Chapter - 31

2.7K 306 183
                                    

HOLD ON...DON'T DIE.....



Tristan's POV...

Naguguluhan man ay sinunod ko si Jane, pumwesto ako sa manibela at pinaandar yon. Pagkatapos naming magusap kanina ni Yuna ay nakatanggap ako ng tawag kay Jane at sinabi nitong kasama nya ang dalaga at may nangyari daw dito. mabilis akong pumunta sa lugar at nagulat ng makitang may nakatutok na baril sa ulo ni Yuna. Hindi ko inaasahan na kayang humawak ng baril ni Jane.

Napatiim bagang ako nang mapasulyap sa rear view mirror ng sasakyan at makitang umiiyak si Yuna habang sabunot ng babae ang buhok nito.

"Will you stop crying? Bitch" asik ni Jane sa walang kalaban-labang babae.

"Jane you dont have to do this, pagusapan natin to" sabi ko sa kanya habang nakatingin sa daan at paminsan -minsang nasulyap sa kanila sa likod.

"Shut up... Ikaw ang may kasalanan nito eh, umalis ka... Yan tuloy napangasawa ng walanghiyang babaeng to ang tiyo mo.. "

"What are you talking about? " naguguluhan kong tanong.

"Hindi kona kailangang iexplain pa sayo.bilisan mo ang pagda-drive... Sa buss terminal tayo papuntang bikol" utos ng babae na ikinakunot ng noo ko. Tahimik na umiiyak si Yuna.

"Bakit tayo pupunta don? "Nagawa ko paring itanong sa kanya.

"Magtatanan kayo.. By this time tiyak na nagmamadali na si Paolo papunta don... Kailangang makita nyang magkasama kayo don.. Tingnan ko lang kung tanggapin ka pa rin nya Yuna! " ngisi ni Jane na ikinalaki ng mga mata ni Yuna at ikinagimbal ko. Paano nakapagplano ng ganoon si Jane.. Baka mapatay ako ng tiyuhin pag nakita nya kami ni Yuna.

"No, hindi pwede,, Tristan stop the car" sabi sakin ni Yuna. She doesn't like the idea. Kung wala kami sa ganoong sitwasyon ay makakadama ako ng lungkot dahil halatang ayaw niyang masira sa asawa. Pero mas nanaig sa akin ang kaligtasan namin .

" subukan mo nang mauna sayo ang babaeng to" asik ni Jane at itinutok muli sa sintido ni Yuna ang baril.

Wala akong nagawa kundi ipagpatuloy ang pagmamaneho. Mahalaga ang buhay ni Yuna kesa sa ano mang panganib na pwedeng gawin sakin ni Uncle pagkadating namin don.

"Ano Yuna.. Diba mahal mo si Tristan, oh yan tinutulungan ko na kayong makalayo.. Pag nakita kayo ni Paolo tiyak na hindi kana nya titingnan manlang..pag nakita nya ang pinakamamahal nyang asawa na makikipagtanan sa sarili nyang pamangkin.. Hahahaha" tila baliw na tumawa si Jane.

"No! " sigaw ni Yuna at saka biglang inagaw ang baril kay Jane.

Nagulat ako sa ginawa ni Yuna. Nagsimula silang magagawan ng baril.. Nagaalala ako na baka pumutok yon at tamaan ang isa sa amin...

"Stop it, " saway ko sa dalawa. Pagkuway isang putok ang umalingawngaw sa paligid na ikinatili ng dalawang babae.

Saka ko naramdaman ang kirot sa balikat ko.. Tinamaan pala ako ng bala.

"T-Tristan? " hikbi ni Yuna.

"N-no" si Jane. Maging ito man ay nagulat sa nangyari.

Nagsimulang manginig ang kamay ko at dahil don ay naging malikot ang manibelang kontrol ko. hindi ko napansin ang isang sasakyan na nag over take sa amin. Lumihis sa kabilang daan ang aming sinasakyan.. Sa kabila ng panlalambot ko ay nagawa ko paring kabigin ang manibela pero huli na ang lahat. Naramdaman ko nalang na tumilapon ang aming kinalululanan at bumaligtad ito sa gitna ng kalsada. Then i saw her... I saw Yuna.. Duguan ang buong mukha nya at wala ng malay. I tried to hold her hand before i passed out.




Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon