Kabanata 30; Ikalawang digmaan

9 5 9
                                    

Asher's pov

Dumating na ang takdang panahon para sa aking pagbabagong anyo. Paano kung makalimutan ko kung sino si Caily? Paano kung ang alam ko lang kalaban ko siya. Paano kung masaktan ko siya. Kailangan kong pigilan ang pagiging Vampira, isa lang ang nais kong maligtas ngayon. At yun si Prinsesa Caily, ang babaeng bumihag sakin at ang babaeng patuloy kong ililigtas kahit ano at saan pa kami dalhin ng nagsulat ng aming kwento. Patuloy kong pipiliing iligtas siya kesa sa aking sarili. Handa akong mamatay para sa prinsesang yon..Susugal ako..At pipilitin kong ipanalo..

Hailey's pov

Kasama ko ngayon si Miyaku sa gubat ng mga lobo . Nakahanda na ang telang gagamitin ko. Kaya ko ng maglaho, magpahilom ng sugat at Gamitin ang lakas na inalay sakin ni birheng Malawi..
"Papa, tulungan mo ako"
Taimtim kong saad habang nakatingin sa itaas.
"Kaunting oras nalang Caily..Magiging lobo kana"
Oo..at kaunting oras nalang darating na ang hukbo ng mga Vampira..Kaya pala wala na si Jane..Hindi batid ng mga royalties kung sino ang mga kakalabanin nila maliban kay Asher ngunit sisiguraduhin kong hindi nila madadaplisan ng kahit anong sugat ang pamilya ko..

Napahawak ako sa aking dibdib..Sumasakit na ito maging ang mga sugat ko na ipinagtataka kong ayaw humilom..May kakayahan ang sandata ni Supremo na Paslangin kami..malamang ay may dugo iyon ng isang lobo.

"Maiwan na Kita..Takda na ang panahon Caily.
Magiging kalaban mo na siya.."
Umalis na si Miyaku habang patuloy na sumasakit ang puso ko..
"Caily.."
Lumingon ako sa liwanag na kinaroroonan ni Mrs. Petunia.
"Gamitin mo ang puso mo..Wag ang sinasabi ng iba"
Dahan dahan siyang naglaho pagkatapos banggitin ang mga katagang iyon..

Tumapat saakin ang isang puting liwanag.

"Handa na akong subukin ang lahat!"
Sumigaw ako ng iangat ako ng ilaw..Sobrang sakit ang bumabalot sa katawan ko..Ramdam ko ang init ng aking mga mata at palad..
"Arghhhhhhh!"
Sa tingin ko nawasak ko na lahat ng bato sa sigaw ko..

Inikot ako ng ilaw sa hangin at ibinagsak sa lupa..

"Kakaibang lakas.."
Napakalakas ng kapangyarihang hawak ng kwintas ko at kitang kita ko sa repleksyon sa tubig ang pagiging dilaw ng aking mata..
Isa na akong ganap na lobo..
Ako na nga ang hinirang ng mga lobo..

"Binabati kita Tagapagmana"
Isang malalim na boses ang nagpatibok sa aking puso..Narito na siya.

Nandito na ang kalaban ko. Ang Tunay kong kalaban.
Dinig na dinig ko ang mga hiyawan ng mga sundalo.
Narito narin ang hukbo ng mga Vampira at rebellion.. Nagsama sama sila upang sakupin ang lahi ko..

Humarap ako at nakita ko si Asher na iba na ang asta at Pulang pula ang mata..Isa na siyang Vampira.

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.
Claiming the CrownTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang