Chapter - 18

2.6K 310 174
                                    

'MONSTER INSIDE HIM'

Paolo's POV....

Ayaw ko mang maniwala sa sinabi ni Jane about Yuna ay hindi matahimik ang puso ko. Gusto kong malaman ang totoo. Kaya lihim kong pinakabitan ang mga silid ko at opisina ng CCTV. At ganon nalang ang galit ko nang mapagtantong tama si jane, makikita sa camera na tila may hinahanap ang nobya.

Hindi ko matanggap ang nalaman, naglasing ako bago umuwi. Masaya pa akong sinalubong ni Yuna ng gabing yon pero nababalot na ng galit ang dibdib ko. Inangkin ko sya ng marahas, gusto kong makalimutan ang sakit at galit na nagsisimulang bumalot sa sistema ko pero pag tinititigan ko ang mukha ni Yuna, bumibigay ang puso ko. Gustong-gusto ko sana syang komprontahin pero naduwag ako. Paano kung sabihin nya na si Tristan pa rin ang mahal nya?  Hindi ko kakayanin.

Kaya ng sumapit ang anniversary namin ay hindi ko na kayang magpaka-gago, pagod na akong ngumiti sa harap ng nobya at magkunwaring okey lang ang lahat. Sawa na akong ipakitang mabait ako at hindi nagagalit. Ayoko nang sakyan ang mga panloloko nya. Tulad ng pagluluto daw nya ng kaldereta na alam ko naman na si Lutchi ang nagluto. Nung muntik na nyang masira ang contract at blue print ng isa kong customer, pikit-mata ako sa mga kamalian nya. Kahit basagin nya ang lahat ng baso at pinggan sa bahay i still smile and said it's okey to her kahit gusto ko syang pagsabihan na maging maingat sa paghawak ng mga gamit. Ginawa ko ang lahat dahil sa pagibig ko sa kanya. Pero ang hindi ko matatanggap ay ang magpanggap na okey lang kahit ginagago nya ako dahil sa ibang lalaki sa loob ng aking bahay.

You push me to it sweetheart.

" Let's Drink," sinalinan ko ng alak ang wine glass nya . At nakipag cheers sa kanya.

Alam kong nararamdaman nya na may mali. nababakas ang pagkalito sa maamo nyang mukha. And i cursed myself dahil di ko kayang tagalan iyon. Pero mas nananaig sa akin ang matinding selos.

"Para Sa Isang Taon Na Panloloko Mo Sa'kin! " mapait na sabi ko.

Nakita ko ang pagkatigagal nya habang nasa labi ang baso ng alak. Kunot-noo syang tumingin sa akin.

Iniiwas ko ang tingin sa kanya dahil di ko yon kayang salubungin. Ayokong maging mahina pag nakita ang mukha ni Yuna.

" P-Paolo? "

Sumenyas ako sa lalaki para ipakita sa kanya ang cctv sa bahay na sadya kong inilagay. Rumehistro ang takot sa mukha ng babae. Nag-ngalit naman ang bagang ko.

" Miss Na Miss Mo Naba Ang Pamangkin Ko Kaya Determinado Kang Alamin Ang Contact Nya? " Ang malupit na tanong
ko.

"H-Hindi Yon Ganon--"

Pinigil ko syang magsalita. Ayokong makinig sa paliwanag nya. Alam ko makakaisip na naman sya ng palusot. Pero may isa pa akong ebedensya na tiyak hindi na nya maitatanggi.

Muli akong sumenyas para iparinig ang record voice niya.

Mahal ko si Tristan
Nami-miss kona sya
Nasasaktan ako dahil hindi sya nagpaalam bago sya umalis.

Mariin kong ipinikit ang mga mata. Para na namang may patalim na tumarak sa dibdib ko nang marinig iyon.

Tiim ang bagang ako na tumayo at sunod-sunod na tumungga ng alak na dala.

Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S ) Where stories live. Discover now