Chapter 27: Sollubility

592 33 2
                                    

After five months...

"Maam, more fragrance oil pa po, ano?" Tanong ni Luke sa akin kaya inabot ko naman ang test tube na hawak niya at bahagyang tinapat iyon sa aking ilong. The scent is there but it is not fully evident lalo na sa pang-amoy. I slightly nod on him bago ibalik ang test tube sa kanya.

"Sige, maam. Ire-recommend ko kay Will bukas." Tumango naman ako ulit ng bahagya habang kinakamot ng bahagya ang ilong ng mahubad na ang disposable gloves ko.

"C'mon, Luke. Bukas naman na ulit. Anong oras na, o!" I said and even show him my wrist watch kaya naman tumawa siya. Namomoblema naman akong tumingin sa orasan ko rin at pasado alas otso na ng gabi, pero gusto ko pa ring magkape. This struggle is really making me whip on my own. Baka mamaya dumilat na naman ako buong gabi, sisinghot na lang ako ng coffee bean para naman matanggal ang halo-halong amoy sa aking ilong.

Pinindot ko ang elevator at pumasok na roon habang hinihilot ng bahagya ang ilong. I can even smell the mix scent of hyacinth in me along the vanilla extract and even some jasmine in me. Ang sakit sa ilong dahil halo-halo na iyon.

Nang tumungtog sa palapag ng office ko ay siya ring pagtunog ng phone ko. Agad ko iyong sinagot ng makitang si Monique ang tumatawag.

"Hello, girl?" bungad ko at ang marahas niyang buntong hininga ang bumungad sa akin. I frown on my own at tinanguan ang sekretaryang bumati bago tuluyang pumasok.

"Annica's not coming home!" Napataas naman ang aking kilay sa sinabi niya. Her sighs are full of frustration habang ako naman ay nagtataka.

"O? Bakit daw? Nabuntis na?" I chuckle on my remarks and for sure kung maririnig man ako ni Annica ay sasabunutan niya ako. I sit on my swivel chair at bahagya pang-inikot iyon.

"It's top secret daw, e! I don't know! What will I do with that girl! Tsaka paano iyong celebration natin?!" I think she's on the verge of crying kaya naman napahilot na lamang ulit ako sa aking ilong dahil sa naririnig ko.

"Hush... Monique! Masama sayo ang stress remember! We're positive right?! Magcecelebrate tayo syempre! Even without Annica!" Natatawa pa ako iniisip pa lamang that we will celebrate without Annica at ang nagtatapo palang niyang mukha ang nakikita ko ay tawang-tawa na ako.

"Okay... I'll prepare a maternity dress. Where can I find that? Do I need to buy one? Nahihiya naman ako dahil hindi ako sanay sa ganun but, sige na nga." She sighs in defeat bago tuluyang nagpaubuya. I laugh at her dismay.

"Ano ka ba! I know you can do this! For sure it will be a normal delivery!" Natatawa ko pang saad. Nahimigan ko na naman ang isang buntong hininga sa kanya.

"C'mon Monique. We still got three months to prepare. Kaya natin ito." I said at marahang nagpakawala ng ngiti kahit pa hindi naman niya ako nakikita. I know it will be difficult for her, well everyone has their first time in life. Natutuwa lang ako that this is Monique time.

"Okay... Arya thank you. Kinakabahan kasi talaga ako. What if anything goes wrong—"

"Nothing will go wrong, Monique. Wala ka bang tiwala sa sarili mo?" And here is her sigh again. Kabado-bente na naman ang kaibigan ko.

"Okay... I'll keep calm. May three months pa before the delivery... No stress." Gusto ko mang tumawa dahil sa pangungumbinsi niya sa sarili niya ay hindi ko na ginawa. I smile giggly on the thought of my worried friend.

"Okay... I'll hung up na, I'll make a call with Annica para malaman ko kung anong problema niya. A'right?" I ask at nagpaalam na narin naman siya sa kabilang linya.

Sumandal ako sa swivel chair ko bago sinubukang i-video call si Annica. Though I prefer voice call, ayaw naman niya dahil hindi daw niya gusto ang boses niya kapag video call. I don't know it there's a different in the frequencies on the part of the voice kasi pareho lang naman ang tunog niya sa akin, besides mamaya mag makita na naman akong naka-boxer lang sa background. Diyos ko po, kung buntis na po si Annica. I want a boy po, pero sana hindi kasing harot niya.

Ninang na ninang naman ako sa naisip ko. And to my dismay ay wala ring sumagot sa akin. No one received the call kaya naman nagdesisyon na akong umalis ng opisina.

Nang patunugin ko ang kotse ko ay naisip ko munang mamili ng mga kailangan ko sa bahay. I badly want to make the house lively, halos isang taon pa lamang ako doon ay parang sobrang lungkot na ng buhay ko. I sigh bago pa may ibang ideyang pumasok sa utak ko at pinandar na ang sasakyan ko.

I got to Ortigas nang medyo late na dahil binabaha pa rin ng traffic ang buong kahabaan ng Cubao. Nang makapag-park ay agad rin akong bumaba sa kotse ko at pumasok na sa mall. I first stroll some of the home appliances and furniture, gusto ko na sanang ayusin ang mga guest room ng bahay, pati ang office room na balak ko sa isa pang kwarto sa second floor ay gusto ko na ring pagtuunan ng pansin. My file of chemistry books and perfumery collection ay naalikabukan na sa kwarto ko dahil walang maayos na lalagyanan. Some of the furniture are soft and subtle, wala iyong tipo kong mga mahogany colored, or kahit mga wood furniture. Kahit sa blinds ay wala rin akong nagustuhan. Wala na yatang pag-asa ang taste ko sa lifetime na ito.

Even with a slight disappointment in me ay nagtuloy na ako sa pagbili ng mga pagkain. I want some beer tonight at ang iilang chips. Hindi naman ako mahilig kumain and aside from I don't have a figure to maintain ay wala akong kaso sa sa pagpili ng mamakakain. I pick out some meat and some vegetables. Some probiotic drinks and some other necessary stuffs. Kahit pa gusto kong mag-stroll sa mall at sa department store ay mas gusto ng aking katawan ang humilata sa couch ko at manood ng kung ano-ano. I'm too drain to even have the guts to window shop.

Matapos mag-grocery ay tinahak ko na agad ang landas pabalik sa kotse ko at nagdrive pa-uwi. Nang makarating ng bahay ay agad kong nilikom ang mga pinamili at dinala na sa counter top ng kitchen ko. Pagkatapos ayusin iyon ay puwesto na ako sa couch ko, not even minding na magpalit ng damit at binuksan ang tv. Not to watch anything but just to have a background noise while I browse for online shopping ng mga gamit ko para sa office and kwarto ng guest rooms.

I scroll through some random online shop. Puro ako add to cart dahil wala naman akong mapili sa mga nakikita ko. Once I saw something good, I will see something better! Nakakairita!

Humiga pa ako sa sofa ko at ginawang unan ang throw pillow ko at bahagyang inabot ang beer na nasa table at lumagot doon. I stop mid-way ng makita ang isang charcoal colored desk. Ang ganda dahil andaming under drawers at malapad pa. Agad ko iyong in-add to cart at nag-scroll pa ulit. Uminom pa ako sa beer ko bago tumuloy.

Ultimate women's volleyball sensation, Iyssa Veriance Montevedra has been rush to the hospital this morning because of her severe knee injury on her left leg. A big bone bruise, Anterior Cruciate Ligament (ACL), Medial meniscus and some dislocation on her fingers due to a bad fall earlier this morning in the game against the women's volleyball team of Thailand. There is still no official statement about her condition from her team.

Literal na naibuga ko ang beer na iniinom ko dahil sa narinig. I look at my tv at wala na ngayon iyong news flash na kaka-play lamang kanina. I look at my phone na nabitawan na and even felt my pants wet because of the beer that I spit out.

Nanginginig kong pinulot ang phone sa gilid at agad na nag-search sa internet about doon. Flood of news are spreading on my screen habang tahip-tahip naman kaba sa dibdib ko habang binabasa ang mga balita tungkol doon. There's even a news that her mother demanded that she has to be brought back her in the Philippines immediately o sisirain niya ang buong liga na kinasamahan ni Ven. Oh my gosh, her mother and her rage!

Napahilot ako sa aking sentido habang pilit na kinakalma ang sarili. Mariin pa akong napapikit dahil para akong nagpapalpitate dahil sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko. I feel disoriented by the news itself at naiimagine ko palamang ang pagbagsak niya at ang sakit sa tuhod niya—Oh my Gosh! Her volleyball career!

Akala ko ba wala ka ng pakialam? Now, what is this Aryanna Gayle? Akala ko ba after ng gabing iyon ay wala na? Tapos na? What's with your flipping heart in so much nervousness at pag-aalala sa kanya.

Why Does it Matter?Where stories live. Discover now