Chapter 4: Gravity

874 57 3
                                    

"Nag-ano kayo, no?" Agad akong napasimangot sa tanong ni Annica, kakaupo ko pa lamang ay iyan na agad ang tanong niya. Monique looks at me like I'am about to spill some tea, inirapan ko na lamang sila at sumimsim sa kape ko.

"Uy! Magkwento ka naman!" Annica demanded at umusod pa ng konti sa sakin, tinusok niya pa ang braso ko na parang batang inaasar sa crush niya.

"Wala naman ako ikwekwento, okay?" Saad ko kaya tinaasan lamang ako ng kilay ni Annica na parang di pa naniniwala sa sinabi ko kaya inirapan ko ulit siya.

"Seryoso ka? Aryanna Gayle? Hindi kayo nag-sex?" Halos maibuga ko ang kapeng iniinum ko dahil sa tanong niya, sinamaan ko siya ng tingin kaya naman tumawa naman siya kahit si Monique tumawa na parang nahuli na nila ako sa bagay na tinatanggi ko. Their interrogation is nonsense! We didn't do anything wrong!

"Defensive action, check. Crime scene, sa bahay niya, check. Suot na damit, damit ni Arya, check. Mukhang pagod at puyat, check." Sinabi ni Arya sa ere na puno ng malisyosong mga tingin, akmang hahampasin ko na siya kaya umilag naman siya sa aking ng tumatawa, minsan hindi ko alam paano siya natanggap bilang high-profile cryptographer sa U.S samantalang ganyan siya mag-isip.

"Shut-up! Wala ngang nangyari sa amin!" I hissed. Nagtinginan naman si Monique at Annica, at mukhang hindi kumbinsido sa sinabi ko. I frown at them at parehas naman silang natawa.

"Eh, bakit ba kasi siya nasa bahay mo? And suot ang mga damit mo?" Malisyosang tanong ni Monique kaya inirapan ko naman siya. Natawa naman si Annica dahil mukhang sure na siya sa prediction niya na may nangyari sa amin ni Ven.

"Monique Angel, huwag mo ng samahan ng pang-aasar tong si Annica. Si Ark ang nakakita sa kanyang wasted sa bar kagabi, kaya tinawagan ako ng kupal na iyon, hindi namin alam saan dadalhin dahil wala kaming macontact sa phone niya. Lasing siya, so binihisan ko kagabi that's why suot niya ang damit ko." I said at parehas naman silang tumingin sa isa't-isa as if trying to testify kung totoo ang sinabi ko.

"ahh." Yan na lamang ang nasabi nila, kaya agad ko silang inirapan. I look at my simple black wrist watch and it's already three o'clock in the afternoon.

"Asan na ba yung mga inaantay natin?" Naiinip kong tanong sa kanila. Tinignan naman agad ni Monique ang phone niya if nag-text na si Lanz.

"Yup, nasa labas na pala silang lahat." Monique said kaya tumayo na kami, while I grab my sling bag. Nasa isang mall kami here in BGC, talaga kasing tinuloy ng dalawang to ang group date na gusto nilang mangyari and I have no idea kung sino ang ibubugaw nila sa akin this time, hindi naman din ako interesado kaya hindi na ako nagtanong pa.

Agad kong inayos ang belt ng ripped jeans ko at tinignan ang black pointed heels na suot ko, galing pa kong trabaho kaya ganito ang suot ko, nagpalit lang ako ng isang halter top. Both Monique and Annica are in their cute dresses, Annica in a green-fitted satin dress and Monique in a simple spaghetti-strap purple dress. Hindi naman sinabi ng dalawang to na required mag-dress kaya napanguso na lamang ako.

Sa labas ng Tim Hortons, kami tumayo saglit. Monique is busy with her phone, mukhang hinahanap niya na sila Lanz. Napatitig naman ako sa sahig ng maalala ang nangyari noong nakaraang araw. We were just silent in the car, pakiramdam ko hindi ako mapakali dahil nasa iisang maliit na espasyo lang kami pareho kaya deretso lang talaga ang tingin ko sa harap. Ng maihatid ko siya sa location ng practice nila, hindi ko alam pero antagal naming nakaupo sa loob ng kotse, inaantay kung sino ang unang masasalita, hanggang sa nag-thank you siya at lumabas na. And it was just like that, I felt like my unknown imaginary balloon pop inside of me dahil sa hindi ko rin malaman na dahilan. And it still makes me think somehow.

"This is so wrong." Madiin na saad ni Annica kaya napatingin naman ako sa kanya. Her face is in shock kaya tinignan ko kung ano ang tinitignan niya and I almost lose my senses ng masalubong ko na naman ang pamilyar na mga matang yun. Those eyes never failed to amuse my senses and drown me into an unknown feeling.

Why Does it Matter?Where stories live. Discover now