Chapter - 26

2.7K 302 171
                                    

TRISTAN VILLANUEVA IS BACK......

Tristan's POV....

Lampas dalawang taon. Siguro naman ay sapat na yon, pwede na siguro akong umuwi.. Nasunod kona ang gusto ni Uncle Paolo ...i am now a different person.. I can say that im more confident now than before...

Akala ko okey na ako.. Akala ko kaya kona mawala sya ng tuluyan sakin.. Pero nang marinig ko ang boses nya nung tumawag ako sa tiyuhin.. Para akong nakakulong na leon na gustong makalaya. Nanabik ako sa taong yon.. Kakaibang pananabik.. Pananabik na akala koy hindi ko mararamdaman sa paglayo ko. Pero tinig palang nya nanghina na agad ako... Binuhay nya ang isang emosyon na pinilit kong patayin noon...

At nasabi ko sa sarili na bakit nga ba ako nagtitiis na malayo sa taong gusto ko?  Para kanino ba ang ginagawa ko? Bakit ako nagpapaka sunod-sunuran sa iba habang nangungulila ako sa pamilya at kay Yuna...

At kasabay non ay ang pagtataka kung bakit sya ang may hawak ng cp ni uncle Paolo? Magkasama ba sila?  Bakit nahahawakan nya ang cp ng lalaki na ang pagkakaalam ko ay privacy nito.. Maraming tanong ang nagsalimbayan sa utak ko, naroon din ang munting takot,  na baka huli na ako.. Na baka nangyari na ang kinatatakutan ko..

Bigla ay nagpasya akong umuwi, walang nakapigil sakin. Sa panahong nawala ako maraming nagbago. Binata at dalaga na ang mga pinsan ko pati ang kapatid ko na si Mona, kasama na namin si Daddy sa bahay at di na ito nagsusugal... Pero unang araw palang ng pagbabalik ko nagtaka na ako dahil sinabi nila na nasa bakasyon si uncle, na madalang mangyari dahil workaholic itong tao. Inaasahan kong madaratnan sya sa bahay pero wala ito don at ni hindi ako pinapasok sa loob .isa pang pinagtatakhan ko ang laging laman ng kwentuhan ng mga pinsan ..si Yuna...

Hindi marunong lumangoy si Ate Yuna..

I teach her to drove a car.

She loves gardening

Bakit tila close na close na sila sa babae?  Inisip ko nalang na baka laging dumadalaw sa bahay si Yuna... Kaya expected ko na darating sya sa welcome party na gift sakin ni mommy. Sinabihan ko si Mona na imbitahan si Yuna pero alanganin lang itong tumango.i remember na close sila kaya sya ang sinabihan ko. Ipinagkibit balikat ko yon.. Nagbulag bulagan ako sa sitwasyon kahit nasa harap kona.

At lalo akong nagtaka ng makita si Vanessa sa isang flower shop na malapit sa lugar namin,kailan pa ito sa manila?.tila nabigla ito nang makilala ako.
Pero ang nakapag tataka ay ang pangalan ng shop.. Laine's Garden.?   Iisang babae lang ang kilala kong may Laine sa pangalan.

" si Yuna ba ang may ari nito? " i asked her .

"Ah eh... O-oo" alanganing sagot nito.

" really? Asan sya? " sabik na tanong ko at iginala pa ang paningin sa loob ng tindahan. Gusto ko sanang itanong kung saan nanggaling ang perang ginamit ni Yuna sa pagtatayo non. Hindi sa pagmamaliit pero kilala ko ang babae at alam kong mahirap lang ang pamilya nito. Ang shop na yon ay malawak at dilang basta simpleng flower shop, may sarili iyong garden..

" wala dito e, nasa bakasyon pa "

Tumango lang ako sa sinabi niya. Gusto ko pa sanang makipag kwentuhan sa kaibigan, alamin ang mga nangyari sa kanila nung nawala ako pero tila ayaw akong kausapin ng babae. Umiiwas ito sakin.. Inisip ko nalang na baka may tampo pa sya nung umalis ako na hindi nagpaalam sa kanila.

" sorry kung umalis ako na hindi nagpaalam ha, naisip kong mas mabuti na ang ganon! " sbi ko kay Vanessa.

Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon