Prologue

10.5K 426 213
                                    

'WHO'S THAT GUY?'

Yuna's POV....

nagkaka-sayahan ang buong pamilya namin sa resort na yon sa batangas na dinayo pa namin mula Laguna para idaos ang Family Reunion namin, kompleto ang pamilya ng Mother side ko kasama sila lolo at lola.  Ang iba kong Tiyahin ay nagiihaw ng isda na nasa tabi lang ng inarkila naming kubo, ang mga Tiyuhin ko naman ay umiinom ng alak kasama ang iba kong pinsan at kapatid samantalang kaming mga magpipinsang babae ay nagbi-videoke naman. Summer pa kaya maraming tao sa naturang beach.

Medyo mahal ang beach na yon kahit public dahil maganda ang tanawin, malinis ang dagat at maraming  swimming pool na pagpipilian. Sinagot nang isa kong tiyahin ang bayad doon, sila kase ang medyo nakaka-angat sa buhay, in short ma-pera. Di Tulad namin na maraming magkakapatid at ako pa ang panganay, lima kaming magkakapatid at ako palang ang nagwo-work, Two years course lang ang tinapos ko dahil di kaya ng mga magulang ko na ipagpatuloy kopa ang pagaaral kaya nag decide na akong mag-work para makatulong sa kanila. Lalo na at may maliit pa akong kapatid.

" Te Yuna, " Siniko ako ng pinsang si Mitchiko habang kumakanta ako ng paboritong awitin ni Sarah G.

Lumingon ako sa kanya na may pagtatanong sa mga mata.

May sinabi sya pero diko marinig dahil sa lakas ng videoke namin at ng iba pang videoke na naroon sa resort. Ibinaba ko ang mic na hawak saka bumaling sa kanya.

" Ano yon? " ang tanong ko.

" Kilala mo ba yon? " Ang turo nito sa di kalayuan.

" Sino dyan? "

" Ayun! yung lalaking naka-blue sando, kanina pa kase tingin ng tingin sayo eh."

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ng nakababata kong pinsan, tiningnan ko ang dereksyon ng lalaking sinasabi nyang tingin ng tingin daw sa akin. Naka sando ito na kulay blue at itim na trunk, Sa hitsura ng lalaki ay halatang taga-manila ito, may mga kasama ito sa kubo na pawang mga lalaki din na mahi-hitsura. Hinintay ko na magbaling ang mukha nya sakin pero di iyon nangyari.

" Hindi naman nya ako tinitingnan ah?" Ang sabi kong Patanong kay Mitchiko.

Ang isa naming pinsan na si Lovely ang may hawak na nang mic at kumakanta ng forever blue ni Cacai.

" Kanina kaya nakita ko, tinititigan ka nya. "

" Baka naman sa iba kakatingin, ang daming tao dito no? " Ang sabi ko pa.

" Sabagay baka nga. Imposible ngang ikaw ang tinitingnan nya, di ka naman maganda. " buska nito na may kasama pang tawa kaya nakurot ko sya sa tagiliran.

"Ikaw talaga,"

Ipinagpatuloy na namin ang pagbi-videoke pero patingin-tingin ako sa gawi ng lalaki sa di kalayuan. Curious kase ako kung totoo ba ang sinabi ng pinsan o sa iba ito nakatingin. Sa ilang sulyap ko sa lalaki ay di ko mahuling nakatingin sya sakin, kausap nito ang isang kasamang lalaki at waring may pinaguusapan.

Gwapo ang lalaki, walang duda yon, matangkad ito at mapusyaw na kaligatan ang kulay ng balat, malaki din ang katawan nito at ma-masel ang braso, in short lalaking lalaki na ito. Dahil nakatingin ako sa gawi nila ay nakita kong tumingin sa gawi ko ang kausap nyang lalaki na ikinabigla ko kaya dali dali akong nagbaling ng tingin sa ibang direksyon.

My Goodness! nahuli pa akong nakatingin, baka isipin nila na nagpapapansin ako ah! Ilang minuto ang pinalipas ko bago ako muling tumingin sa gawi ng lalaki, at muntik nang malaglag ang puso ko sa kaba ng magtama ang mga mata namin ng lalaking naka blue sando, as in nagkatitigan kami, tama ang sinabi ni Mitchiko, sa akin sya nakatitig, sure ako na sa akin sya nakatitig dahil nakatitig din ako sa kanya.

My God Ang Gwapo Nya! Pinaka- gwapo sa lahat, suplado type ang mukha pero nakadagdag lang yon sa appeal nya. Ngayon ko lang napansin na nasa kanya ang atensyon ng mga babaeng nasa beach na yon, lahat sila ay gumagawa ng paraan para mapansin ng lalaking nakatitig sa akin.

Kalma Ka Lang Heart!

Noong una, inakala kong napatingin lang sya sa akin ngunit habang tumatagal ay lagi kong nahuhuli ang mata nya na pinagmamasdan ako. Kahit nang magswimming kaming magpipinsan sa pool ay nararamdaman ko parin ang titig nya.

*****

Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S ) Where stories live. Discover now