Chapter - 13

2.8K 326 198
                                    

SPOILED GIRLFRIEND......





Yuna's POV....

.

Pagkatapos ng nangyari sa movie room ay iniwasan kong mapunta muli don ang sitwasyon. Agad kong pinipigilan si Paolo kapag nalalim ang halik nya. Though i admit na sobrang hirap gawin yun lalo nat gusto ko rin naman. Matakaw pa naman sa halik ang binata.

Walang nabago sa relasyon namin, pero malaki ang nabago sa feelings ko.. Mahal kona si Paolo, although mahal ko pa rin si Tristan, hindi ko alam kung kelan ko mabibigay ng buo ang pagmamahal ko sa boyfriend.

" ano to? " tanong ko nang may iabot sya saking itim na card

" you can use my card, bilhin mo lahat ng kailangan mo" sabi nya.
Napatingin ako sa iniabot nya.

" ano naman bibilhin ko? " tanong ko sa kanya kahit ang totoo ay nakapila na agad sa utak ko ang mga bag at damit na gusto kong bilhin.

"Anything. I can give you everything Yuna, just to make you happy,, mag shopping ka ng mga gusto mo, magiging busy ako sa mga susunod na araw. Baka madalang tayong magkita. "

Ayun naman pala, suhol naman pala yun.

Ikinainis ko ang mga sumunod na araw. Totoo nga ang sinabi ng lalaki na busy sya dahil halos isang buwan na kaming di nagkikita. Pag pumupunta naman ako sa bahay nya ay hating gabi na sya nakakauwi at maagang naalis. Hindi ko napaghandaan yon. Nakalimutan kong maraming work ang nobyo at busy din to sa kompanya nya. Nasanay akong lagi kaming magkasama, na nakalaan ang oras nya sakin.

Oo nga at lagi kaming magkausap sa VC or chat pero iba pa rin sa personal.

My God, in love na talaga ako sa kanya

Dati hindi ko pa to naramdaman kay Tristan, yun parang mababaliw pag hindi nakikita ang lalaki. Parang gusto kong ihagis lahat ng bagay na naroon sa kwarto ko.

" are you freak?, nagpaalam naman sya sayo na busy sya sa work ah" sabi ni Vanessa. Isinama ko sya sa sm dasma para lustayin ang pera ng lalaking yon. Naiinis kase ako kay Paolo. Madalang na nga kaming magkita pati chat nya dumalang na rin. Minsan nakakatulugan pa nya ako sa telepono.

" mamili sya, ako o yan trabaho nya? " sabi ko, nasa department store kami at natingin ng mga damit.

"Naks, ganda mo te, anong klaseng pamimili yon, hoy wag ka ngang isip bata" sabi ng kaibigan pero sinimangutan ko lang sya. " ngayon hindi na ako matatakot para sayo kase confirm na, in love kana talaga sa kanya. "

Kumuha ako ng kumuha ng gusto ko at inilagay sa basket. Naiinis pa rin ako. Ang hirap palang main love lalo na pag magkalayo kayo.

" bestie, ang dami nitong dala natin, sigurado kaba na may laman yan card na yan? "Bulong ni Vanessa.

Napatingin ako sa hawak na card. Nakapila na kase kami sa counter. Ngayon ko lang gagamitin ang card na bigay ng nobyo. Ginamit ko para mawala ang inis ko sa kanya.

" siguro naman meron no, bakit naman ako lolokohin non"

"Naniniguro lang, daming tao no, ayokong mapahiya. "

Yun lang kase ang dala ko, wala kaming pera dahil mababa ang sahod namin, lagi kase kaming no work.

Nakahinga kami ng maluwag ng nakangiting ibinalik samin ng cashier ang card nagulat pa ako sa total ng pinamili namin. 15k plus na yun?

Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon