Chapter 17: Freezing Point

542 28 2
                                    

"Anak, halika na kumain ka na." Narinig ko ang boses ni mama pero hindi ko siya kayang harapin. Ramdam kong maga ang mga mata ko kakaiyak buong gabi. Para na akong timang dahil kada gigising ako, wala akong ibang ginawa kundi umiyak. It's a Saturday morning pero mukha akong nagluluksa dito sa kwarto ko.

Umuwi muna ako dito sa bahay ng parents ko dahil pakiramdam ko sinasakal ako ng unit ko. Every space that exist there reminds me of Ven. The volume of that unit makes it difficult for me to breathe dahil kada lilingon ako si Ven ang nakikita ko, si Ven ang naamoy ko, hinahanap-hanap ko.

Ilang araw ko na siyang hindi na kikita. She won't return my calls and messages, hindi na rin siya nag-online sa mga social media accounts niya. I would leave a message there every day that passed pero walang sumasagot sa akin, kahit pag-seen ay di niya nagawa. I'm starting to get worried about her whereabouts, nag-aalala ako dahil baka kung asan na siya.

"Nak, kahapon ka pa hindi kumakain. Aawayin na ako ng tatay mo." I can feel that my mother sat at the edge of my bed pero hindi pa rin ako lumingon sa kanya. Huminga ako ng malalim ng maramdaman na naman ang mga luhang nagbabadya sa akin as guilt creeps in me because my parents are getting worried for me. Nakakahiya.

"Aryanna Gayle, kausapin mo nga ako." Napasinghat ako ng marinig ang seryosong boses niya. I bit my lower lip para pigilan pa ang mga luhang nagbabadya sa akin upang hindi niya makita. I feel like I look like a fish because of my puff eyes!

"Ma." Mahina kong tawag sa kanya habang unti-unting bumabangon mula sa pagkakahiga. Right exactly when I saw my mother soft and worried face, hindi ko na nagawang pigilan pa ang mga luha ko. Nagmamadali naman siyang lumapit sa akin at ikinulong ako sa isang yakap. Mas lalo akong napahagulgol when I feel her hug. I feel like breaking down all over again because of her hug.

"Tahan na, anak." Mahina niyang bulong sa akin habang sinusuklay ang buhok ko.

"Ma... ang sakit... ang sakit-sakit." Putol-putol kong bulong sa kanya habang hindi na mapigilan pa ang mumunti kong mga hagulgol.

I can feel her deep breaths on me habang mahigpit akong kumakapit sa kanya. I feel so lost again while crying on her. Pakiramdam ko ang hina-hina ko na naman dahil hindi na naman ako tumitigil sa pag-iyak. Parang hindi na nauubos ang luha ko. Parang 'di napapagod ung mga mata ko pero ako pagod na pagod na.

"Shh..." Mahina niya lamang saad habang patuloy pa rin akong umiiyak sa kanya. Marahan niya akong inialis sa yakap at iniharap sa kanya at tinignan ako ng mabuti.

She fix some wet strands of my hair habang titig na titig sa akin. I can still feel my tears flowing in me habang patuloy niya lamang hinahawakan ang basa kong mukha. I feel ashamed for my mother because she never raised me to be weak, lagi niyang sinasabi noong bata ako na I should not cry on petty things. Pero ngayon? Durog na durog ako dahil sa punyetang pagmamahal na iyan!

"It's not your fault if a person cannot wait for you till you're ready, Aryanna." Mas lalo akong napahagulgol sa sinabi niya. I feel like a part of me wants to believe her, wants to hold up to her words pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya.

"Anak, listen to me." Seryoso niyang salita habang itinataas ng bahagya ang ulo ko para direktang tumingin sa kanya. I look at her again with eyes over-flowing with tears.

"Annica told me what happened, at mukhang hindi lang iyon ang nangyari. Aryanna, hindi mo kasalanang hindi ka matanggap ng mga tao sa paligid mo. It's your job to accept yourself first, and that's the first thing you should work for. Alam ko na may part na sa iyo that accepts, Veriane. Pero if you always get move by other's people thinking, hindi mo mapapanindigan ang sarili mo." She said kaya naman ay naiyak na naman ako ulit. I could help but get hit by her words. Bakit ba ganto ang nanay ko? Akala ko ba chemical engineer siya? Bakit ganto?!

Why Does it Matter?Where stories live. Discover now