Chapter 5: Carbon

760 53 2
                                    

"Teka, ung kotse ko kasi-" Hindi ko na natuloy ang sinabi ko ng i-lock na niya ang seatbelt na suot ko. Halos hindi ako makahinga ng makita kung gaano siya kalapit sa akin, amoy na amoy ko na ang pabango niya dahil sa lapit ng distansya naming. Those scent, iyon na iyon pa rin.

"Babalik din tayo agad, we're just gonna get something." Sagot naman niya kaya nanahimik na lamang ako, wala rin naman akong magagawa dahil andito na kami sa loob ng sasakyan niya. I look at her ng buksan na niya ang makina ng sasakyan niya and start driving. I felt like I was kidnapped!

"Dadaan lang tayo sa bahay ko, para maibalik ko na sayo ung mga gamit mo."She said kaya agad akong napatingin sa kanya. Bahay niya? Bigla akong napalunok ng maalala na naman ang gabing dinala ko siya sa bahay dala ng kalasingan niya. I feel like a hoard of butterflies fly around my stomach by just remembering her sleeping face. Umayos ka nga self! You are not helping!

"Thank you again, for helping me on the other day." She said while straightly looking at the road, pakiramdam ko mas lalo siyang gumaganda dahil sa pagtama ng iilang illaw galling sa labas ng sasakayan sa mukha niya, agad akong napatingin sa mga daliri ko at dahan-dahang kinutkot ang mga iyon para maibsan ang kabang nararamdaman. I'm so freaking nervous na halos manginig na ung laman ko at ni hindi ko alam kung bakit!

"You're a-always welcome." I said at tinignan siya saglit at yumuko na ulit para kutkutin ang mga daliri ko. I try to bit my lower lips dahil hindi ko maiwasang magaralgal habang nagsasalita.

"You're nervous." She said in a straight voice kaya agad akong napatingin sa kany na hindi naman inaalis ang mata sa kalsada.

"Ah? Ah hindi!" I said at hinawakan ang seatbelt para hindi na muling magtama ang mga daliri ko, naramdaman ko ang panlalamig dahil tuluyan na akong kinakain ng kaba.

"You're playing your fingernails, kinakabahan ka. Bakit?" She asks at bahagya pang lumingon sa akin, kaya agad naman akong natitig sa kanya. She's just continue on driving, hanggang sa makapasok kami sa isang subdivision malapit lang din sa bahay ko, so this is where she lives.

"Uh. Ano? Kasi-" she cut me off just by looking at me intently kaya natahimik na naman ako. Something about those dashing eyes makes me shut my mouth every damn time. Walang nagbago, hanggang ngayon lagi pa din akong natatahimik.

"Bakit ka kinakabahan sa akin?" She asks directly to my eyes, halatang nag-aabang ng sagot mula sa akin, gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa dahil pakiramdam ko isang malaking kasalan iyon. She looks at me with full of questions in her eyes kaya halos manigas ang buong katawan ko.

"C'mon." she let go of the topic ng agad siyang bumaba ng sasakyan niya. I'm left there hanging by the thought of why?

Bumaba na ko ng kotse niya at ang bahay niya ang bumunga sa akin, the two-storey housein off-white color with a touch of blue. Her house is just so simple yet elegant, andami na siguro niyang achievement to make it up to this.

Nang buksan niya ang gate, agad niya akong tignan at tumango like gesturing na sumunod ako sa kanya, I look at her at napakagat sa ibabang labi ng mapagpasyahang humakbang na pasunod sa kanya. And I'm never mistaken ng makita ang loob ng bahay, the minimalist style of the whole area is so soothing to the eyes with the color dominance of white and all the shades of blue, from the lightest and smallest details to the largest and biggest furniture. Nang buksan niya ang iilang ilaw ay mas lalong nadepina ang iilan pang simpleng detalye ng bahay. She looks at me habang iniililibot ko ang tingin sa bahay niya.

"Upo ka muna diyan, I'll just get your duffel bag." She said at naglakad na paakyat sa second floor ng bahay niya.

I just stand there, ayokong maupo dahil mas gusto kong ilibot ang mata ko sa bahay niya, the lights are dim kaya medyo madilim na sa iilang sulok, the lights are so simple, it's just hanging there illuminating her living room area, her midnight blue sofa fits perfectly in front of her television, nakadisplay din ang iilang trophy sa isang malaking shelf kaya lumapit ako para pagtuunan iyon ng pansin.

Why Does it Matter?Where stories live. Discover now