Chapter 16: Melting Point

614 28 22
                                    

Alam mo ung pakiramdam na sobrang pagod ka na, hindi mo na alam saan ka kakapit? Hindi mo na alam kung anong gagawin, saan magsisimula?

"Tangina." Mahinang sabi ni Ven habang padabog na hinuhugasan ang mga pinagkainan namin. Kulong-kulo na ang dugo ko habang marahan siyang naglalabas ng galit sa mga kubyertos ko dito sa apartment. Ikaw ba bumili niyan para bigyan mo ng chance masira?!

"Ano ba 'yan? Kung ayaw mong mag-hugas, ako na." Pikon kong saad sa kanya habang tinitignan siyang nakatalikod at naghuhugas sa sink.

"Ako na, baka sakaling kahit man lang dito mabawasan ko yun burden mo." Madiin naman niyang sagot at pabagsak na inilagay sa lalagyanan ang mga kutsara't tinidor.

"Ano ba?! Mukhang mas balak mo pang basagin bawat plato diyan eh!" Balik kong singhal sa kanya. Bigla naman siyang humarap sa akin na nakakunot ang noo habang naka-arko ang mga kilay, inirapan ko naman siya dahil inuubos niya lang ang pasensya ko sa araw na 'to.

"I'm trying to help, Yanna!" She pointed out meaningfully at pabalang na binitawan ang inaanlawang mangkok. Napaigtag pa ko sa malakas na tunog na ginawa noon.

"Alam mo Ven, kung galit ka sabihin mo! Don't put me on this kind of treatment!" sigaw ko at pabulong pa kong napamura dahil naputol na ang pasensyang kaya kong ibigay sa kanya ngayong araw. Ang bigat-bigat na ng loob ko habang tintignan siyang tumingin sa aking na may hindi makapaniwalang mukha.

"So invalid na rin ung galit ko?! Invalid na rin ung sakit na nararamdaman ko?!" Sigaw niya kaya naman masama ko siyang tinignan dahil sa sinabi niya, sinalubong niya lang ang tingin ko ng mas matalim niyang titig.

"I'm not saying your feelings are invalid! Sinasabi ko lang, talk to me! Don't put me in that silent treatment of yours!" I roared at her habang siya naman ay tumawa ng mapang-asar sa harap ko habang tinitignan ako like I'm a big joke right in front of her.

"I'm still mad, Yanna. Don't force me to talk dahil ayokong magsalita sayo na puno ng galit." She stated at umiling sa akin gamit ang puno ng disappointment niyang mukha and walk out on me.

Napaupo na lamang ako sa stool na malapit sa akin at napahilamos sa kamay ko. I don't even know what's happening.

It's been three weeks since Ven's mother poisoned my system. Pakiramdam ko bumalik ako sa zero percent ng self-improvement process ko dahil sa lahat ng sinabi ng nanay niya. Hindi naman naming napag-usapan dahil lagi siyang umiiwas sa akin whenever I go near her. Kahit pa sinusubukang niyang magstick sa routine namin, I know that she doesn't like the idea of having me near her radius.

At bawat araw na dumadaan, mas umo-unti na naman ang pasensya ko sa kanya. I try to reconcile with her in a silent way. Lagi kong niluluto ang paborito niyang ulam, pack her clothes for training and prepare her uniform for the games, lalo pa't ngayon ay abante na sila sa finals. But she just won't talk to me lalo pa't damang-dama ko ang galit at disappoint sa kanya when I left her with her mom. Akala ko nga ay hindi na kami mag-uusap after that, pero ng makita ko siya sa unit ko at nahiga sa kama ko that night parang gusto kong magrosaryo sa sobrang pasasalamat.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan sina Annica.

"Oh, girl? Away pa rin kayo?" Bungad niya kaya naman napabuga na lamang ako ng hangin sa tanong niya.

"Ayan, ayan. Hayst. Mag-ayos ka na, last game na nila mamaya oh, 'tas ginalit mo pa ung captain. Kapag di nila nauwi ang korona pabalik ulit ng taft, aawayin talaga kita!" Singhal niya sa akin kaya naman gusto ko na lamang umirap sa sinabi niya.

"Leche ka, hindi ko ibigay sayo tickets natin eh." Panakot ko naman sa kanya kaya naman bigla siayng tumawa.

"Aliw ka girl! 'Di mabiro eh! Andito na ung banner mo, oh. Tara na ready na ko!" Tili naman niya sa kabilang linya kaya naman napatingin ako sa relo ko. It's past 10 am pero ang almusal naming dalawa ay fresh bacon and fried rice ft. away.

Why Does it Matter?Where stories live. Discover now