Chapter 2: DNU not DNA

1K 61 1
                                    

"Kakalimutan na kita, siguraduhin mong hindi talaga pwedeng tayo."

"Ano ba naman 'yang kantahan mo? Feeling broken hearted ka, girl?" Maarteng sabi ni Annica habang sakop-sakop niya ang buong sofa dito sa living room ng bahay ko. Monique as usual has her piles of books and reviewers.

Tinawagan ko kasi sila to come over the house because I need company, kahit pa anong hadera ng bunganga ni Annica or gaano man kabusy si Monique they will always find ways on seeing me when I'am the one who calls.

"Shut-up! Try listening to OPM songs kasi. Puro ka Camilla." Sabi ko na lamang at sinerve na ang iced-coffee sa kanila. Iniirapan lang ako ni Annica, so I pause my music on the phone. Monique manage to stop her reviewing session for a moment at humarap na sa amin.

"Girl, hindi naman ako senti." Maarteng sabi ni Annica at kinuha na ang iced coffee niya kaya kumuha na rin ako ng sa akin, same with Monique. Umupo ako sa dark mahogany carpeted floor ko, right beside Monique and my coffee table na punong-puno na ng mga gamit niya. Well, being a doctor was not really a joke, I remember when I was reviewing for my licensure exam, at halos mamatay-matay na ko noon kakareview kasi wala naman akong tiwala sa utak ko. Luckily, the Gods are on my favor that time.

"Arya, ung about sa DNA medyo naguguluhan ako. Sa dami ng beses ko na siyang naaral in my studies andami ng information ang nakafile-up sa utak ko. Kanina pa ko nandyan eh." Sabi ni Monique. I look at her textbooks and saw some of the DNA structures. Andami niya nga naming gamit na references book. A lot of medical books na kasing kapal ng mukha ni Annica ang nasa harap naming ngayon, plus her pile of notes, no wonder naguguluhan nga talaga siya. 

"Bakit? Anong problema?" I ask at sumimsim na ng kape, inaalala ko pa ang iilang detalye about DNA kaya tinignan ko siya. She looks constipated dahil na 'rin siguro sa dami na kailangan alam niya when it comes to DNA hindi na niya alam kung ano ang iproprocess sa hindi.

"DNA, RNA tapos andami-daming info. Ansakit na sa ulo." Natawa naman ako ng makitang ngumuso pa siya. Mukhang nahihirapan nga talaga siya.

"Alam mo, aralin mo lang kasi ung concepts, not every infos na andyan sa text books. DNA, Deoxyribonucleic acid. The pentose sugar has only a hydrogen atom attached to it. Meaning it doesn't have oxygen atom in it, have all the necessary information of our genetics and also responsible for meiosis and mitosis, specifically all the genetic information for the continuity of life." Sabi ko kaya agad naman siyang tumango. I look at Annica na nakatingin na lang din sa aming dalawa. With Monique doing all this reviewing, I salute her for still joing us.

"While RNA on the other hand, ribose nucleic acid, it is the one with the oxygen atom so meaning the pentose sugar has a hydroxyl group attached to it. Thus this is the one responsible for the making of proteins, this is the one that can transfer or messages specific codes between the DNA and Ribosome in the cells. Tsaka single-stranded lang ung RNA, unlike DNA na double-helix ung structure. And the nitrogenous bases, ung Thymine sa DNA, ung Uracil sa RNA." I said at tumango-tango naman siya at mukhang puno na ng information ang utak niya.

"Alam mo, break muna! You can't over work your brain for more than 2 hours. Tigil na muna" sabi ni Annica at humarap na sakin and look at me mischievously. Agad ko naman siyang tinaasan ng kilay dahil mukha niya. 

"So baki mo nga kami inaya dito?" Tanong niya kaya napatingin naman ako sa kanilang dalawa ni Monique. Each of us turned silent because of the question and I know na nag-aantay din sila ng sagot sa akin.

"Annica, alam mo nama-"Hindi na natuloy ni Monqiue ang sasabihin niya ng pigilan siya ni Annica.

"Shh! It's about time na magkwento na siya fully sa atin ng mga bagay na hindi niya kayang sabihin. Kaibigan mo kami Arya. You can trust us." Sabi ni Annica kaya matamang tinignan ko siya. She seems very eager to know the truth kung bakit ko sila inaya dito sa bahay, despite our busy schedules.

Why Does it Matter?Where stories live. Discover now