Chapter 25: Force

605 28 1
                                    

To: Ven
Psst. Call me when u get this. U busy ass.

"Maam? Okay na po ung mga product. Nasa conference room na rin po sina Mr. Lim at ung iba pang investors." I immediately bring my phone down to my desk at inaayos ang timpla ng mukha. My secretary is now smilling while peeping on my door kaya naman napahinga ako ng malalim at hinayaang makapag-focus ulit sa trabaho. This is really the stupid part of me.

"Sige. Susunod na ako." Saad ko at tumayo na. Minabuti ko munang patayin ang phone ko para hindi na naman mapadpad kung saan-saan ang aking isip. I manage to release a deep breath bago nilikom ang mga important folders sa table ko at inayos na ang corporate blazer na suot ko.

Pagkapasok ko sa conference room ay sinalubong ako ng mga ngiti ng mga investors ng kompanya. I smile widely at them, ipinapakita na sobrang laking break na naman netong irerelease naming mga produckto. It's an all range of variety, the series of all choices.

Naupo ako sa pinakadulong upuan at nakita ko na ang marketing department para ilatag sa amin ang marketing strategies na maari naming gawin para sa araw na ilalabas ang mismong produkto.

"Good morning Ms. Alcantara, shall we start the presentation?" Bakas ang excitement sa boses ng head ng marketing department habang nakangiting nakatayo sa harap naming lahat habang sa likod naman niya ay ang white screen with the prepared presentation nilang team. I lean my hand up to signal a go at ngumiti rin sa kanila.

"So for this new break of the Glamour, we welcome you the Touch of Individuality." Panimula nila at marahan ko namang binuklat ang mga papel at iilang hard copy ng mga presentation at strategies na balak ng team para sa endorsement at marketing.

"Since this newly set of variety of perfumes showcases individual differences as a unique compliment for each personality, the packaging for each perfume is categorize by the colors that suit the scent of it." Paliwanag sa unahan kaya naman tumango-tango ako. It's a good attack in the packaging lalo pa't people are still aiming for creativity not only on the world of arts but also fashion industry.

Maayos nilang naipresinta ang pinaka-strategy proposal and I might say that it is incredible and fascinating, kahit ako bilang isang consumer ay maeengganyong bumili ng produkto not only because of the packaging proposal but also on the endorsement and marketing proposal, bukod sa social media endorsement, personality endorsement rin ang balak nila along with the people who they think is suitable to each of the perfume in this series to give justice to our own vision.

"Do we still questions from the board?" I ask at nilingon ang mga taong naka-upo sa elongated table. They all shook their head and agree with the presentation.

"Well then, I like to congratulate the marketing department for the job well-done. We are all looking forward for this project. Details for the release of the product will be sent to each and every one of you. That's all for today. Meeting adjourned." I said at nauna ng tumayo and congratulate the team personally. Lahat naman sila ay nahiya sa akin pero nagpasalamat sa appreciation, but they do deserve it.

Nang makabalik sa opisina at para akong aligaga na binuksan ang phone ko ulit. Hindi ko pa nga nailalapag ang mga dala kong files ay halos ibalibag ko na ang phone ko habang inaantay iyong bumukas.

I sat down on the sofa in my office at hinilot ang sentido ko dahil sa sobrang frustration na nararamdaman habang inaantay ang phone na tuluyang bumukas and when it did wala pang isang segundo ay nasa messages na ako.

Nang makitang walang mensahe galing kay Ven doon ay pabalang kong ibinagsak ang phone sa foam sa tabi ko at humalukipkip. Damn this! Ano na bang nangyari sa babaeng 'yon?!

When we got home from Jomalig, maayos naman kaming naghiwalay, aside from saying that she would be busy for the following weeks dahil nga balik practice na sila, wala na siyang sinabi sa akin bukod doon. My god! I'm so stupid to really be furious right now! Dahil lang sa hindi siya nagre-reply sa mga messages ko. I'm not desperate enough na tawagan siya... Ugh!

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan na ang numero niya. Inilapag ko pa iyon sa mesa para lamang mapigilan ang sarili ko na paliparin iyon papunta kung saan. I bite the side of my right cheek to refrain myself from shouting in so much frustration! Damn it!

Nag-ring na iyon! At halos tumayo ako sa pagkakaupo ng marinig iyon. Pero para ring malulukot ang mukha ko ng i-declined ang call. This woman! Napakakapal ng mukha! Is she ghosting the hell out of me?!

Ang ideyang pumasok sa utak ko ay parang isang apoy na sinilaban ang buong kalooban ko. I can feel my face heating in anger! Pagkatapos niyang-Pagkatapos ng nangyari- Putang ina mo talaga kahit kailang, Iyssa Veriane, ano?

"You think hahabulin kita? You think this time I'll be a fool again?—"

"Maam, sino pong kausap niyo?" Napapitlaag naman ako sa sekretarya kong bigla na lamang nasulpot sa gilid ko. I frown at her ng makita siyang takang-taka na nakatingin sa akin.

"Bakit hindi ka nakatok?!" Bulyaw ko sa kanya at inirapan naman siya dahil sa nararamdaman pa ring inis sa kaibuturan ko.

"E, maam. Kumatok po ako pero hindi po kayo nasagot tas naabutan kop o kayang nagsasalita—"

"Ano bang kailangan mo?! Straight to the point." Puno ng inis kong sabi kaya naman halos mapatalon siya sa gulat ng hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya. Inilahad niya sa akin gang mga folders na hawak niyo.

"Hard copy na kailangan niyo pong pirmahan, maam." Mukha na siyang maamong tupa ngayon sa harapan ko kaya naman inismiran ko siya bago kunin ang mga hawak niya at sinenyasan na siyang umalis na dahil baka sa kanya ko pa mabuntong ang galit ko. Mahirap na at baka mawalan ako bigla ng sekretarya.

I manage to massage the bridge of my nose bago tuluyang ibaon ang sarili sa mga nakahilerang trabahong kailangan kong gawin.

I don't want to indulge myself on thinking why isn't she contacting me this time, after everything kahit ang sakit-sakit sa ego 'non.







"What?! Naku, Monique tigil-tigilan mo ko!" sigaw ko sa kanya habang andito kami ngayon sa unit niya. Nagpapasa kasi siya ngayon na pumunta sa OB niya para sa annual check-up niya.

"I'm just saying! Bakit ka ba kasi nagagalit na she's not contacting you? Ano ba kayo? Ikaw isusumbong kita kay Annica. Nawawala na naman 'yang utak mo!" Sita niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. For sure kung andito si Annica ay nasapak niya na ako.

"We had sex on that island, Monique!" Hindi ko na pigilan ang dila ko and for a few moment na tinitignan ako ni Monique ay nakita kong napahawak siya sa sentido niya at marahang hinilot iyon. Ngayon ko lang na-realize na ang tanga ng dahilan ko sa kanya! Jesus Christ! What should I freaking do with myself! Gusto ko na lang magsuicide dahil sobrang rupok ko!

"Tatawagan ko na si Annica—"

"I hate you Monique Angel!" Sigaw ko sa kanya kaya naman tinaasan niya ako ng kilay matapos iyon at kahit ako ay napapikit sa inaakto ko. This is making me act like a crazy stupid girl, smitten in love with that bitch na hanggang ngayon ay hindi pa 'rin ako kinakausap! Ni hibla ng buhok niya ay hindi ko makita.

"E, kasi naman. You're being delirious Aryanna Gayle!" Sigaw niya sa akin habang ipinupusod ang buhok niya. I roll my eyes on her at natuptop na sa sofa niya habang pabalik na siya sa harapan ko.

"Aryanna, bakit ka kasi sumama sa kanya in the first place? A, dahil sinabi niyang she'll win you back? 'Tas ano, ire-reason out mo sa akin na you guys had sex?! Isusumbong talaga kita kay Annica, isinuko mo na naman 'yang pagkatao mo kasama puso't kaluluwa ng 'di namamalayan. Sige." Sabi niya pa at dumaan naman muli papunta sa kabilang parte ng unit niya para matungo ang kusina.

I pursed my lips because of her remarks. Naiinis sa sarili dahil sa katangahan na nararamdaman.

"I didn't ask her again just so you know!" Depensa ko pa na parang kayang pagtakpan noon ang pag-iinarte ko ngayon. Tinaasan niya lamang ako ng kilay bago tuluyang ilingan. Sighing in defeat of making me realize how stupid I am to actually think like this... to feel like this.

It's been... I don't know! After everything that happened. I was ghosted! Ano siya teenager to not have the audacity to tell what happen to her?! Ni isang text wala!

"Alam mo, kung ako sayo. Kapag ayaw huwag ipilit! You live for four years without her presence, ngayong naranasan mo lang ulit ay hindi ka na magkanamaway sa kakaisip. Aryanna, why did you left her for four years just to find your way back to her?" Ngayon ay maayos na ang tono ni Monique ay masinsinan ng tinitignan ako. I sigh on my defeat at tinignan na siya.

"I know. Hindi lang naman si Annica ang nakakaramdam na marupok ka ano. C'mon samahan mo na ko sa OB ko, baka may progress na ko ngayon, o. Let's be positive! Launching niyo na next week, so no to negativity muna tayo." I nod at her kahit pa dama ang bigat sa puso na kanina'y nag-aalab dahil sa nararamdaman.

After namin sa OB ni Monique ay agad 'din akong dumiretso ng uwi para na rin makapagpahinga dahil marami 'rin akong trabahong kailangan tapusin sa mga susunod pang araw.

Days went passed by at ddumating na ang launching date ng bago naming produkto. Muli kong sinilip ang phone ko habang inakabit ang maliit na loop earing sa aking tenga pero wala pa ring mensaheng natanggap doon galing sa kanya. I look at myself in the mirror at inayos na ang tube top jumpsuit na suot ko. Pinewesto ko pa ang belt ng maayos sa gitna ng aking bewang bago huminga ng malaim.

Kinuha ko ang phone ko at nagtipa doon for the last time.

To: Ven
Hey, launching date ng product namin ngayon. I hope you could come.

Matapos iyon ay napabuga na naman ako ng isang malalim na hininga bago muling tumingin sa salalim.

I feel so stupid now lalo pa't alam kong sa sarili ko ay nagtatanong ring ako kung may mali bang nangyari roon sa isla. Aside from my unreasonable jealousy ay wala na naman kaming ibang pinagtalunan. Actually the whole trip is dreamy and surreal, iniisip ko nga ngayon baka panaginip lamang iyon and it's not even true kaya hindi na ako muling kinausap ni Ven. But remembering every heated moment of us, no... It's just too good to be true... but it is real...

Siguro nga, we shouldn't expect people to live up to our imaginary expectations. Kahit naman itanggi ko sa sarili ko, I know I expected that maybe something may happen after it. Now look at me, pathetic and going crazy.

Hindi ko na lang muling inisip iyon dahil kahit papaano nakakasawang maging tanga. Alam kong ginawa ko siyang hobby four years ago, ayoko ng bumalik sa kabaliwang iyon ulit. Not now that I have more priorities than to leap over my feels for someone who isn't even sure with me.

Tama na ang mga panahon na iyon.








Why Does it Matter?Where stories live. Discover now