Chapter 26: Reversible

575 38 3
                                    




"I know right! Sabi na nga ba at magiging marupokpok ka na naman ulit, e." sinamaan ko ng tingin ang mataray na mukha ni Annica sa screen ng laptop ko. Monique on the side of the table is chuckling at halatang pinagkaka-isahan pa ako.

"Stupid, bakit hindi ka na lang mabulok diyan sa trabaho mo. Epal." I couldn't help but be more childish, lalo pa't ang pang-aaasar ni Annica ang meron ako sa hapon na ito. Monique with the files of her reviewer ay nagkalat na naman sa coffee table ko. Soon she'll be taking her licensure exam, kaya naman kung subsob na siya sa pag-aaral noong mga nakaraang buwan, ngayon ay parang ayaw na niyang bitawan ang mga reviewers niya.

"In fairness naman kasi, girl. Tawang – tawa ako roon sa video ng away niyo ni Barbie doll. You're an internet sensation again but only this time, you're the winner! Like hello! May ibo-bobo pa ba siya to just throw rage like that?" napalingon ako kay Monique ng bigla siyang nanigas at ang inosenste niyang pagbabalik sa akin ang nagpaliit ng mga mata ko. Umiling naman siya at ibinalik ang tingin sa binabasa.

"Ewan ko ba! Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa utak noon. Saltik!" I said at sumimsim na sa kape ko. Monique is just quietly listening to us habang ako ay nakatutok naman sa screen ng laptop ko.

"Aliw talaga! Galit na galit, gusting manakit! Wala yatang dilig si ate mo girl kaya nagagalit! Speaking of dilig! Ano? Mahal ng bayad sa gardening ano? Kamusta naman puso mo diyan? Buo pa ba?" Nairap naman ako sa tanong niya at napabaling kay Monique na itinaas pa ang reviewer niya para hindi ko siya makita as if maitatago niya sa akin na siya ang nagsiwalat noon kay Annica!

"Papatayin ko na ang tawag." Deklara ko at ang halakhak naman ni Annica ang tangi niyang sagot sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Don't look at me like I'm going to tell you to stop. Go, girl! Kung saan ka sa tingin mo sasaya. But I'm reminding you to stop playing riddles kay Veriane. Huwag ka ng magsettle sa ganyan lang. Four years ago it was still okay. Pero ngayon, you have Glamour. You have more ahead of you, ngayon mo pa ba ititigil ang mga iyon para sa kanya. No girl, you should handle your priorities more. Hindi lang naman laging puso, e. Don't put back the bobong Aryanna Gayle pagdating sa pag-ibig. Kapag ayaw, edi huwag! Namuhay ka ng four years ng tuyo! Kaya mo ulit mamuhay ng tuyo!" I gasp when Monique even try to cover her ears dahil sa sinabi ni Annica while she just laughs hysterically. Kahit wala na siya rito ramdam ko parin ang napaka balahura niyang bibig nakakaloka!

A few moments pass ay halos mabuwal ako sa kinauupuan ko ng makita iyong lalaking kasama naming noong nag date 'kuno' kami. He's topless!

"Hoy, Aryanna Gayle! Nakikinig ka ba?" Hindi ko magawang i-process ang sinasabi niya dahil napako na ang tingin ko roon sa lalaki! Oh my god! They're living together? And punyeta! Naka-boxer shorts lang iyong lalaki! He even looks at the screen bago tuluyang tumalikod at may ginagawa.

"You're so stupid. Nakikipag-live in ka na diyan! Fubu mo no?!" I shouted at si Monique ay napalingon rin sa screen at nanlaki ang mata dahil sa sinabi ko. Annica's face scream horror dahil sa sinabi ko at lumingon sa likod. Kaya naman pala nakaroba lang si gaga! Alam na!

"Bullshit! Cay! Get-out—"

Hindi pa man natatapos ang sinabi niya ay naputol na ang tawag. Natawa pa ako ng bahagya and can almost tell that Annica can even taste everything she just had said to me. Dami niya pang advice, hindi rin naman niya mai-apply sa sarili. Oh, well. Magkakaibigan nga kami.

Napabalik ang tingin ko kay Monique na puno ng pagbabanta ang mukha.

"What?" I said in defense pero inikutan niya lamang ako ng mata bago tuluyang ibalik iyon sa mga reviewer niya. I just ignore her dahil nagiging bugnutin na siya dahil sa kakaaral.

Why Does it Matter?Where stories live. Discover now