Chapter 10: Chemical Reaction

605 46 2
                                    

"Hoy! Busangot ka na naman diyan."

Simimangot ako ng makita ang tagumpay sa ngiti niya habang bumabalik sa pwesto ko sa gilid ng court. Gusto ko sanang umiwas ng tingin dahil ayaw kong suminghap lalo pa sa suot niya ngayon. Their fit uniform accentuated her body more, sobrang fit sa kanya na bawat kurba ng katawan niya ay naka-angkla doon. Kung hindi ako napapalunok, minsan ay gusto ko lamang umiwas ng tingin dahil hindi ko namamalayan kung saan napupunta ang mata ko. Meron 'din naman ako niya! Hindi lang ganun kalaki!

The players are now busy calming themselves. Si Ven, in her green uniform, ay tumabi na dito sa gilid ko, agad naman akong umusod para hindi kami masyadong magdikit, napatingin ako sa hita niya ng ayusin niya ang kneepads niya. Her legs are not exposed kahit pa sobrang ikli ng cycling shorts ng uniform nila dahil covered with compression tights pa rin ang mga binti nila.

"Pagnanalo kami, pagluluto mo ko." Ngiting-ngiting sabi niya, inirapan ko naman siya at akmang hahampasin ng clipboard ko kaya sinalag naman niya iyon. Narinig ko pa ang mahina niyang tawa habang inaasar ako.

"Lagi na kitang pinagluluto! Mahiya ka naman! Bayad-bayad din!" Sita ko sa kanya kaya naman tinaasan niya lang ako ng kilay. Nilingon ko si Coach Rem dahil kausap na niya ngayon kasama ang kalaban na team nila Ven ang mga presiding referee ng laban.

Months have passed so quickly ng hindi ko namamalayan, and the season has officially start. Nagulat na lang din ako na eto na ang unang laban nila, alam ko lang kung hindi madalas ay laging present si Ven sa bahay ko para makikain at makigulo sa mga gawain ko, minsan ay nagpapaturo about sa mga ka-team mates niya at minsan ginagawa niya pa kong human research machine dahil halos lahat yata ng kailangan niya sa iilang units niya ay kinukuha niya sa data na pinapagawa sa akin ni Coach. Oo, halos lagi kaming magkasama.

May mga pagkakataon na natutulala lang talaga ako sa kanya, kapag ngumingiti siya o kaya ay masyadong naka-focus sa pinapanuod namin sa Netflix na napapanguso pa siya minsan. Hindi ko akalain na sobrang maninibago ako bigla pero habang andyan siya, ang sarap damhin ng pagbabagaong nararamdaman ko habang tumatagal na nakakasama ko siya.

"Alam ko namang sapat na nakikita mo ko araw-araw." Mayabang pa na sabi niya kaya inirapan ko naman siya.

"Hoy! Arya! I-goodluck mo naman ako!" Natatawang sabi ni Kim kaya naman natawa ako sa kanya. Minsan naiilang ako sa kanila dahil walang habas nilang sinasabi sa akin na type at crush ako ng iilan sa kanila pero madalas ay nasasanay na lang din ako. They are so fun to be with, ang iba sa kanila ay likas na madaldal talaga, ung iba clingy pa minsan.

"Goodluck! I know kaya niyo 'yan." Sabi ko kaya naman sumuntok sa ere si Kim na akala mo nanalo na sila dahil sa bati ko. Nagulat naman ako when Dwayne suddenly hug me. Ang liit-liit niya kaya halos hanggang balikat ko lang siya. She's such a tiny treasure to the team.

"Arya! Kinakabahan ako!" Sabi niya at nag-pout pa. Natawa naman ako as I gently caress her tightly ponytail hair, ang medyo kulot niyang buhok ay sumasabog dahil sa pagkakatali. Mas hinigpitan niya pa ang yakap sa akin at sumiksik sa dibdib ko. This is what I mean by clingy. Si Dwayne talaga ang pinaka makulit sa kanila.

"Hey! Tama na 'yan!" Sita ni Ven sa kanya na sinamaan naman ng tingin ni Dwayne, inirapan lang niya itong maliit na nakayakap sa akin at pilit inaalis ang yakap ni Dwayne sa akin.

"Selosa mo naman Cap! Jowain mo muna!" I feel like my pupil dilated dahil sa sinabi ni Dwayne. Kinagat ko ang pangibabang labi ko upang pigilan ang pagsinghap. Hinatak naman siya ni Ven mula sa uniform niya kaya naman nakawala na ako sa mahigpit niyang mga yakap.

"Manahimik ka, liit." Madiin naman na sabi ni Ven kaya dinilaan lang siya ni Dwayne na parang nang-aasar pa at tumakbo na paalis. Hindi na yata natapos ang mga araw na kasama ko sila ng hindi nila ako inaasar kay Ven, minsan naasiwa ako pero mas madalas ko lamang pinagsasawalang bahala kahit pa minsan halos magwala na ang dibdib ko sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko.

Why Does it Matter?Where stories live. Discover now