Chapter - 02

3.7K 347 223
                                    

TRISTAN'S FAMILY....


Yuna's POV....

" Nakasimangot ka dyan? "

Nilapitan ako ni Vanessa sa table ko sa production.

"Hindi naman, "

" anong hindi? Ayan at ang haba ng nguso mo, nung problema? " pangungulit niya.

Kilalang -kilala talaga ako ng bestie ko. Pero nahihiya akong magkwento sa kanya about Tristan. Ewan koba pero wala akong kapal ng mukhang magkwento, kase naman pareho kaming lapitin ng boys kahit san kami magpunta. Tapos heto ako assuming sa isang lalaki. Hmmmp pero di naman basta lalaki si Tristan eh,. I love him.. Iba sya sa lahat. Iba ang kagwapuhan nya, iba ang dating nya sa puso ko.

" wala akong problema, may iniisip lang ako! " sagot ko sa kaibigan.

" hmm ano naman yon? "

" wala, saka kona ikwekwento pag okey na. "

" sure ka ha, baka kung ano na yan bestie! "

" hindi, wala to"

Medyo down pa rin ako makalipas ng araw, sumigla lang muli ang araw ko ng sumapit ang sabado. Dala na namin ang gamit na dadalhin kina Tristan. Ang sabi nya ay sa Isang subdivision sa makati sila nakatira. Maynila na rin ..

Alas singko ng hapon, magkakasabay kami nila Tristan, Criselda, Norman, Jun ,Jane Vanessa at Lenard na nagbyahe .magkatabi kami sa buss ni Vanessa, sila Norman naman at Criselda ang magkatabi sa tapat namin. Sa unahan ng upuan naman sila Jun at Lenard, samantalang si Tristan ay si Jane ang katabi sa unahang upuan nila Criselda.

Hmmm ako dapat don eh nahihiya lang ako kay bestie na di sya tabihan. Sabagay mabait naman si Jane at ang alam ko eh may Boyfriend na ito sa probinsya nila. Maganda din si Jane. Minsan ko na rin itong nakalaban sa pagka muse ng company pageant. Marami din nagkakagusto dito. Yun nga lang masyadong tahimik ang babae. Pinsan ito ni Norman na ka-close namin kaya naging barkada na rin namin si jane.

Gabi na nang makarating kami ng Makati. Traffic kase..

Pagkababa namin ng buss ay isang itim na van ang tumigil sa tapat namin. Ang ganda ng sasakyan.

" let's go guys". Si Tristan.

Wow may pasundo pa kami...

Sa tabi ng driver umupo si Tristan, kami naman tatlong babae sa pangalawa at sa likod na ang mga boys.

" andon na po ba si Mommy sa bahay? " tanong ni Tristan sa lalaki na driver pala ng pamilya.

May family driver?

" wala pa po señorito, si sir Paolo palang ang nasa bahay kasama ng mga bata"

Señorito? Lihim kaming nagpapalitan ng mga makahulugang tingin nila Vanessa at Criselda, si Jane naman ay tila balewala lang ang narinig.

Ilang saglit pa ay isang subdivision ang pinasok nang sinasakyan namin. Tsineck pa kami ng guard bago pumasok ng makilala nila si Tristan.

Wow, mukhang makikilala kona ang buong pagkatao ni Tristna ngayon.

Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S ) Where stories live. Discover now