Chapter - 15

2.8K 320 198
                                    

MY JEALOUS BOYFRIEND.......




Yuna's POV.....

Anniversary ng Eco bar na pagaari ni Paolo at ng mga kaibigan nya kaya magkakaroon ng party sa mismong lugar. Excitted ako dahil envited ang mga asawa at gf ng mga kabarkada ni Paolo na ka-close ko na rin mula pa doon sa boracay. Katunayan ay may ginawa pa kaming group chat,

Isang mini skirt ang isinuot ko at tinernuhan ng strapless na pangitaas. Nagsuot din ako ng net stocking at high heels na sandals na kulay black. Para akong nagrerebeldeng teenager sa ayos ko pero desente pa rin naman, saka bar naman yun no... Tiyak na mas provocative ang suot ng nga naroon.

Pero agad yun pinapalitan ng dress ni Paolo, pagkakita sa ayos ko ay nagalit sya at pilit akong pinabalik sa kwarto para magpalit, sa huli ay isang black mini dress ang sinuot ko na hanggang hita ang haba at expossed ang likod. Inilugay ko ang kulot na buhok at naglagay ng manipis na make up.

" niloloko mo ba ako babae? " kunot na kunot ang noo ni Paolo nang bumaba ako. Naka long sleeve na gray ito at pants.

"W-what? " takang tanong ko.

" pinagpalit kita dahil masyadong daring ang suot mo kanina, pero anong ipinalit mo? Too much curve and skin" pakli nitong halos lumabas ang litid sa inis.

" bar naman yun ah, saka okey lang naman tong suot ko" sabi ko pero tiningnan lang nya ako ng masama.

" wala kabang ibang matinong damit? "

" wala! Puro maiikli ang damit ko, millenial na po baka nakakalimutan nyo wala na tayo sa panahon ni Maria clara. " pasaring ko.

" tsk" galit pa rin si Paolo.

Niyakap ko nalang sya sa braso .

" male -late na tayo, lets go! " hila ko sa kanya.

" bukas mag shoshoping tayo ng mga damit na hindi kinulang sa tela, remind me that! " asik nito na ikinatirik nalang ng mata ko.

Sumakay na kami sa kotse papunta sa eco bar .

Pagdating doon ay marami ng tao, naroon na sila Brix, Hiroko with his gf Sandra, Bryan and wife Aiza Sonny ang Lira at si Charls with Aimee.

Nagbeso -beso muna kami at nagkamustahan.

"Where's Kobi? " Paolo asked.

" susunduin pa daw nya ang bago nyang nililigawan" si Brix ang sumagot.

Naupo naman kaming lahat sa isang bilog na table, malapit ng magsimula ang party. Bumabaha ng ibat-ibang alak ang buong lugar, may mga waiter na nagsi serve ng alak. Tinawag yun ni Charls.

Kumuha din sila Paolo ,kukuha din sana ako pero tinapik nya ang kamay ko.

" just give her ladies drink" sabi nito sa waiter na agad sumunod.

Tinaasan ko lang sya ng kilay.

" ayokong malasing ka at buksan lahat ng alak dito sa Bar at magbasag ng bote, remember? " bulong nya sakin.

Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon