Chapter 20: Specific Heat

530 34 8
                                    

"Anak, andito na ung truck, tapos ka na ba diyan?" Baka sang pag-aalala sa tono ni mama sa kabilang linya. Inipit ko pa sa pagitan ng balikat ko at tenga ko ang phone ko para lang hindi iyon malaglag.

"Opo, mama. Tapos na may dadaanan lang po ako bago bumalik." Naputol ang sasabihin ko ng sipain ko na pasara ang pintuan. Ibinababa ko saglit ang mga supot na dala ko sa magkabilang kamay at kinuha ang phone sa balikat ko.

"O siya, mag-ingat sa byahe, a." paalala ni mama bago ibaba ang tawag. Bumuntong hininga pa ako bago ilibot ang paningin sa unit niya. Sa huling beses.

For the last time, dahil umalis na ako sa unit ko sa condominium na ito. Not my decision though, si papa kasi ay nakakuha ng unit sa may Paranaque kung saan malapit ang airline na pinagtratrabahuan niya. Naisip niyang ibigay na lamang sa akin iyon dahil hindi niya gusting tumira doon. Of course he wouldn't leave my mother dahil para siyang nababaliw kapag nalilingat siya kay mama sandali. So I decided that I will take the condo instead. Siguro a part of me really wants to avoid and create space between us, and this is an opportunity so I will gladly take it.

Kinuha ko na ang mga pinamili ko at inilapag ang isa sa couch at ang isa naman ay sa counter top niya. I restock her fridge with Gatorade, of course, some instant food for training, easy to cook meat and some other food that she will be needing. Matapos noon ay kinuha ko naman ang nilapag ko sa couch na bag at dumiretso sa bathroom niya sa kwarto, I restock her toiletries and some other hygiene products dahil madalas siyang makalimot rito.

Sa tabi ng table ng bedside table niya ay iniwan ko ang isang memo pad para sa mga bagay na kailangan niyang bilhin kapag nagkataong naubusan na siya. Even the brands are listed there, para hindi kung ano-anong bagay ang binubunot niya. I look at her cabinet and even see some of my clothes there pero hindi ko na lamang iyon ginalaw doon.

Matapos kong gawin ang lahat ng iyon ay muli kong tinignan ang unit niya, I breathe a deep breath dahil siguro ito na ang huling beses na makikita koi tong unit. I can feel the lump on my throat so I swallow hard enough for me to contain what I feel.

Nang tumunog ang phone ko ay nakita ko ang isang online call galing kay Dwayne kaya agad ko namang sinagot iyon.

"Dwayne bakit?" Bungad ko sa kanya, narinig ko naman ang sigawan ng mga players sa kabilang linya.

"Arya, narinig kasi namin kay coach na hindi ka na aattend sa amin. Arya..." bakas ang lungkot sa mukha niya kaya naman malungkot akong napangiti.

"A, oo Dwayne, e. Pasensya na, gusto ko kasing mag-focus sa last year ko sa college, e. Madalas rin akong wala na sa school niya." Mahina kong bulong, narinig ko pa ang pagsinghot niya kaya naman naramdaman kong bumigat lalo ang dibdib ko.

"Arya naman, e! paano na kaming mga hindi pa gragraduate?" Narinig kong sigaw ni Tim sa kabilang linya.

"I'm sure kaya niyo iyon, kayo pa ba?" Natatawa pero malungkot kong turan pa sa kanila. I bite my lower lips ng marinig ko na ang marahan nilang iyak.

Napapitlag naman ako ng biglang bumukas ang pinto ng unit at iniluwa noon si Ven, napalunok pa ako ng makita ang gulat sa mukha niya. I can see how she scan me for a moment and stares at me directly afterwards.

"I'll call you later guys. Si Ven..." Napaismid siya ng sabihin ang pangalan niya kaya ibinabab ko na ang tawag. As I stared at her ngayong ko lang napansin ang duffel bag na hawak niya, she's just wearing a black crop tank top and a pair of maong jagger pants with her signature shoes of her. Namiss ko lang siya,
ngayon ko lang narealize na I miss her.

"Bakit ka andito?" Sa lamig ng boses niya ay napabalik ang tingin ko sa kanya. I gulp at her at umiwas ng tingin dahil hindi ko kinakayang pati ang mata niya ay malamig na tinitignan ako.

Why Does it Matter?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon