Chapter 15: Boiling Point

614 28 1
                                    

"Ako ng bahala sa kanya." Ven said na agad naman tinanguan ni Annica matapos niya akong akayin pababa ng kotse ni Monique. Both of my friends are showing how worried they are habang ibinibigay ako kay Ven.

Tahimik lamang akong nakatingin sa kanila habang si Annica ay pinapaalalahan pa ako. Hindi na nagsi-sink in sa akin ang mga nangyayari, apart from the tiredness that I'm feeling, nahihilo na ako kakaiyak pa mula kanina.

"Arya, just relax okay? Everything will be fine." Malambing na sabi ni Annica na tinanguan ko lang, naramdaman ko pa ang paggapang ng kamay ni Ven sa bewang ko habang iginagaya na ako papasok ng condominium matapos magpaalam nina Annica.

I feel light headed while being guided by her, kahit sa elevator pakiramdam ko lumulutang ako dahil hindi ko na naiintindihan ang nangyayari.

I feel like I was frozen in the scene a while ago, ung pagwawala ni Caleb, the confusion and worry on my mother's face and my father's grudges towards Caleb at ang ideya nila sa aming dalawa ni Ven. Pakiramdam ko sasabog ang ulo ko habang iniisip ang mga taong nandoon kanina habang nawiwitness ang nangyari. Nai-imagine ko pa lang lahat ng possible scenarios parang bibiyakin na ang ulo ko.

Narating namin ang floor ng unit ni Ven pero wala pa rin akong kibo at tulala lamang habang hinahawakan niya ako upang gabayan kung saan pupunta. Binuksan niya ang pinto ng unit niya at iginaya ako papasok. She guided me towards her bedroom and carefully place me to her bed, ang pamilyar na amoy ng citrus ang nagpahiwatig sa akin na nasa kwarto nga talaga niya ako.

"Hey." Malabing niyang bigkas kaya dahan-dahan akong tumingala sa kanya habang nakaupo sa kama niya.

"Come here, baby." She softly said at iginaya ang ulo ko at inilapat sa tyan niya, I can feel her hands reaching for my arms at marahan iyong ipinulupot sa bewang niya. I feel warm and brought back to my reality because of her. Tahimik kong isinubsob sa tiyan niya ang mukha ko, soothing her heat, habang niyayakap siya ng mahigpit. I couldn't cry anymore dahil naubos na yata ang luha ko sa kotse pa lamang habang pauwi dito.

"Shh...Hush now, Yanna." Marahan niyang saad habang hinahaplos ang buhok ko. On the idea that I run out of tears makes it a fraud when my eyes started crying again. Alam kong lumalandas ang luha ko sa tiyan niya kaya nararamdaman niya iyon. I cry in her silently, while she stands there, hinayaan niya akong umiyak as she just embraces me inside her aromatic room. 

"Natatakot ako." Mahina kong bulong sa katawan niya. With that whisper mas hinigpitan pa niya ang yakap sa akin. I can feel how fear is creeping out the hell out of me. Caleb now knows, my parents' now have the idea, even my relatives. Hindi pa ako handa, I didn't expect everything to be this painful and out of control. I feel like I lost the path on how to handle this. Natatakot ako kasi baka isang pitik pa ay bumigay na ako.

Ang hirap at ang sakit. Ang hirap na hindi masabi sa mundo kung ano ka, it's hard to show everyone how you feel especially when it's against their view in life. What Ven and I have is something so special yet something that the society is not yet ready for. At 'yon ung masakit, I couldn't gain the strength to go against their views, I couldn't gamble the possibility that the people are around me will accept me. Natatakot ako sa reaksyon ng parents ko. Natatakot ako sa sasabihin ng ibang tao. I'm envelope by fear and doubts on this, pero hindi ko kayang bitawan si Ven. Hindi ko kayang wala siya, at ang sakit-sakit dahil ang hina-hina ko para sa kanya.

"Let's rest baby, we'll talk about this tomorrow, okay?" Bulong niya sa akin matapos niyang kumawala sa yakap ko.

"I'll get you some clothes. Wait here." She said at marahan akong hinalikan sa labi. Gusto ko na lamang maiyak habang tinitignan siyang inaasikaso ako after this disastrous day. I just wanna hug her till we both feel better and till the worlds forgets about how stupid their stereotypes are!

Why Does it Matter?Where stories live. Discover now