nakakatindig balahibo. Hindi talaga ako titigilan ni Miyaku? Batid ko namang kaya niya ito ginagawa sapagkat nais niya si Asher. E wala naman akong gusto sa Asher na yan e edi sakanya na.
"Paumanhin mahal na prinsesa ngunit mauna na po ako"
"Mag iingat ka Apprentice"
Inilapat kong muli ang aking palad sa aking dibdib at agad naglakad palayo. Nang matapat ako sa malawak na balkonahe ng kaharian ay nakita ko ang pagsakay ni Reyna Jane sa kalesa kasama ni Apprentice Dona. Nakapagtataka naman at kailangan niya pang lumabas ng kaharian upang mamuno. Napansin kong paakyat narin si Prinsipe Noah kung kaya't tumakbo ako sa pintuan ng kaharian upang salubungin siya. Ngunit napapikit na lamang ako ng maramdam ko ang pagbunggo ng aking katawan sa isa pang malamig na katawan at pagkawalang balanse ng aking mga tuhod. Ang paglapat ng mga kamay sa aking bewang habang ako ay nakapikit ay katulad din ng mga kamay na sumalo saakin ng ako'y pagtangkahan ni Miyaku kung kaya't tiyak ko na siya si..
"Prinsipe Asher?"
"Asher na lang"
Malamig niyang tugon.
"Ano't nagmamadali ka?"
Nakakunot na noo niyang tanong sakin. Napatingin ako sa may pintuan at kakapasok pa lamang ni prinsipe Noah. Napaka Lapastangan naman ng prinsipeng ito upang istorbohin ang aking paghahalungkat.
"Nais ko sanang makausap si Prinsipe Noah"
Nag igting siya ng panga at hinawakan ng mahigpit ang aking kanang braso.
"Bakit mo siya nais kausapin?"
"M-may sasabihin lamang ako"
Ngumisi siya ng nakakaloko at binitawan ang aking braso.
"Napakarami mong lalaki"
Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag alis niya. Ako? Maraming lalaki? Aba ni isa nga walang pumupuso o nabibighani lamang saakin karamihan pa kaya. Hibang na talaga ang prinsipeng iyon. Sinigurado kong nakaalis na siya tsaka ako tumakbo papalapit sa kinatatayuan ni Prinsipe Noah.
"Paumanhin"
Kamalasan nanaman at nabunggo ako sa isang alipin.
"Addison? Mag iingat ka"
Babala ni Prinsipe Noah. Addison talaga? Parang sira.
"Uhm mahal na Prinsipe, Hailey na lamang po"
"O sige. Ngunit tila nagmamadali ka yata?"
Nagpalinga linga ako sa paligid at tiniyak na wala na nga si Asher o kahit sino mang umaaligid saamin.
"Paumanhin ho ngunit bakit kinakailangan pang lumabas ni Jane upang mamuno?"
Nag isip ng sandali ang prinsipe at ngumiti saakin. Mabuti pa siya at ngumingiti.
"Hindi ko rin batid ngunit hayaan mo na't kasama naman niya si Dona"
Tumango na lamang ako ngunit nasa loob ko pa rin ang pagtataka. Napaka misteryoso talaga ng mga tao dito.
"Kasintahan ka ba ng aking kapatid?"
"Ho?"
Gulat na tanong ko kay prinsipe Noah. Hindi ba tama ang pagkakarinig ko?
"Wala. Kalimutan mo na yon. Mauna na ako sayo"
Dahan dahan siyang humakbang at lumingon muli saakin.
"Ingatan mo ang puso mo"
Nakangiting wari niya. Bago tuluyang lumayo sa aming kinatatayuan.
"Ingatan mo ang puso mo pala ha"
Halos mapatalon ako sa gulat ng may magsalita sa aking likuran. Sinasabi ko na nga ba at nandito parin ang presensya niya.
"Nakikinig ka sa usapan namin?"
Manginis inis kong tanong sakanya.
"Paumanhin Apprentice Hailey Addison. Nais ko lamang tunghayan ang inyong pagmamahalan ng aking kapatid. Nakakatawa nga naman na kayo pala ang Romeo at Juliet ng kahariang ito"
Napahawak ako sa aking dibdib ng tumawa siya sa unang pagkakataon ngunit tawa naman ng demonyo.
"Kadiri ka! Hindi ko siya iniibig!"
Pasigaw kong sambit sakanya.
"Hindi iniibig? Ano namang kamangha manghang dahilan upang sabihin niyang ingatan mo ang iyong puso bukod sa pagmamahal?"
Kumunot ang aking noo sa kaniyang reaksyon.
"Nagseselos kaba?"
Pabalang kong tanong sakanya ng bigla siyang matahimik.
"Hindi ako nagseselos a"
Pagtatakip niya sa kaniyang sarili. Napangiti na lamang ako at tiningnan siya mula baba hanggang taas.
"Napaka gwapo mo pala sa tuwing ika'y nagseselos"
"Hindi nga ako nagseselos"
Natigilan ako ng bigla niya akong buhatin pagkatapos ng kaniyang tinuran.
"Ano ba! Ibaba mo nga ako!"
Tumatawa lamang siya habang napipikon na ako. Nakakabighani nga siya tuwing masaya ngunit bakit hindi kaya siya ngumiti at ganito na lamang siya kamisteryoso. Biglang bumagal ang ikot ng mundo ng magkatitigan kami. Dahan dahan niya akong ibinaba habang konektado parin ang mga mata namin na tila nag uusap.
Hinawi niya ang aking kaliwang buhok na ikinalambot ng aking puso at ikangatog ng aking katawan. Nakatitig lamang kami sa isa't isa.
"Akala ko mawawala kana talaga"
Malamig niyang sambit.
"Pero hindi. Nagbalik ako Asher"
"Na hindi mo na dapat ginawa"
Tumaas ang aking isang kilay sa kaniyang sinambit.
"Hindi ka ba natutuwa?"
Pinanghinaan ako ng loob sa aking sariling tanong.
"Hindi. Sapagkat sagabal ka lamang"
Aray. Para akong pinatay. Pagkatapos niya iyon sambitin ay iniwanan niya akong tulala. Hindi ko na talaga siya maintindihan. Kung minsan ay mabait siya at madalas naman ay demonyo siya. Sino ka ba Asher? At bakit ganito ang ginagawa mo saakin. Hinawakan kong muli ang aking dibdib at napapikit ng marinig ko ang tibok nito. Ikaw ang tinitibok nito ngunit tila kailangan ko ng pahintuin sapagkat hindi ako ang nilalaman ng iyo.
Namulat ako sa isang sigawan. Nagtungo muli ako sa malawak na balkonahe at nakita kong nagdurugo ang braso ni Dona at iaakyat na siya sa kaharian. Walang ibang tao dito sa bungad kundi ako kaya't minabuti kong magtago na lamang. Kitang kita ko ang pagdurugo ng braso ni Dona habang ipinapasok at inaalalayan siya ng mga sundalo. Ng mailayo na siya ay minabuti kong sundan siya. Hawak ng aking dalawang kamay ang magkabilang gilid ng aking pulang Gown. Malapit na ako sakanya ngunit napasigaw ako ng mahina ng may biglang humawak sa braso ko habang tumatakbo.
"Mrs. Petunia?"
Nakatapat pala ako sa kaniyang silid at tila inabangan niya ako.
"Mag iingat ka Binibini. Dahil maging itinuturing mong kaibigan ay ang iyong kalaban."
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
Ngumiti siya ng nakakatakot at pinagsaraduhan na ako ng pinto. Huminga na lamang ako ng malalim at tutungo na sana kay Dona ngunit..
"Tigil"
Sigaw ng isang matinis na tinig. Dahan dahan akong humarap at agad na yumuko. Naglakad siyang dahan dahan palayo saakin. May hawak siyang maliit na kahon at tila komadronang naglalakad. Iniahon ko na ang aking ulo matapos siyang makalagpas. Si Jane? Ano naman ang itinatago niya? Anong klaseng misteryo naman ang nagtatago sakanya? At sino ang aking kalaban? Sino ang taksil kong kaibigan..

Claiming the CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon