Chapter - 29

2.6K 300 172
                                    

PRISONER WIFE.....


Yuna's POV.....

Mabilis akong tumayo sa sofang kinauupuan nang pumasok ng silid si Paolo. Agad akong lumapit sa kanya at galit na hinarap sya.

"Bakit kayo nagkita ni Tristan?, anong ginawa mo sa kanya? " i ask.

"I cant believe na may komunikasyon na pala kayo ngayon" tiim ang bagang na sabi nito. Agad ko namang pinabulaanan ang sinabi nya.

" hindi kami naguusap,itinanong ko lang kay Lutchi kung saan ka pumunta. Alam kong kinausap mo si Tristan" sabi ko.

"Hmmm, okey" aniya saka nagtangkang pumasok ng cr pagkakuha ng towel.

Agad naman akong lumapit sa pinto para pihitin yon pero nabatid kong naka lock parin yon. Galit na galit ko syang kinatok sa cr.

"Paolo, bakit kailangan mo akong ikulong dito? "Asik ko ng buksan nya ang pinto ng cr. Iniwasan kong tumingin sa hubad nyang dibdib.

"I just need to make sure na hindi ka makakaalis ng bahay na to"

"Pero hindi tama na ikulong mo ako dito"

"Ginagawa ko lang ang sa tingin ko ay dapat kong gawin" saka matiim na tumitig sa mga mata ko.

"Ano? Ang ikulong ako? Huhh" inis na pakli ko.

"Makakalabas ka lang dito kung ipapangako mo sakin na hindi ka aalis" maliligo na ako.. Kung wala ka ng sasabihin" aniya saka ko na realize na nakaharang pa pala ang katawan ko sa pinto ng cr.

Inis na napabuntong hininga ako. Nakahalukipkip akong nagisip habang nakaupo sa kama.

Nang sumapit ang hapunan ay di ko parin kinain ang dalang pagkain ni Lutchi. Expected ko na susugod don si Paolo .

"Nagpapakamatay kaba?, you need to eat sweetheart" sabi sakin ni Paolo na may kalakip na panunuyo.

"Paolo hindi mo ako dapat kinukulong dito, irespeto mo naman ang desisyon ko. " galit kong sabi habang nakahalukipkip.

"I already told you Yuna, dito ka lang sa bahay. Hindi ko gusto ang ikulong ka sa kwartong ito pero kung yon lang ang paraan para dika umalis ay gagawin ko"

"Pwes hayaan mo nalang akong mamatay sa gutom" asik ko saka tinalikuran sya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ng asawa. Pero diko na sya hinarap pa. Kahit kumukulo ang tiyan ko sa gutom ay handa ko yong tiisin.

"Okey fine, you eat and then tomorrow you can leave this house" pagkuway sabi nito na ikinagulat ko.

"Talaga? "

"Yes, kumain kana "

Natuwa ako sa sinabi ng asawa. Sa wakas ay makakaalis na ako. Makakapagisip na rin ako ng maayos.. Balak kong magbakasyon sa cagayan sa pinsan ko don. Makakawala rin ako sa mata ni Paolo.

Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S ) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant