Chapter 317

574K 23.5K 32.8K
                                    

A/N: ayaw dw pasakayin sa eroplano si Keifer. Lockdown pa rin dw. Charot!

Next update, uwi na talaga siya.




Goals

Jay-jay's POV

Sa pag-unlad ng panahon, hindi maitatanggi na malaki ang tulong ng social media. Marami ng nalalaman ang tao dahil dito. Updated na sila higit pa sa pinapalabas sa tv.

Pero minsan nagiging sobra na. Naniniwala akong kaya maraming malakas ang loob na kabataan ngayon, ay dahil feeling nila alam na nila ang lahat dahil sa tulong ng Social Media. Ang magandang naitutulong dati ngayon ay nagiging masama na.

Kaya ngayon, pinag-iisipan kong tanggalin ang messenger at facebook ko. Wala itong maidudulot na maganda sakin. Nakasisira ng buhay, masama sa kalusugan at higit sa lahat masama sa puso.

"Jay... Nguyain mo muna ng maayos." Sabi ni Yuri at inabutan ako ng inumin. "Hindi ka matutunawan niyan."

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy lang ang pagsubo ng fishball. May nagbaba ng paperplate na puno ng barbecue sa harap ko. Sandali kong inangat ang paningin ko at bumungad sakin ang  nakataas na kilay ni David habang pinagmamasdan ako.

Inayos niya ang upuan sa tabi ko at naupo. Pansin ko agad ang pag-iiba ng awra ni Yuri. Parang bigla nalang bumigat ang pakiramdam ko mula sa kaniya.

Pasimple ko siyang tinignan na kasalukuyang masama ang tingin kay David. Tumingin naman ako sa kabila pero wala namang paki tong isa. Kumuha lang siya ng barbecue at kumain.

"Hindi mo kinaya no?" Tanong niya matapos lunukin ang kinakain.

Kumuha din ako ng barbecue. "Wala akong paki sa kaniya no."

"Kaya pala nabitawan mo cellphone mo." Biglang singit ni Eman at kumuha din ng barbecue.

Nabitawan ko ang cellphone ko, matapos mag-chat ang Hari ng mga Ulupong. Saktong naglalakad ang Eman sa harap ko at siya na ang pumulot non para sa akin kanina.

Hindi na ko nagsalita pagkatapos non. Hindi ko na rin binuksan ang messenger ko. At sa mga oras ng natitira namin subject na papasukan, paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang pagtanggal ng application na yan sa cellphone ko.

"Pasmado lang. Nadulas sa kamay." Sagot ko bago sumubo.

"Nguyain mo muna Jay." Paalala ni Yuri.

"Ano ba? Nginunguya ko naman." May halong inis ang boses ko.

Kinuha ko ang inuming inalok niya at mabilis na nilagok. Ramdam ko ang pag-guhit ng pagkain sa lalamunan ko. Mukang hindi ko nga nanguya ng maayos.

Mas masakit pa sa break up.

"Inumin pa?" Tanong ni Yuri at mabilis naman ako tumango.

Saglit siyang nawala para bumili at pagbalik niya isang pitsel na ang dala niya.

"Saan galing yan?" Gulat na tanong ko.

"Kay Manang..." Sabay turo sa babaeng nagtitinda ng palamig.

Hindi nalang ako nagsalita at nagpasalin nalang ng inumin. Malaking ginhawa ang naramdaman ko. Kaya naman balik na ulit sa pagkain.

Saktong dating ni Felix na may dalang paper plate na puro ng Kikiam at Fishball. Sunod namang dumating si Rory na may dalang paper plate na puno ng calamares.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon