Chapter 3: Law of Conservation of Mass

973 52 4
                                    

"Eh, girl! You should at least try dating naman kasi! Sige na! Just try this out, kasama naman natin si Monique with her beloved cockroach, tsaka group date 'yun! May kasama pa tayo!" She said kaya naman na pahilot na lamang ako sa sentido ko. Luke smiled at me ng makuha niya kung ano na naman ang pinag-uusapan namin ni Annica. I'm in the middle of sample testing tapos kanina pa siya tumatawag.

"I'll think about it Annica!" I said kaya mas lalo lamang siyang nafrustrate.

"Anong I'll think about think about! Sasama ka!" she said and ended the call. Desisyon na babae 'yon. Agad na lang akong napailing dahil sa ginagawa ni Annica, hindi ba siya busy sa trabaho niya, akala mo hindi nagtratrabaho, palibhasa long vacation niya ngayon.

"Binubugaw ka na naman ba, Maam?" Natatawang tanong ni Luke. Kaya naman natawa na lamang din ako.

"Bugaw talaga, huh?" Sagot ko at napailing, agad kong kinuha ung vanilla extract at nilagay sa isang beaker.

"Eh, sinet-up ka na naman, Maam eh." Sagot niya kaya naman napa-iling na lang talaga ako. Madami na siyang na-witness na pambubugaw ng mga kaibigan ko sa akin at ako na ang nahihiya sa kanya.

"Naku maam, ung package na dumating sayo. Puro chocolates at pagkain, andoon sa office mo. Galing kay Sir Drew." Natatawang sabi niya kaya nginitian ko na naman siya.

Nasanay na din kasi akong si Luke muna ang tumitingin ng mga packages ko, ayaw ko ng may nakukuhang mga weird things out of those guys na nanliligaw sa akin.

"Thanks, Luke ah. Ang laki mong tulong!" Sabi ko sa kanya kaya ngitian naman niya ako.

"I'll be going na, patransfer naman ako netong sample na to sa personal bottle ko, ubos na kasi ung akin. Thank you." Agad naman niyang ginawa ang inuutos ko at nagpaalam na din sa akin.

And as I walk to the elevator, napabuntong hininga naman ako to remember that encounter on the other day. Pakiramdam ko paulit-ulit akong tinatakasan ng ulirat dahil sa nangyari. Those damn eyes, pakiramdam ko lahat ng bagay na iniiwas ko sa apat na tao bumalik ng makita ko sa personal yung mga matang iyon ulit.

I always avoid everything that is related to her, maybe my conscience or the guilt trip or just the memoirs, but I avoided it from the occasional tournament of the volleyball that she's in, from the televised form or even any news na related sa kanya, I even muted it with some of my accounts though I don't usually do social media, mahirap na. I only have twitter which is super inactive for the past four years and Instagram na may iilang photos lang naman.

Naputol ang pag-dadaydream ko ng mag-ring ang phone ko, to see it is my younger brother.

"Ark, bakit?" tanong ko and the loud noise of the background ang bumungad sa akin. I look at my clock at pasado alas siete pa lamang ng gabi. I immediately frown at the thought na nasa isang bar siya.

"Ate, don't be mad! Pero I need you here—teka!" Sigaw niya kaya agad naman akong napakunot sa sinabi niya. The loud noise from the background didn't fade at mas lalo pa yatang lumala.

"Ano ba Ark?! Asan ka ba?!" sigaw ko sa kanya, ng bumukas ang elevator agad akong lumabas to reach my office. Agad akong binati ng sekretarya ko ngunit hindi ko na siya napagtuunan ng pansin dahil dere-deretso na akong pumasok ng office.

"Ate! Back-up! Teka---Tama na!" He hissed kaya naman napukaw na ako ng pag-aalala dahil tunog ng pagkabasag ang narinig ko.

"Where the hell are you, young man?!" Sigaw ko sa phone at ang tunog ng nagkakagulo at maingay na music lamang ang sumagot sa tanong ko.

"Ate I'll send you the address, please." At namatay na ang tawag with that. I was frustrated dahil baka mamaya ay kung napano na siya. He's just a grade 12 student para mapunta sa isang bar!

Why Does it Matter?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon