Chapter 21: Neutral Charges

556 29 8
                                    


"I'll be behind you, drive safely." Maikli niyang saad and I couldn't even answer her dahil hanggang ngayon gulat pa rin ako sa nangyari kanina.

Andito na ulit kami sa tapat ng kotse ko. Ni hindi ko nga siya magawang tignan after everything na nangyari sa bahay niya. Kung hindi pa ako tinawagan ni Annica ay hindi pa kami aalis. We just stayed in an awkward silent because of that. Masyado yata kaming nabigla dahil sa sudden burst out naming dalawa. I couldn't help but feel bad about her. Lalo pa't walang emosyon ang mukha niya ngayon at mukhang gulat na gulat pa sa nangyari kanina.

So no one dare to tell her about the incident on the club... I thought the girls will talk it out to her, pero mukhang after these years walang nagsabi sa kanya.

Tumango naman ako sa kanya habang patuloy niya akong tinitignan na puno ng emosyon as her dark brown eyes bores on me like a hawk.
I bite my lower lip dahil nilamon na naman kami ng mapang-uyam na katahimikan.

"Get inside. Magagalit na iyong mga kaibigan mo." Gusto ko mang umirap dahil sa sinabi niya, clearly pertaining to Annica na kating-kating ako na nasa club, I stop myself from doing so at ibinalik ang mga tingin ko sa kanya and her eyes still lingers on me.

"Okay, drive safely." Mahina kong sabi as I look at her while she licks her lower lips, pinigilan ko ang sarili kong lumunok habang
gumagapang sa akin ang pamilyar na kaba na apat na taon ko ng hindi nararamdaman.

I immediately hop on my car as she watches me intently with her eyes directly towards me. Siya pa ang bahagyang nagsara ng pintuan ko as she waves a little to me bago ipinamulsa ang parehong kamay at prenteng tumalukod na sa akin para sumakay sa maagara niyang sasakyan. Huminga muna ako ng malalim bago sinimulang paandarin ang sasakyan ko at tahakin ang traffic papuntang Katipunan.

I can even see her Jeep Wrangler in the rear mirror na prenteng nakasunod lang sa akin sa likod. I bite my lower lips to realize that we did really touch the wounded parts of us. Poking at each other's pain while still bleeding na kami lang ang nakakagawa.

She's mad because she waited for me, practically thinking na we were just on the break back then. Hindi niya pa rin alam na I witnessed her in the bar, not until a few hours ago, and maybe hindi niya rin alam na I took care of her after that. Wala na rin naman akong balak sabihin sa kanya because I feel like there's no use. Ang tagal ng parte iyon ng nakaraan namin. Why are we going to continue gradually seeking each other's pain na matagal na naming ibinaon sa limot.

I don't know what Ven's thoughts are, pero after everything na nangyari, I couldn't even fathom to know. Parang ayoko ng malaman, ayoko ng balikan.

Ako naaawa sa sarili ko at natatangahan sa mga pinaggagawa ko noon.

Kapag naalala ko kung ano ung mga ginawa ko, gusto ko na lang sumuka. Kaya ko pa bang ibaba ung sarili ko para sa ganung bagay ulit? Parang hindi na kaya ng pride ko. Four years is not even enough to restore the broken ego and pride with me, hindi siya masarap kainin, at lalong ang sakit kapag iyon pa ung nawala sa iyo in the process of holding into it.

It's funny though I know everything, while Ven doesn't even know a thing.

Napatingin ako sa cellphone kong nakalagay sa dashboard ng sasakyan ko ng tumunog iyon, only to see Annica's name on it. I reach for it and answer the call and put it in loud speaker.

"What?!" I blurted out in pure frustration. Ang sakit na nga ng ulo ko sa mga nangyayari ay dadagdag pa siya. Bakit ko nga ba ito kaibigan?

"Girl? Kaya today?!" Sigaw niya as the sound on the background almost eat her words. 

"Lintek ka! Papunta na ako! Atat na atat kang makita ako!" Singhal ko pabalik sa kanya. Kita ko na ang Rapsatodits kaya naman muli akong tumingin sa phone ko as the phone is still on.

Why Does it Matter?Where stories live. Discover now