Chapter - 20

2.7K 300 175
                                    

ME VS.  JANE..........



Yuna's POV.......

Tuluyan ngang nanirahan sa mansyon si Jane, nagkaroon tuloy ng 3rd world war sa bahay .twing magkakasalubong kami ay di nawawala ang matatalim naming irap sa isat-isa at may mga pasaring pa.

Wala akong magawa kundi tiisin ang presensya ng babae. Lalo na at alam kong hindi ko naman mababago ang desisyon ni Paolo.

" dumating na pala ang mahal na prinsesa."

Minsan salubong sakin ni Jane pagkababa ko ng kotse na minaneho ni Mang Abner. Galing kaming MOA nila Mona at naisip kong bumili ng mga bagong damit at bag gamit ang ATM card ni Paolo.

"Ano namang problema mo? " taas ang kilay na tanong ko.

Nahuli kong nakatingin sya sa mga paper bag na pinamili ko

" mukang naglustay kana naman ng pera ni Paolo, kapal talaga ng mukha mo! " sabi ni Jane.

"So? Ano naman sayo?"  irap ko at saka nilampasan ito.

Pero sadyang naghahanap ng away ang babae. Hinarangan nya ako para pigilin sa tangkang pagakyat sa taas.. Napapikit ako sa pagpipigil ng inis.

" gold digger! ,yan ba ang dahilan kaya kahit di kana pinapansin ni Paolo nagsusumiksik ka pa rin sa buhay nya para sa mga material na makukuha mo"

" anong sabi mo? " umakyat yata sa ulo ang galit ko sa narinig.

"Alin don?  Yun gold digger?  Eh totoo naman diba ----------"

Galit na ibinalibag ko sa kanya ng mga paper bag na  pinaglalagyan ng mga pinamili ko, hindi kona napigilan ang sarili ko dahil sa galit, Nagtaka pa ako nang hindi manlang sya kumilos para sanggahin ang pagtatapon ko sa kanya ng mga ito.

" oh ayan, sayo na bruha ka, inggitera!  " galit na sabi ko. Nagkanda sira ang paper bag sa ginawa ko.

" what the hell is happening here? "

Napatingin ako sa hagdan at nakita ang galit na si Paolo habang pinagmamasdan ang ginawa ko. Kaya naman pala pa-victim ang bruha.

" sumusobra kana Yuna, " biglang umiyak si Jane at nagtatakbo payakap sa lalaki. What? Napalitan ng kunwari'y takot ang kanina ay galit na mukha nito.
" hindi mo na kailangang ipagyabang sakin ang mga pinamili mo, alam mong wala akong pera para makabili ng ganya. Bakit idinidiin ko pa na mahirap lang ako? " pagsisinungaling nito. Gusto ko syang palakpakan sa galing nyang umarte.

" arte mo! " asik ko .

" sinabi mo yon?  " galit na baling sakin ng binata.

" hindi, nagiinarte lang yan.. " sabi ko sa binata.

" wag ka ngang sinungaling " sabi sakin ni Jane saka bumaling kay Paolo , " Paolo hindi ko na kaya ang pangaapi sakin ng babaeng yan. Sobra na sya! " may luha sa pisnging hinigpitan pa ni Jane ang pagyakap sa binata na lalo kong ikinagalit.

Inis na hinila ko sya palayo sa nobyo dahil sa selos.wala itong karapatang yakapin ang lalaki.

" ano ba? " piksi ni Jane.

Samantalang hinawakan ako sa kamay ni Paolo at madilim ang mukhang kinaladkad ako papunta sa itaas. Nagulat ako ng sa kwarto nya ako dalhin. Malakas nya akong itinulak sa ibabaw ng kama.

Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S ) Where stories live. Discover now