Chapter - 23

2.7K 302 176
                                    

MRS. VILLANUEVA......




Yuna's PoV....

Naging masaya naman ang simula ng pagsasama namin ni Paolo bilang magasawa. Bagamat hindi na nawala ang pagiging masungit at istrikto niya ay maayos naman na ang trato nya sakin. Nararamdaman ko naman na mahal nya ako at mahal ko rin sya. Unti - unti ay bumabalik na sa dating tamis ang pagsasama namin.

Gaya ng nais ni Paolo ay namalagi lang ako sa bahay. Aalis at darating syang naroon ako.. Nakakagala din naman ako pero kasama lagi si Mang Abner. Madalas kong imbitahang mag swimming sa bahay ang mga pamangkin nya para di ako mainip. Si margarette naman ay civil parin ang pakikitungo sakin pero medyo kinakausap na nya ako ng ayos mula ng ikasal kami ng uncle nya.

Dahil hindi ako marunong lumangoy ay nagpaturo ako kina Harry at Xander. Sila kase ang magaling sa bagay na yon.

" hindi ko talaga kaya! " bigo kong sabi sa mga ito. Tinawanan lang ako nila Mona. Pano ba naman lahat sila marunong lumangoy samantalang nasa gilid lang ako ng pool lage.

" try mo ulit ate Yuna, madali lang.! " nakatawang muli akong dinala sa gitna nila Xander.

" yoko na" tili ko sa takot na baka malunod ako. Pag kase wala ng malapatan ang paa ko sa paglangoy ay natatakot na ako. Napayakap tuloy ako sa dalawang binatilyo. Tawa naman ng tawa ang mga girls.

Sakto namang dumungaw sa bintana ng silid si Paolo at kumunot ang noo nito pagkakita sa ginagawang pagtuturo sakin ng paglangoy ng mga pamangkin niya.

Nagtaka pa ako isang araw ng bigla ay sabihin nyang tuturuan nya akong lumangoy .kahit nagtataka ay masaya akong nagpalit ng isang two piece swim suit. Gabi naman kaya yon ang isinuot ko .isa pa asawa ko naman ang kasama ko sa pool.

Masaya akong nagpaturo ng tamang paglangoy sa asawa pero dahil nagpa-panic ay hindi ko magamay ang tamang stroke ng paglangoy.

" next time na magpapaturo ka ulit, sa akin na, hindi mona kailangan magpaturo kina Xander" sabi nito pagka ahon namin sa pool .nagtutuyo na ako ng buhok non.

" ha? " naguguluhan kong reaksyon.

" i said sa akin ka lang pwedeng magpaturo ng paglangoy, ayokong may ibang lalaking hahawak sayo, naiintindihan mo ba.? "

Nabigla naman ako ng maintindihan ang sinasabi ng asawa.

" what? Mga pamangkin mo naman yon," sabi ko.

" kahit na, mga lalaki pa rin sila " ismid nito.

" my goodness, dont tell me pati sila pagseselosan mo, ang babata pa nila "

" hindi na bata ang mga yon, 19 years old na ang mga yon"

Napailing nalang ako sa sobrang seloso ng asawang pinakasalan.
Minsan gusto ko nang isipin na may pagka possesive si Paolo sa lahat ng bagay pati sa akin.

Mula nga non ay hindi na ako ngpaturo kina Xander. Naging busy sa trabaho si Paolo ng mga sumunod na araw. Umagang umaga pa ay nakaalis na ito at hating gabi na lagi kung umuwi. Para di mainip ay naisip kong pakialaman ang garden sa tabi ng bahay. Mahilig ako sa bulaklak kaya inayos ko ang mga naroong tanim... Pinuri naman ako ng mga maids dahil magaling daw ako sa gardening.

" maam pwede kayong magtayo ng flower shop. Ang galing nyong magalaga ng halaman" sabi ng isa sa mga maid.

Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon