Chapter - 10

3K 329 200
                                    

TRY TO LOVE ME...

Yuna's POv.....

Dalawang buwan ang matuling lumipas, mula ng umalis si Tristan, nawala sya ng tuluyan sa buhay ko dahil nagdeactivate ito ng fb at ig account. Maging si Mona na lagi kong ka chat ay di alam ang bagong account ng lalaki. Bakit parang umiiwas na sya samin, maging si Jane ay alam kong walang balita sa kanya dahil nagtatanong ito ng palihim sa pinsang si Norman kung may contact daw ba kami ni Tristan. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.

" nagtataka na talaga ako sa pagkawala ni Sir Tristan eh, parang no trace na talaga sya eh" sabi ni Vanessa. Naglalakad na kami pauwi.

" ako man naguguluhan, pakiramdam ko sinasadya nyang umiwas satin eh"

" eh bakit naman? Kala koba kaibigan nya tayo? "

Kibit balikat lang ang naisagot ko. Nami-miss ko na ang lalaki, kailan kaya ako masasanay na wala sya?.

Nang makrating sa boarding house ay nakita ko ang kotse ni Paolo Villanueva na naka park sa tapat ng bahay namin. At nakasandal don ang binatang naka maong pants at tshirt na gray ,adidas ang sapatos nito na kulay itim. May hawak itong malaking bouquet ng red roses.ngumiti sya pagkakita sakin. Napansin ko ang ilang kababaihan sa apartment na katabi ng samin na halos humaba ang leeg pagtingin sa lalaki. Paano ba naman sobrang gwapo ni Paolo ,

Two months na akong kinukulit ng lalaki, lagi itong nasa bahay at kung ano ano ang ibinibigay. Ka-close na rin ito ng mga pinsan ko. Oo nililigawan ako ng tiyuhin ng lalaking gusto ko, kahit alam naman nya kung sino ang mahal ko.

" let me court you, wag mo akong pigilan dahil kahit sarili ko hindi ko na kilala mula ng mahalin kita" sabi nya sakin non.

Hindi sana mahirap mahalin ang lalaki kung wala lang akong ibang iniibig.

" Yuna please try to love me? Or magpanggap kang mahal aKo habang hinihintay mo ang pamangkin ko. " sabi ni Paolo minsang naguusap kami sa sala ng bahay na inuupahan namin.

" ano bang pinagsasabi mo, ano magpapakababa ka ng ganon, at isa pa hindi ako nanggagamit ng tao para sa kapakanan ko"

" i just want to be in your life. " sabi nito.

"Pero hindi sa ganoong paraan"

" i know you will love me back, you just realize that in time.. "

" si Tristan ang mahal ko, hindi ikaw, paano mo nasabi na magugustuhan din kita? "

" i know and im sure of that, dahil hindi ako titigil hanggat di mo ako minamahal" tila siguradong sabi nito.

Bigla akong natakot sa sinabi nya. Paano kung main- love nga ako sa kanya at makalimutan si Tristan? Hindi pwede.

Pero Nasanay din ako sa presensya ni Paolo. lagi kaming lumalabas at namamasyal. Nung una napipilitan lang ako pero habang tumatagal ay nage-enjoy na akong kasama sya. Dinala nya ako sa ibat ibang sikat na kainan dahil alam nyang mahilig akong lumapang. Minsan pinagsha-shoppong nya ako tapos nanonood kami ng movies sa bahay nya. May sarili kasing movie room ang binata. Naging madalas ang pagpunta ko sa kanya at diko namamalayang nasasanay na ako na wala si Tristan.

Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S ) Where stories live. Discover now