Chapter - 25

2.8K 288 176
                                    

HE'S BACK.....

Yuna's POV....

Nasa CR non si Paolo at nagsa - shower nang makita kong umilaw ang cp nya sa isang tawag. Kunot noo kong tiningnan yun at nakitang kakaiba ang number na tumatawag sa kanya. Hindi ko nalang sana papansinin yon pero hindi tumigil ang sinumang natawag sa asawa.

Na-curious ako kung sino ang maaring tumawag sa lalaki ng ganoong dis oras na ng gabi.. Sa ikatlong ring niyon ay ako na ang sumagot non.

"Hello, uncle.... "

Ganon nalang ang kabog ng dibdib ko nang marinig ang pamilyar na tinig na yon. Nabitawan ko ng di sinasadya ang gadget. Lumakpak yon sa kama .nanlalaki ang mata na di ko alam kung kakausapin ko ba ang nasa kabilang linya.

Lampas nang dalawang taon mula ng umalis si Tristan at wala akong narinig sa kanya. Ngayon ko lang ulit narinig ang tinig ng binatang unang minahal ko.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa cp at sa pinto ng cr ..alam kong nasa kabilang linya pa si Tristan...naisip kong wala naman masama kung sasagutin ko yon. Sasabihin ko nalang na naliligo si Paolo.

Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang cp at kabadong itinapat sa tenga ang speaker.

"Uncle? Hello... Are you there? " tinig ni Tristan.

I heard his soft and sweet voice again... Ang unang lalaking minahal ko at una ring dumurog ng puso ko.nakadama ako ng munting pananabik sa lalaking nasa kabilang linya .

"Si Y-yuna to" nagawa kong sabihin sa gitna ng kaba..

" Yuna? " matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan namin.. Bago sya ulit nagsalita. " musta kana?, bakit hawak mo ang cp ni Uncle? " pagkuway tanong nito.

"Ahm..... " sasagutin ko pa sana yon pero biglang bumukas ang pinto ng Cr ." Ai palaka ka! " gulat kong reaksyon kaya taranta kong napatay ang tawag...

" why? Bakit mo hawak yan? " baliwala namang tanong ni Paolo na tanging puting towel lang ang nasa ibabang katawan. Tumutulo pa ang tubig sa katawan nya.

" w-wla... May tumatawag kasi sayo " nauutal na sabi ko.

Lumapit naman ang asawa sakin kaya nagkalapit ang aming katawan. Naamoy ko ang sapon at shampoo na ginamit nya pagligo.

Shit! Mas kinakabahan ako sa paglalapit ng katawan namin kesa sa pagtawag na yon ni Tristan.

Tila naman nananadya pa ito na sinadyang idikit ang basang dibdib sa braso ko nang kunin nya sa kamay ko ang cp nya.

"Sino daw?" Tanong niya.

" hindi ko alam eh, " kaila ko. Iniwasan kong tumingin sa mata ng asawa. Baka mabasa nya ang pagkaakit ko sa kanya ng mga sandaling yon.

Matiim akong tinitigan ni Paolo bago tiningnan ang screen ng cp. Ilang saglit na tila nagisip sya bago huminga ng malalim. Patingin -tingin lang ako sa kanya.

Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon