Chapter - 27

2.7K 299 176
                                    

I'LL TAKE HER BACK....




Tristan's POV.....

"Anak... "

Napatingin ako kay Mommy kasama nito si daddy at si Mona.
Naroon pa rin ako sa madilim na bahagi ng sala at nagiisip habang inuubos ang alak na kanina kopa iniinom.

Masama ang loob kong tiningnan sila.

" bakit hindi nyo manlang sinabi sakin na ikinasal na si Uncle" at kay Yuna pa.? may pagdaramdam na sabi ko sa pamilya ko. Halata namang nalulungkot sila sa nakikita.

" inutusan kami ni Paolo na isekreto sayo ang kasal, hindi ko nman alam non kung bakit" si daddy.

Dahil alam nyang pipigilan ko yon. Mapait kong napangit

" Tristan alam kong may pagtingin ka kay Yuna pero anak, asawa na sya ng uncle mo" may lungkot na pakiusap na sabi ni mommy.

"Na hindi naman dapat mangyayari, kung hindi ako umalis" sabi ko.

Nagbara ang lalamunan ko sa pinipigilang luha. Nararamdaman ko parin ang sakit sa nalaman.

" wag mo naman sisihin ang sarili mo, baka sadyang hindi kayo ang para sa isat-isa" sabi pa ng ina.

" no... Mom she loved me, sinabi nya yon sakin bago ako umalis.. Bakit hindi nya ako hinintay? Sinabi ko sa kanya na babalik ako... Na ipapaliwanag ko ang lahat pagbalik ko" mapait na sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Naalala ko na sumulat ako sa kanya bago umalis at ipinaliwanag ang lahat dahil pinagbawalan ako ng tiyuhin na tawagan o itext manlang sya. Pero lihim akong gumawa ng paraan.

"Kuya.. " umiiyak na tawag sakin ni Mona. " hindi ko ibinigay kay ate ang sulat mo" amin nito.

"What?" Nanlaki ang mata ko sa narinig.

"Pinagbawalan ako ni uncle na ibigay yon. Natakot akong suwayin sya kaya diko ibinigay kay ate ang sulat"

Napapikit ako ng mariin sa narinig. Si mommy naman ay tila naiiyak din na napatakip nalang ang kamay sa bibig dahil sa nalaman.

Thats it.. Si Uncle na naman ang dahilan. Palihim nyang sinabotahe ang lahat pati pamilya ko para sa pagiging sakim nya. Sinadya nya ang lahat para makuha sakin si Yuna.

Unti -unti ay napuno ng galit ang puso ko. Para kay Uncle.. That Monster took my most favorite person.

"Tristan, tito mo parin sya. Pamilya tayo.. Wag kang gagawa ng isang bagay na ikakasira ng pamilya natin" si Daddy. Bigla kong maramdaman na tila sasabog ang dibdib kons galit.

" yeah, pamilya tayo.. Kaya nga ginawa ko ang lahat para sa pamilya natin. Pero ikaw dad... Anong ginawa mo para samin? " baling ko sa ama. Napayuko ito sa sinabi ko.

"Tristan... "

"Kuya... "

"Mom stop depending him, stop pretending na okey lang tayo. Na perfect ang family natin cause we're not. Stop showing how wealthy we are.. Alam natin na hindi yon totoo. Na lahat ng meron tayo galing kay Uncle.. Limos nya satin dahil sayo dad" sabi ko.

"A-anak" napaiyak na rin si mommy.

" totoo naman eh, kung di ka nalulong sa sugal at kung di mo isinanla tong bahay, kung di mo inubos ang pera natin hindi tayo hawak sa leeg ni Uncle.. Sana hindi ako umalis, sana hindi nya naagaw sakin si Yuna." Sigaw ko sa huling sinabi.

Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S ) Where stories live. Discover now