Chapter - 07

3K 330 208
                                    

12 LIQUOR AND HIS KISSES.....


Yuna 's POV....

Tahimik na ang buong mansyon ni Paolo Villanueva, nakaalis na ang mga bisita .pero naroon pa rin ako sa gilid ng pool at tahimik na umiiyak.lasing na lasing na rin ako dahil inubos ko ang mga natirang beer don. Habang tumutugtog ang isang love song sa Cp ko. Parang naaalala ko lalo si Tristan sa kantang yon. bakit nga ba hindi nalang kami?

Hindi ko alam kung bakit maagang tinapos ni Paolo Villanueva ang pool party pero nagpapasalamat na rin ako dahil kung nagpatuloy pa yun baka nakita pa ng lahat ang pagaatungal ko.

Magbabayad ang Jane na yon, magbi - break din sila. Muli kong tinungga ang bote ng beer. Ubos na pala yon.pero gusto ko pang magpakalasing para makalimutan ko ang lahat ng sakit kahit saglit,Paika- ika akong pumasok ng bahay, tinunton ng hubad kong mga paa ang lagayan ng mga mamahaling alak ni Paolo Villanueva. Pinalis ko ang luha sa pisngi ko saka lumapit sa may snack bar ng bahay na yon.

Hilong hilo man ay nagawa ko pa ring sumampa sa may counter para abutin ang isang alak na may kakaibang pangalan.

Whatever, kahit anong alak pa ito basta malasing ako.

Wala akong pakialam kung magalit man ang Paolo Villanueva na yon sa pakikialam ko sa alak nya. Alak ang nagtulak sakin na magkalakas ng loob na makialam sa bahay na yon. Naupo ako nang nakadekwatro sa counter habang binubuksan ang alak. Naka swim suit pa rin ako ng mga sandaling yon...Masyadong matapang ang alak na nabuksan ko.

I don't like it.

Tumayo ulit ako at kumuha ng ibang alak.Binuksan yon pero di ko ulit gusto. Pang apat na ang alak na nabuksan ko ng makita ako ng may ari ng bahay.

" what are you doing? " tanong ni Paolo Villanueva habang nakatingin sa mga bukas na alak na tinikman ko na basta ko nalang ibinalandra sa tabi ng counter na inuupuan ko.

" walaa nha kashing beer hikk--, ito naman ang phapangit ng lasha" lasing na turo ko sa mga alak.pasuray-suray na ang pagsasalita ko. Siguro kung nasa matino akong pagiisip at di lasing baka magtago na ako sa ilalim ng kama sa sobrang hiya at takot sa lalaki. Pero ng mga sandaling yon nararamdaman kong walang dapat ikatakot dito.

Walang suot na pangitaas ang lalaki kaya kita ko ang balbon niyang dibdib. Naka pajama sya sa ibaba. Alak din ba ang nagsasabi sa utak ko na napaka - hot nitong tingnan sa ayos na iyon.

" hindi mo kaya yan mga alak na nandyan, kaya tumigil ka na sa kaiinom, wala na rin beer sa fridge dahil inubos mona kanina"
Sabi ng lalaki na nakahalukipkip.ewan ko ba pero nainis ako bigla ng walang rason dala ng pagkalango. Nangangati ang kamay kong magwala .

" gustho ko pha ngang uminom eh," may pagpadyak pa ako ng paa na nakalawit sa counter katapat ng pinaglalagyan ng alak.
Akala ko ay sisigawan ako ng lalaki dahil sa inasal ko sa sarili nyang bahay pero mahinahon ang pagsasalita nya.

" okey, okey,,... Mamili ka nalang ng alak dyan, i'll get you a robe"

Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S ) Where stories live. Discover now