Chapter - 30

2.8K 294 186
                                    

FORGET ME......


Yuna's POV...

Sa mga sumunod na araw ay pinayagan na akong makalabas ni Paolo, pero kasama ang mga bodyguard nya na ikinaiirita ko pero wala akong magawa. Ang importante ay nakabalik na ako sa Laine's Garden at nakakapagtrabaho na ulit.

"Bestie, daig mo pa ang presidente sa dami ng bantay mo ah" sabi ni Vanessa.

Ngumuso lang ako sa kaibigan. Nakasimangot kong nilingon ang mga bodyguard na naroon din sa loob ng shop.

"Naiinis na ako sa mga yan, ang tatalas ng mga mata" sabi ko.

"Ganon? Pero cute yung isa ha... Sino yon? " nguso ni Vanessa sa isa kong bantay.

"Si Renan.. Naku yan ang pinakakinaiinisan ko bestie, manang -mana sa amo nyang masungit, try mong kausapin at mapapahiya ka lang" bulong ko dito.

"Try ko nga" pilyang sabi ng kaibigan. Nilapitan nya ang gwapong bodyguard at kinausap ito. Muntik na akong mapahagikgik ng hindi manlang sya tingnan ng binata. Nakasimangot na bumalik sakin ang kaibigan.

"Tama ka bestie, nakakawala ng poise ang isang yon" aniya.

"I told you, yan ang pinaka mahigpit sa lahat. "Sabi ko.

" hmmmm" tila naman nagisip ang babae. "Bakit di mo gamitan ng pa girl moves mo bestie? Utuin mo para makatakas ka sa asawa mo"

Napaisip din ako sa sinabi nya.

Hmmm may Point ito..

Nang pauwi na kami ay inumpisahan ko ang pag-arte. Si samson ang driver at katabi nito ang masungit na si Renan. Nasa likuran naman ako ng kotse. Ang ibang bodyguard ay nasa ibang sasakyan. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon karami ang kailangang magbantay sakin. OA to the highest level si Paolo.

"Samson ihinto mo nga muna dyan sa restaurant, naiihi ako" pagsisinungaling ko.

"Pero maam malapit napo ang bahay nyo, "sabi ng driver .matiim lang akong tinitigan ni Renan.

"Hindi kona kaya eh, baka magka UTI ako nito di lalo kayong lagot sa Sir nyo" pananakot kopa. Magpo - protesta pa sana si Samson pero pinigil na ito ni Renan.

"Ako na bahala, Samson" sabi nito.

Nakasimangot akong lumabas ng sasakyan kasunod ang Renan na yon. Kailangan kong galingan sa planong pagtakas dahil alam kong tuso ang bantay na yon.

Nagtagal ako sa cr ng ilang segundo at pasilip silip sa binatang nagaabang sakin.

Hmmm ..

Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S ) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora