Epilogue

1.2K 54 18
                                    

"Damn, this child and her Filipina beauty. I could not believe I gave birth to you. You're equally as dashing as me." Gusto ko mang irapan ang ina dahil sa kanyang sinabi ay mas pinagtuunan kong pansin ang pagtatanggal ng zipper ng gown sa aking likod. Vincent on the other corner of the room is silent at mukhang hindi 'rin natutuwa sa aming ina.

Beautiful my ass, psh.

I hate how women are defined by how perfect their physical being can be. Spectacular face composed of daring eyes, pointy nose, thin and red lips with a symmetrical face shape along with the curves that should be on the right places and angle of their bodies.

And I don't want to be defined as that. Bata pa lamang ako ay hindi ko na gusto iyon.

Women are prone to be objectify like a material standard for men, na parang nabubuhay kaming mga babae sa standards ng kalalakihan sa paligid namin. We should dress to impress people, blunt it on the social media so men will flock to us, and let other women be insecure on how perfect some female could be. It sucks.

Unlike my mother, who lived by her own dignity and evilness. Men feared her in general. Empowered women are men's weakness. That's why they couldn't even pass through my mom, that's why I secretly look up to her kahit pa sobrang sama ng ugali niya.

"Ma..." I called out to her. Nilingon naman niya ako sa repleksyon niya sa isang mamahaling salamin sa kanyang harap habang tinatanggal ang mga alahas sa kanyang katawan. Her eyes on the mirror, in the deepest shade of brown looks at me with power.

"I'm lesbian." I said. Naramdaman ko pa ang paninitig ni Vincent sa akin. I know that he knows me too well besides he's my brother, he can always notice everything. Ang ina ay dahan-dahang umayos ng tayo, ang pula niyang suot na dami, dahil doon mas nagmukha siyang demonyo sa paningin. Psh.





"Get out! Get out of my fucking damn house! I want you out of here! Fucking bitch! Fix your confusion! Huwag kang babalik dito hangga't hindi mo naayos iyang sarili mo!" I was 15 at the time when she threw me out of the house. Cutting all support from me. Kahit sa pag-aaral ko ay wala siyang binigay sa akin ni singko. And I never dare to complain at her decisions. I'm hurt and mad because she's my mother and she wouldn't accept who I'm, but that doesn't equal to my love for her. I know her pain in the past, I know how it feels to being left by a father and to grow without one. Ano pa kaya si mama na iniwan ng asawa and was all alone raising us? So I never get angry with and inflicted hatred towards her.

That's when I start to depend on my own, nakitira muna ako kay Vincent for the meantime, dahil hindi naman 'din siya masyadong nauwi sa apartment niya dahil sa pinaghalong law school niya at part-time job sa isang firm. I also apply for different athletic scholarship dahil iyon lang naman ang kaya ko. My grades are good but not high enough to pass some scholarships for the gifted ones.

"Veriance, you pass the scholarship for athlete's ng alma mater ko." Iyan ang bungad sa akin ni Vincent ng kakabalik niya lang galing school. Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo ko ng sabihin niya iyon. I never expected that they will get me because of my background, even if my name screams wealth and power ay nakuha pa rin nila akong kunin.

"Talaga? Vince! Shit!" I shouted and even punch the air dahil sa tuwa. I could now continue studying ng hindi nahuhuli ng isang year sa kaso ko.

"You should go there tomorrow, ipapakilala ka sa coach and some of the team players." He said at bahagya pang-ginulo ang buhok ko bago tuluyang lumabas dahil may pasok pa siya sa part-time job niya. I can feel the thrill on me dahil sa sinabi ni Vince.

Ever since a kid, I know that I love sports, especially volleyball. When I first saw a match when I was in grade school. Sinabi ko na gusto kong matuto maglaro noon. Until now, lalo pa't I know how to play it already ay sinubukan ko na, on highschool at nasali pa sa iilang competitions. I just love how the thrill it gives me makes me feel I'm alive and complete.

Kung hindi sa volleyball, I'll never know what my identity is. I often get attracted to girls, kung noong una ay itinatanggi ko pa. Pero nang mapasabak sa sports iyon, mas lalo lamang lumakas ang attraction ko sa kapwa babae but it's all attraction and games. Dahil ayoko ng distraction pagdating sa paglalaro. My whole focus is with the ball. My spikes and attention is all directed into it.

"So here is our newbie here, Iyssa Veriane Montevedra." Pakilala sa akin ni coach Rem kaya marahan naman akong tumango sa mga iilang players sa harapan ko. I can see them wondering on who I am, ang iba sa kanila ay kaedad ko.

"So she'll be joining our practices and as part of the team. Scholar din siya ng school." Dugtong niya pa kaya naman ang hiya sa akin ay bahagyang lumukob.

"Hi! I hope to get along with you! Ang tangkad mo!" sabi ng isang babaeng medyo kulot ang buhok at maliit. I smile at her at doon na nagsimula na kausapin nila ako. They even ask me about my brother dahil mukhang sikat siya sa mga babaeng ito. Some of them have been a good accompaniment on me habang nagtatagal ang training. 

"Veriane! Higher! More force!" Pagkabagsak ko sa aking mga paa ay napangiwi pa ako habang habol-habol ang mga hininga ko. Napailing pa ako habang marahang pinupunasan ang pawis sa aking baba. Basang-basa na ako dahil doon. My breathing is twitching at parang bibigay na ang katawan sa pagod.

"You need to do more Veriane! Dig more!" Sigaw ni coach na mas lalong napadagdag sa pagod na nararamdaman ko. For the first two years of training along with the team ay halos laging bugbog ang katawan ko sa pinaghalong rotational drills and practice game.

Masakit na ang iilang bahagi at pagod na ang mga binti sa kakatalon. My wrist is already pulsating because of the multiple spikes that I throw, pati ang braso ay namumula na dahil sa mga malalakas na receive galing sa mga seniors.

"Pucha, papatayin yata tayo ni coach. Ayoko na!" Sigaw ni Dwayne ng sumalampak siya sa sahig ng court ng tumawag ng break. Hinang-hina akong nakaupo sa sahig habang umiinom ng Gatorade. I look at my co-players and they look so exhausted na parang hindi na yata kakayanin pa ang second half ng practice para sa araw na ito. Drills pa lamang kanina parang hahatiin na ang katawan ko dahil sa pagod.

"Puta, ang harsh ni coach. Semplang ako kanina! Gago ang sakit!" Reklamo pa ni Kim na dumausdos kanina dahil sa isang pancake. Napailing na lamang ako habang pilit na iniinda ang sakit na ng katawaan.

"Here." Napatingin naman ako kay Mina ng iabot niya ang isang towel sa akin. Inabot ko iyon mula sa kanya bago ngumiti.

"Thanks Ina." I said at nagkantyawan na ang mga players dahil sa nakita nila. Napailing na lamang ako ng makitang nahiya si Mina sa akin. 

"Get-up girls! Back to work." Parang nagpantig ang kanya-kanya naming mga tenga dahil sa narinig kay coach. Napailing na lamang ako sa iisipin an eto na naman ulit kami.

When I first step on the court to play for the team, sobrang tense na tense ako noon. The crowd, the pressure, the cameras. Lahat, parang papatayin ako sa kaba sa tuwing gagalaw ako. I would even space out on the middle of the game! Damn it!

"Veriane! Ano ba naman tayo diyan?! Pumasok ka doon at pigilan mo 'yang kaba sa dibdib mo! Show them what you got!" Sigaw ni coach sa akin ng mag time-out. Tumango-tango pa ako sa kanya na akala mo naintindihan ang sinabi niya kahit pumasok lamang sa tenga ko iyon at lumabas din.

That's how I gain my title and position on the court, I was appoint as an outside hitter. Noong rookie years ko ay madalas akong ipasok sa court just so I could overcome the pressure that I feel. This is my journey all along, it doesn't happen overnight nor for one month. It took me years and years of perseverance just so I could gain my what I had that time, purong dugo't pawis featuring pagod ang kapatid ng volleyball.


Why Does it Matter?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon