Chapter - 12

2.9K 315 180
                                    

STRICT BOYFRIEND....

Yuna's POV...

Mula nang maging boyfriend ko si Paolo Villanueva, aaminin kong nagbago ang lahat, lalo na ng makilala sya ng pamilya ko. Nagpumilit kase syang ihatid ako sa amin sa laguna at nakilala sya ng buong angkan ko.

Mas nauna pa syang makilala nila nanay at tatay kesa kay Tristan. Nakita ko din na magaling makisama ang binata kahit milyonaryo sya .nararamdaman ko na gusto sya ng pamilya ko .maging ang ilang kapitbahay namin ay hanga sa kabaitan ng lalaki.

Ako naman ay open din sa pamilya nya. Ang mama at papa nalang nya ang di ko pa nakikita dahil nasa probinsya ang mga ito pero nakausap kona sila sa vc.

Naging masaya ang relasyon namin. Aaminin kong mas magaan sa pakiramdam. Ganon pala yon. Masarap pala pag alam mong mahal ka ng lalaki, hindi katulad non kay Tristan na nangangapa pa ako kung ano ang lagay ng relsyon namin.

Samantalang kay Paolo, i feel secure sa kanya .masyado nyang ipinaparamdam ang pagmamahal sa akin. Nasanay tuloy ako sa atensyon nya. Hindi ko makita ang sabi noon nila Mona na masungit at istriktong lalaki. He is gentle and sweet sakin. Minsan sinasadya kong inisin sya para makita ko yun ibang side nya pero laging mahinahon ang kasintahan.

Dahil doon naging kampante ang mga pamangkin nya na bumisita sa bahay lalo na pag naroon ako. Masayang -masaya sila Mona at pinilit pa ako na ipagpaalam sila na magswimming sa bahay ni Paolo.

" you're the best Ate Yuna, ang laki talaga ng pool ni Uncle, buti nalang napapayag mo sya na mag swimming kami dito" sabi ni Mona ,kasama nya ang mga pinsang sila Margarette, Cassey ,Jade, Xander at Harry. Saka ang dalawang kaklase ni Mona .

" sus kahit naman ikaw ang magpaalam papayag yun. "

" i dont think so. "

Nasa pool kami nang makarinig kami ng tila nabasag na pigurin. Mabilis kaming pumasok sa loob at nakita namin ang nanginginig sa takot na si Jade, nakita ko ang pira- pirasong parts ng laruang barko na nakadisplay don. Wala akong alam sa mga antigong gamit pero alam kong hindi biro ang presyo non .

" God, thats from spain, what have you done Jade? Lagot tayo kay Uncle" si Margarette.

"Baka hindi na naman nya tayo papuntahin dito" si Harry.

" ate Yuna help me? " naiiyak na sabi ni Jade sa akin.

Medyo kinabahan din ako para sa bata. Napasulyap ako sa taas, anumang oras ay pwedeng bumaba si Paolo .bakit kase yon napakialaman ni Jade.

" bumalik na kayo sa pool, ako na magaayos nito" sabi ko.

Nagaalinlangan man ay mabilis na sumunod ang mga bata. Kinuha ko ang naghiwa-hiwalay na parts ng pigurin at inilagay sa isang plastic. Saka kinakabahang pumunta sa library kung saan naroon ang nobyo.

Marahan akong pumasok don at nakita ko syang nakatutok sa laptop na nasa table. Ngumiti sya nang makita ako. Nagaalangan akong pumasok at itinago ang kamay sa likod na hawak ang plastic na pinaglalagyan ng nasira ni Jade.

" naliligaw kaba? Nasa baba ang pool" sabi nito, naalala kong naka one piece nga pala ako dahil naki join ako sa mga bata sa swimming pool.

" may kasalanan ako sayo" sabi ko.

" as long as hindi yan tungkol sa ibang lalaki at wala kang nabasag na gamit dito sa bahay then i will forgive you" hindi nagaangat ng mukang sabi nito.

Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S ) Where stories live. Discover now