Chapter - 24

2.7K 307 180
                                    

HE'S NOT THAT BAD......


Yuna's POV....

Nalungkot ako ng tuluyang palayasin ni Paolo si Mang Abner. Umiyak ako habang nakatingin sa pagalis ng matanda na napalapit narin sa akin.. Kasalanan ko ang nangyari, hindi ko akalain na ganoong kalupit ang asawa. Hindi ba nya naisip na matanda na ang lalaki at baka hindi na ito tanggapin sa ibang trabaho.

Sabi ni Lutchi halos sampung taon din ang tinagal nito sa pagtatrabaho sa mansyon. Hindi manlang binigyan ng chance ng lalaki si Mang Abner. Ganoon ba kasama ang napangasawa ko?

Matamlay tuloy ako habang naghahapunan. Tahimik ako habang kumakain, wala akong gana dahil sa nangyari kay Mang Abner.

"Bukas darating ang bago mong driver, kapalit ni Mang Abner! " sabi ni Paolo sa pamamagitan ng pag-nguya. Umismid lang ako sa lalaki.

Hanggang nasa kama na kami at natutulog ay di ko parin sya iniimikan. Patalikod akong humiga sa kanya.

"Kahit anong tampo ang gawin mo hindi na babalik si Mang Abner dito kaya wag mo kong simulan" sabi nito na ikinabalikwas ko.

" ganyan kaba talaga? Wala kang awa sa matanda., sinabi kona sayo na ako ang nagpilit sa kanya pero pinalayas mo parin sya" asik ko.

"I need to do that to put some sense in your head " turo pa nito sa ulo ko.

"Walang nangyaring masama kaya hindi na dapat umabot don ang nangyari" sabi ko.

" paano kung meron? Paano kung nawala ka sakin sa aksidenteng yon? Dahil hinayaan ka nyang mag drive magisa? "

Inis nalang akong napapikit. Hindi na ako muling nagsalita pa at tumalikod na ulit hanggang makatulog ako.

Kinabukasan dumating ang bagong driver, halos kaedaran lang ito ni Paolo, Samson ang pangalan ng driver-bodyguard na itinalaga ng asawa. Mukang hindi uubra sa bagong driver ang tigas ng ulo ko.

Dahil sa guilt ko sa pagkakatanggal kay Mang Abner ay nagpasya akong puntahan ang matanda. Hinanap ko ang adress nito sa opisina ni Paolo sa bahay... Balak kong puntahan ang lalaki para kausapin at pormal na humingi ng tawad.

Sa paghahanap ko ng adress ni Mang Abner ay Iba ang nakita ng aking mata.

TRISTAN VILLANUEVA.

Nanlaki ang mata ko pagkakita sa nakasulat sa folder na dilaw. Malakas ang kabog ng dibdib ko nang buksan ko ang folder .nangunot ang noo ko nang makita ang isang titulo ng lupa at bahay. Alam kong sa pilipinas yon. Tila titulo yon ng bahay na kinatatayuan nila. Bakit nakapangalan kay Tristan at bakit na kay Paolo iyon?

Sa huling page ay nakasulat don ang adress ng binata sa canada saka ang contact number nito .

Tristan! Malakas ang kaba ko sa dibdib. Ito ang hinahanap ni Jane, nasa kamay ko na ang info ni Tristan sa ibang bansa. Kinapa ko ang dibdib.. Pinakiramdaman ko ang sarili... Bukod sa kaba ay wala na akong ibang nararamdaman.kaba na baka may natitira pa akong damdamin sa kanya.

Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S ) Where stories live. Discover now