Chapter - 28

2.7K 300 176
                                    

I CAN'T LET YOU GO......

Paolo's POV.....

One week din akong nagtagal sa Japan kaya lubos ang pananabik kong makita si Yuna. Pagkagaling sa airport ay agad akong tumuloy sa bahay. Excited akong makita ang asawa at sabihin ang plano ko. Balak ko kase na magpahinga muna sa kompanya at magbaksyon muli kasama ang kabiyak. Its time para planuhin na namin ni Yuna ang pagkakaroon ng anak. Nasa tamang edad na sya para maging ina.

Balak ko din kausapin ang pamangking si Tristan para ipaliwanag sa kanya ang lahat, i understand him, alam kong nabigla sya sa nalaman about samin ni Yuna pero asawa kona ito at kailangan nyang igalang yon.

Pagdating sa bahay ay madali akong umakyat sa aming silid. Sopresa ang aking pagdating dahil sinadya kong hindi ipaalam kay Yuna ang araw nang pagbabalik ko ng pilipinas.

Pagbukas ko ng pinto ay dagling nawala ang ngiti sa aking mga labi nang makita ang asawa na nakatayo sa harap ng bintana habang hawak ang picture frame. Nangunot ang noo ko lalo na pagkakita sa dalawang maleta na nasa gilid ng kama.

"S-sweetheart, im back! " nagaalangan sabi ko at mabilis na lumapit sa kanya. Pero nabaling lang ang mukha ko sa sampal na iginawad nya.

"What the fuck? " gulat na sabi ko saka dinama ang pisnging nasaktan. Nagtaka ako sa galit na lumarawan sa mukha ng asawa. Then i feel the fear.... May nangyari habang wala ako.

" totoo pala na matagal mona akong kilala? Sa beach resort mo ako unang nakita sabi ni Brix" sabi ni Yuna. Saka ipinakita sakin ng larawan nya.

"Yeah that's true, so what? Kailangan pa bang sampalin mo ako dahil lang dyan? " i said angrily.

"Kaya ba ginawa mo ang lahat para makalapit sakin? "

I stared at her at nakita ko ang poot sa mga mata nya. Nanlaki ang mga mata ko ..alam na ni yuna ang lahat. Kaya sya nagkakaganon.

" kaya ba pinilit mong paalisin si Tristan para magkalayo kami?" Muling tanong nya nang hindi ako nakaimik.

"S-sweetheart...i just---" i tried to hug her pero umiwas sya. Saka iniabot sakin ang folder ng titulo ng bahay nila Tristan .

" alam kona lahat ,ginamit mo yan para mapasunod si Tristan sa lahat ng gusto mo... Para ano? Para sa sarili mong interes?" nagsimulang pumatak ang luha sa kanyang pisngi.

"I can explain everything! " mariin na sabi ko pero umiling ang asawa.

" hindi mona kailangang mag-explain. " garalgal ang boses na sabi nya. " paano mo ako nagawang lokohin? Pinaikot mo ako. Pati sulat ni Tristan hinarang mo.. Akala ko nagseselos ka lang sa kanya yun pala marami kang lihim na itinatago samin.. Sakin! "

"Yuna,..ginawa ko lang yon dahil sa pagmamahal ko sayo!"

" hindi yon pagmamahal" sigaw nyang patuloy na umiiyak. " its your selfishness.. Kase sanay kang nakukuha ang kahit anong gusto mo.. Pero hindi ako bagay na pwede mong bilhin ng pera mo"

Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S ) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang