Chapter 14: Pressure

666 32 3
                                    

"So? Anong plano? Shit! Coming 20's ka na din! Nakakaloka!" Tili ni Annica habang inilalapag ang lunch namin for today, agaran ko namang kinuha ang iced coffee ko para magising ulit ang diwa ko.

"Nababaliw na ko guys, 'di ko alam paano ko isu-survive etong third year!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Monique habang tinitignan lahat ng kailangan niyang readings, alam ko pinapaulit sila ng dissection dahil halos masuka-suka daw ung isa nilang kagrupo kaya bokya sila sa prof nila.

"Girl, natutulog ka pa ba?!" Tanong sa akin ni Annica ng tignan niya ako.

"Hindi ko alam kung nakatulog ako kanina." Sagot ko sa kanya at uminom pa ng kape ko, hindi ko na pinalagyan ng vanilla 'to ngayon para tumapang-tapang naman. Diba self? Tumapang-tapang? Kaya mo 'yon?

"Pero girl, anong nangyari ba? Di ka na nagkwento!" sita sa akin ni Annica. Inirapan ko naman siya bago sumandal sa back rest ng upuan ko at pumikit. Narinig ko pa siyang sinita si Monique na ngumangawa na naman dahil sa struggles niya, I guess lahat naman kami nahihirapan na sa third year namin, kaya pala sobra ako kung kulitin ni Ven noon dahil sobrang nakakamatay na pala 'to.

Katatapos lang ng biggest work na kailangan kong i-accomplish, demonstration about nuclear chemistry, at halos matunaw na ung utak ko kakagisa ng panel sa akin kanina. Parang gusto ko na lang maging molecular size ng sarili ko, or mag-fission kanina para lang mawala sa harap nila. Thankfully, natuwa naman sila sa presentation ko, kinausap din ako ng prof ko kanina na kung pwede ba naming pagdiskusyunan ang isang conference about sa isang offer ng school, Um-oo naman din ako dahil sayang ang opportunity.

"I said I need time." Sagot ko sa tanong niya, pagkadilat ko namataang kong nakataas naman ang isang kilay ni Annica sa akin.

"Ay, bongga ka bakla! I need time, lintek! Parang normal na linyahan ng mga heartbreaker ah!" maarte at mapang-uyam na pang-aasar niya sa akin kaya naman inirapan ko lang siya.

"Anong reaksyon niya?" Tanong naman niya sa akin ulit, kaya sumimsim na muna ako sa kape ko.

"Tahimik noong una, and she asked why." I said at medyo ngumiwi pa.

"You need time? Bakit Arya hindi kaba sigurado sa akin? Sa atin?" She asked in disbelief, habang bahagya pang lumalayo sa akin. Agad ko namang hinabol ang mga pisnge niya upang pakalmahin siya, the familiar pain in her eyes were striking again na nagpabigat lalo sa puso ko habang tinitignan siyang nagkakaganito. Ang sikip-sikip ng dibdib ko habang tinitignan siyang lumalayo sa akin, ang sakit.

"No, no. Ven. I just need time." Sagot ko naman sa kanya, habang inaalo siya. Bahagya niyang iwinaksi ang kamay ko na nakahawak sa pisnge niya. Nagulat man ako sa reaksyon niya ay hindi ako natinag.

"Why?" Punong-puno ng sakit na sabi niya. Napasinghap ako sa reaksyon niya, lalo na ng magtubig ang mga mata niya. Damn! How could I put this woman in such pain!

"I just need to adjust, to my friends, my family and those...people around me." Marahan kong sagot sa kanya, bahagya pang umirap ang magaganda niyang mata bago ibalik ang masakit na titig sa akin. I can feel my insides turning up lalo pa't nakita kong dismayado siya sa sagot ko.

"Ibang tao na naman, when will it be me? Kelan mo iisipin ang sasabihin ko, Yanna?" And with that natahimik na lamang ako. I look at her as she shook her head with dismay on her face. Kagat-kagat ko lamang ang labi ko ng ma-realize ko kung gaano ako ka-unfair sa kanya.

"Yanna, I just want to be your woman. Mahirap ba iyon?" Hindi ko na napigilan ang maiyak sa linya niya. Nang makita niya akong lumuha, agad siyang lumapit sa akin.

She instantly utters a curse underneath her breath habang tinitignan ako na naiiyak, para pa siyang natanga habang inilalapit ang distansya sa pagitan naming. Parang nagbara ang lalamunan ko ng makita kung gaano siya kalambot pagdating sa akin. Konting iyak ko lamang, aaluhin niya na agad ako. Pero ako? Hindi ko man lang magawa yung bagay na gusto niya para sa aming dalawa.

Why Does it Matter?Where stories live. Discover now