Chapter - 08

3K 333 220
                                    

THE NEXT TIME YOU CRY......



Yuna's POV....

Hiyang- hiya ako kinabukasan ng umaga pagkakita sa mga alak na binuksan ko at binasag .todo hingi ako ng sorry sa mga maid don.

" okey na nalinis na namin, ang problema lang kung anong gagawin ni Sir, alam mo ba na pinaka mamahaling alak yun mga binuksan mo galing pa sa ibang bansa. " sabi sakin ng katulong na si Lutchi.

Napakagat labi naman ako s narinig sabay aray, namamaga nga pala ang labi ko sa nangyaring halikan kagabi sa pagitan namin ni Paolo Villanueva.

" lasing na lasing ka kagabi, inaakit kita paakyat para matulog pero ayaw mopa eh, anong oras ka umakyat sa kwarto? " tanong ni Criselda. Walang kamalay-malay sa nangyari.

" diko na alam kung anong oras yun eh" iwas ko .mabuti nalang at una kaming nagising dalawa, kahit masakit ang ulo ko sa alak kagabi.

" ano nang gagawin natin, baka magalit ang tito ni Sir Tristan sayo" nagaalalang sabi ni Criselda .

" bayaran ko nalang siguro"

"Ha? Pano? E baka nga kulang pa ang sahod natin dalawa sa presyo ng mga alak na yan. "

Napabuntong hininga nalang ako. Nakita namin sila Jane ar Tristan na pababa ng hagdan. Nakaramdam na naman ako ng kirot ,di namin kasamang matulog sa kwarto si Jane, ibig bang sabihin non magkatabi sila.

"Anong nangyari? " Tanong ni Tristan pagkakita sa nga bote ng alak na nasa baba.
.

Ikinuwento naman ng katulong na si Lutchi ang ginawa ko. Nagtaka pa kami ng tumawa ng malakas si Tristan sa nalaman.

" ilang taong inipon ni Uncle ang mga alak na to,ni hindi nya yan pinapatikman kina daddy tapos ganito ginawa mo hahahaah" anang lalaki.

" buti di ka pinalayas non kagabi" sabi naman ni Jane.

" oh sya kumain na tayo at babyahe pa kayo pa cavite. " si Tristan. " Lutchi tawagin mona si Uncle at kakain na"

Agad naman sumunod ang katulong, nauna na palang umuwi kagabi si Jun dahil malapit lang ang bahay ng ate nito don.

Kinabahan ako pagkarinig sa yabag ng paa ni Paolo Villanueva, di ko malaman kung saan ibabaling ang tingin ko ,.pero kahit anong pagiwas alam kong baliwala na dahil nagtama na ang aming mga mata ng maupo sya sa tapat ng upuan ko..

Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon